2.28.2009

He forgives but does not forget


Boy Abunda declared that he has accepted the apology of Vicki Belo even though it was just via txt to some common friends.

He explained however that the article published about the reason why Vick Belo and he had a falling out.

This is the story:

Tinanggap ko naman ang apology. Let’s all move on. After this ayoko nang magsalita,” simula ni Boy Abunda the other night nang makausap namin tungkol sa lumaking issue sa kanila ni Dra. Vicki Belo na nag-umpisa sa interview last Sunday sa Showbiz Central.

Actually, kaya lang namin siya nakatsika ay para i-clear ang lumabas na issue tungkol sa na-involved na partner niyang si Bong Quintana sa away nila ni Dra. Belo.

Lumabas kasi the other day dito sa Show-MY na ang rason ng away nina Boy at Dra. Belo ay dahil sa ticket sa concert na ang director ay si Bong. “Nasama na si Bong, and ayaw ko siyang madamay pa. Ako na lang sana. Pero dahil sa nasali na siya, ikukwento ko yung totoo,” sabi ni Tito Boy after ng Showbiz News Ngayon last Friday night.

Tumutulong daw sa special events si Bong sa Belo Medical group noon at magkaibigan din sina Bong at Dra. Vicki pagbibigay ng background ni Tito Boy.

Dahil magkaibigan sila, may pagkakataon daw na ini-encourage pa ni Dra. Vicki si Bong na magpa-liposuction ng libre. “Two years bago siya na-encourage na magpa-lipo,” tuloy ang kuwento ni Tito Boy.

Pero hindi naman daw lahat ‘yun libre dahil partly may binabayaran siya.

At tungkol sa controversial ticket, para pala yun sa concert ni Frenchy Dy worth P10,000.

“Ibinigay ‘yun ni Bong kay Vangie Kua (PR girl ni Dra. Belo noon). And then suddenly, we got a text message na Vangie is no longer connected with Belo. So he called Vicki about the ticket.

“And ‘yun she said, na you get free services na nga from the clinic, binibentahan mo pa ako ng mga ticket,” recalled tito Boy sa totoong nangyari.

“So ang ginawa ni Bong, pinakuha niya ang ticket sa Morato (Belo Clinic). Saka lang sinabi ni Bong sa akin after niyang ipa-pick up ang ticket dahil alam niyang magri-react ako.

“Nagalit ako, aaminin ko. Sinabi ko sa kanyang let’s talk, we have something to resolve. Nag-set kami ng dinner. Dumating siya. Andun si Hayden (Kho), Betina (Boy’s assistant), Kris (Aquino), Vicki and me.

“Sinabi ko sa kanyang nasaktan ako. Kung ayaw mong magbigay para sa ticket, puwede mo namang sabihing pass muna. Marami pa akong binitiwang salita na masakit. Umiyak siya.

“Kasi naman di ba, kapag magkaibigan, kung meron kayong pinagkakagalitan, harap-harapan kayong mag-uusap,” sabi pa niya.

“Nag-end kami ng mabuti. Niregaluhan niya pa ako ng mga sapatos,” kuwento pa ni Tito Boy na ipinagtataka niya dahil marami na palang ibang pinagkuwentuhan si Dra. Belo tungkol sa ticket na sinasabing pinagmulan ng away nila.

Sinabi rin niyang hindi totoong nagbayad ng check si Dra. Belo na dinala nito ng personal sa bahay nila.

“That was 2006, today is 2009, nagtapos ang dinner na ‘yun, tapos ang kuwento. Nagkaayos kami, nag-usap na ulit kami. We were okay. Nagtapos kami doon nang maayos.”

Kaya gulat siya na naungkat pa ‘yun.

Hanggang dumating na nga ang issue kina Dra. Belo at Kris Aquino.

Hindi siya nagsalita at never daw siyang nagsalita ng against her.

Kahit ang paglilipat ng talent niya sa Calayan ay maayos niyang pinaalam sa pamamagitan ng PR director ng Belo Medical Group na si Leah Salterio. Kahit daw ang tungkol kay AiAi delas Alas ay nagpasintabi siya bago tinanggap ang offer ng Calayan.

After nito ay wala nang plano si Kuya Boy na magkuwento pa or mag-react about Dra. Belo dahil hindi naman daw siya nagalit na nakumpara siya kina Dingdong Dantes or Piolo Pascual kundi nanggaling siya dun sa sinabi niyang nami-miss niya si Vicki after na ma-interview ni Kris tapos biglang may sinabi sa kanya.

“Gusto ko lang malinis ang context ng narrative. Ayoko lang makasama si Bong. Nakakahiya kay Bong.

“Life is too short and sexy. ‘Wag nating pahirapin.”

No comments: