2.28.2007

In this Corner of the Universe-Vicky Belo versus Kris Aquino

Kaya pala, kandarapang magpainterview si Dr. Vicki Belo para linisin ang pangalan ng Belo Clinic dahil hindi raw siya kinakausap ni Kris. At siyempre pag hindi siya kinausap, mawawala ang pinakasikat niyang endorser.





Eh ang tsismis, sasama rin si Boy Abunda sa pagboycott sa Belo Clinic kaya ito ang latest damage control niya.

1. Sabi niya, my boyfriend si Hope na taga Baguio at may asawa rin.
2. Dating ground stewardees siya at napaalis sa dating tinatrabahuhan.
3. May kasama ito na pinaalis din na siyang nagsulsol para ilbas ng iskandalo.
4. Nang tinanong ito tungkol sa tsismis na pakikipagrelasyon kay James, sinabi ni Hope na hindi totoo.
5. Hindi siya nagresign kung hindi siya ay nag-awol matapos mapagsabihan na hintuan ang pakikipagmabutihan sa mga surgeon at ibang kliyente.

6. Itinour niya ang mga press people sa mga cubicle sa kaniyang clinic para ipakita na napakaliit nito para magkaroon ng sinasabing intimacy nina Hope at James. Eh kung nakatayo?

7. Pinarerenovate niya ito para magkaroon pa ng salamin.
8. Pinaalis na raw niya ang body scrub para a mga lalaki?

Kung babalik si Kris, sundan na lang ang kabanata.

Makapaghilod na nga.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

In this Corner of the Universe, Dollywood versus James Yap

Dear mga tagasuvayvay ng istorya ni Kris at ni James,

Dolly Anne Carvajal wrote:

James Yap apologized on national television to wife Kris Aquino for his reported indiscretion. The following night, he was spotted in a high-end girly bar with one of his basketball teammates. Maybe he just wanted to unburden himself. But will flirting with one of the club’s sexy dancers (name starts with a C) solve his marital woes? What’s the use of apologizing if you continue to be a repeat offender? What will it take for Kris to tame James? Can he ever be a true husband and answer the call of duty over and beyond the call of the wild?


Ayan kinopya ko na para nandoon lahat ang sustansiya. Ano ba ang flirting?

Kung totoo yan, kaya siguro may balita na umuwi si Kris sa kaniya na Mama Cory?

Ah pag ganito nang ganito, di va dapat lang na maaga pa lang ay mabigyan na ng tuldok ang relasyon. Hindi comma ang mga kabarangayh, dahil may mga question mark pang di nasasagot at baka mayroon na namang exclamation point !!!!!!! na dumating.

Ay masisira ang beauty ng kahit sino.

Laughingly yours,

uploaded by starsinamillion.blogspot.com


Related posts:

Dollywood versus James Yap

Dolly Anne Carvajal versus Sharon Cuneta

Dolly Anne Carvajal versus Ruffa Gutierrez

Dolly Anne Carvajal versus Annabelle Rama

Dolly Anne Carvajal interviews Yilmaz Bektas


Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

In this Corner of the Universe, Noynoy versus James Yap

Siyempre, come to the rescue ang brother ni Kris na si Noynoy Aquino sa kaniyang kapatid.


Pinayuhan niya si James na ayusin niya muna ang gulo sa pamilya bago siya sumama sa political campaign niya.

Alam niya na ang mga tao ay may simpatiya kay Kris kaya baka pag isinama niya si James ay iboo ng tao. O di va.

Pero ang sabi naman ni Abad na isang pulitiko, gamitin si Kris sa kaniyang kampaniya.
Dahil malakas si Kris sa tao. Kahit buntis si KRIS?

Kasamang mga pulitiko na galit sa mga artistang nagkakampaniya pero ginagamit ang mga koneksiyon sa mga artista para manalo. Ay mga Day ,sugurin at kurutin ng pinong-pino.

Buti nga, binati na ni Noynoy si Kris. Kasi noong karelasyon niya si Joey, ay naku talagang hindi siya MAY-I-Talk kay Kristeta.


Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

2.27.2007

In this Corner of the Universe, Kris versus James

Hanubayan. Hindi pa raw napapatawad ni Tita Kris si Tito James. Sabi ni Kwris,



"I want space—emotionally and physically" kaya raw di sila magkatabi ni James. Sa gitna nila ay nandoon si Joshua. Kawawang bata.

Hindi niya kaya pinaniniwalaan si James sa sinabi nitong wala nga. Wala ngang himalang nangyayari sa loob ng cubicle. Kung wala bakit siya nagAPOLOGIZe. pkiespelik ng mama.

"I'm just trying my best not to judge. Sino ba ang paniniwalaan mo, ang taong sumumpa kang mamahalin o sa taong gusto ka lamang sirain? Kaya humihingi ako ng space dahil ako ang naagrabiyado. Sana maunawaan ninyo kami, huwag ninyo kaming pangunahan. Bigyan ninyo kami ng panahon na maayos ito. Kung anuman ang desisyon namin, iyon siguro ang dapat," pakiusap pa niya sa press.


Oo nga naman bakit ba natin siya pakikialaman. Sige na nga wala na kaming paki. *heh*

Tuloy ba ang pagpa-file ng legal case ni James laban kay Hope?

"I don't ask him," sagot ni Kris. "Kung ano ang balak niya, kanya na ‘yon. I don't want to speak on his behalf. Basta ako, pinipilit kong maging matatag para sa mga anak ko. Sino ba ang may gusto na mangyari ito?"


Ay ano yan, hindi sila nag-uusap? Sabi nang huwag makiaalam eh.

From Kris, nalaman din namin na niyayaya siya ng Mommy niya na lumipat siya sa bahay nito sa Times Street, Quezon City.


Ay pabayaan na siya ha. Hindi na siya bata. Tita Cory.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

2.25.2007

In this Corner of the Universe, Hope versus herself

Naku mga ateng, tingnan nga natin ang mga she said, they said para makita natin ang katotohanan.



Lolit: Bakit nung huli kong nakausap si Elise, ang sabi niya, "Huwag ka maniwala 'Nay Lolit, ilusyon niya lang ‘yon." Ikaw daw ang in love na in love kay James, stalker ka ni James, tsaka fatal attraction [sic] ka kay James.

Hope: Hindi po totoo ‘yon. In the first place po, alam ni Elise na hindi ko type si James at may asawa na siya. Kada punta dun ni James, alam niya [Elise] kung ano ang nangyayari sa amin dahil nagpapakuwento siya.

Akala ko ba sabi niya hindi nya alam na may-asawa siya kaya siya pumatol?

Ito.

Hope: Nung naging kayo [ni James], hindi pa buntis si Kris?
Hindi pa. Ano po kasi ‘yon, two weeks kaming magka-text na no'n ‘tsaka lumabas na ikinasal na sila.

Lolit: Nang malaman ni James na nawalan ka ng trabaho, hindi man lang ba siya nag-attempt na tawagan ka?
Hope :Hindi po.

Aba kung mahal talaga siya ng tao, gagawa at gagawa ng paraan para matulungan siya, kahit ibang tao ang patulungin. Lalo't ganito ang ugali raw niya.

Lolit: Sa pagkakakilala mo kay James, pursigido ba siya kung may gusto siyang gawin?
Hope : Oo, ‘pag gusto niya, gusto niya.

Bakit may sinabi siya na nagpilit makipagkita sa kanya. Ito.

Message kay James...
(Biglang nag-iba ng tono) Kay James, sana hindi niya ako basta binalewala. Tapos yun, nakipagkita siya sa akin, namimilit na magkita kami.



O diva, pag gusto ni James, kahit na hiwalayan pa siya ni Kristeta, siya pa rin ang kakampihan.

Lolit: Dun sa 10 months, wala siyang sinabing I love you?
Hope: Wala po.

Malabo. Kasi kahit labas ilong dapat ay masabing i love you.

Wala man lang siyang sinasabi sa ‘yo?
Yung pagte-text niya.



Lolit:Sa mga text niya, may mga ‘I love you'?
Hope: Wala, wala. Kasi ako naman, hindi ko naman na [ini-expect] na mag-'I love you' pa siya kasi alam ko namang may asawa siya. In the first place, alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako mag-e-expect ng ganun.

Kahit hindi siya nag-eexpect, lumalabas yon ng natural lalo pag may intimacy na.
Huwag ninyo akong tingnan nang ganyan. MAkuha kayo sa tingin.


Lolit: Kahit kayong dalawa, sa moment of intimacy n'yo, wala kayong ganun?
Hope: Wala po. Wala po kaming ganun.

Kung totoo mang may nangyari, may L talaga, pero hindi Love kung hindi LI...

Gising bata. Magbagong buhay ka na lang at itanim sa isip na ang hindi ukol ay hindi bubukol, kahit pukpukin. ehek.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

2.24.2007

In this Corner of the Universe, Hope versus Lolit Solis

Mga Manay, ito ang interview kay Hope. Courtesy ni retz na isa ring tsismoso.
Sabi ni Joey, gumawa raw ng opinyon. Kasi open siguro kaya yon.


Lolit Solis: Kailan naging kayo?
Hope: march 2006

Naging kayo nga kaya o siya lang? (Huwag ninyo akong pansinin. Kunwari lamok lang ako na aali-aligid).



Lolit Solis: kailan kayo huling nagusap?
Hope: january 15, 2007
Lolit Solis: So almost 11 months din kayo
pano kayo nakakalabas.

Di sa pinto. ehek. Paano sila makakalabas eh, kilala si James na asawa ni Kris. Kaya pag may ibang babae siyang makakasama ay magigiba ang langit sa sabay-sabay na pag-igkas ng mga kilay nang makakakita. Umph.

Hope: nanagyari lang sa loob ng opisina
Lolit Solis: hindi alam? o wala bang nakaka-alam?

Sabi ni Fortun, isinasara raw ang opisina pag wala na ang lahat.
Saan kaya sila nagtatago? Makakapagtago ba si James?
Hindi naman pala siya facialist kung hindi receptionist, paano siya makakatagal sa loob ng cubicle kung saan ginagawa ang facial?


Hope: may nakaka-alam
si elise si mitos

Lolit Solis: Nakausap ko si Elise at sabi nya ilusyon nya lang iyon fatal attraction mo lang yon
Hope: alam nya kung ano nangyayari sa amin dahil nagpapakwento siya pagkatapos.

Mayroon akong kakilalang nars, na nakausap lang ng doctor na crush niya, nagsimula ng magkuwento na sila na ring dalawa at ginagawa raw nila sa kuwarto ng pasyente....hanggang....

Lolit Solis: Tuwing kailan kayo nagkikita?
Hope: every week every monday
Lolit: Eh pano yung Tuesday, Wednesday, Thursday at yung ibang araw?
Hope: puro text at puro tawag lang.

Monday girl pala siya. Sa mga umiibig, hindi sapat ang isang araw. Ahahay. Ang tumingin sa akin ng may suspetsa, isusumpa kong maging palaka.

Lolit: Hindi ba nalalamanni Kris?
Hope: hindi nagbabasa ng messages nya, wala silang pakialaman ng messages sa cellphone
minsan katabi nya si Kris, sinasabi nya…

Uhhm, if I know, kaya sila nagkahiwalay niya Joey dahil sa nakita niyang mga messages ng babae sa cell phone ni Joey.

Lolit: nafeel mo bang nain-love sa iyo si james
Hope: oo naman po, nainlove din po ako sa kanya
Yun lang siguro ang pagkakamali ko na nagmahal din ako.

Kapag ang lalaki ay kuntento lang sa isang araw na makita ka. Hindi pag-ibig. Sabi nang pay tumingin sa akin ng may suspetsa, gagawin kong palaka sa pamamagitan ng aking magic wand.

Lolit: hindi ba nag-attempt na tumawag sa iyo si james
Hope: hindi po…

Ah talagang walang pag-ibig. Kasi ang pag-ibig, harangan mo man ng sibat, tatawag at tatawag yan kahit gumamit ng ibang phone card.


Lolit: halimbawa tumawag siya sa iyo handa ka ba? mahal mo pa ba siya
Hope: opo

Lolit: hindi mo siya tinatawagan
Hope: hindi po, nung nalaman na at naglabasan na ang mga blind items hindi na po ako nagtetext o tumatawag sa kanya.
hindi ka buntis?
hindi po.

Akala ko ba siya ang lumapit kay Cristy Fermin?



Lolit: Kung may message kang sasabihin kay Kris.
Hope: lalaki yan hindi basta basta umaamin
may proweba ako na magpapatunay na hindi ako ang naghahabol sa kanya…

Hope’s message to James Yap:
kay james sana uhm hindi nya ako basta binalewala na lang.

Ahaa, motive your honor. Ang sakkeet baby pag ikaw ay hindi ipinakilaban at iiwanan na lang dahil miyembro siya ng TAKOSA. (Takot sa Asawa)

Lolit: May galit ka ba nung mapanood mo siya sa kabilang istasyon at humihingi ng pagpapatawad?
Hope: Naawa ako sa kanya para siyang robot
Lolit: Bakit?
Hope: lalaki siya alam mo na ang mga consequences dapat umpisa pa lang alam na nya ang mga mangyayari
Lolit: May ipinangako ba siya sa iyo?
Hope: wala siyang pangako.

Ah wala talaga. Ang lalaking naghahabol, ipapangako ang buwan kahit ito ay napuntahan na ng astronaut, ang araw, kahit na ito ay nagtatago sa gabi at ang langit...

Hope: hindi ko alam na mag-asawa na sila ni Kris nung nagtetext sakin si James

Hope’s message to Kris Aquino:
ang sa akin lang hindi ko sinisira
nung pinasok ko yun alam ko kung nasaan ako
at hindi ako naghahangad pangako.
hindi din ako pumayag magpainterview
ni-piso wala akong hiningi kay james
sana po wag nyo po akong husgahan
tao lang babae lang na nainlove.

Eh ano ito? confession sa pari? Ahahay, pigilan ninyo ako, pigilan ninyo ako.
Kukuha lang ako ng tubig. Bigla akong nauhaw.



at naiwang magisa nakawawa

Joey de Leon: Tinatanggap po namin ang lahat ng reaksyon o opinyon sa isyung ito, kaya Kayo na po humusga…

What are Hope’s motives?
Startalk’s Interview with Hope’s former coworkers

Elis: ako ang facialist nya that time, pumupunta siya dito si Hope kasi ang humahawak ng schedules other than that…may asawa rin ako at alam ko masakit yun kung papayagan ko ang may mangyayari sa kanila.

Ibig bang sabihin niyan, hindi siya ang nandoon sa kuwarto.

Nitos dela Cruz: sa tingin ko po walang nangyayari sa kanila dahil si James takot na takot kay Kris at ayaw nya iiwanan ko siya sa loob ng kwarto mag-isa, so walang talagang pagkakataon na silang dalawa lang.
Hindi kami papayag na maharass ang cliente, kaya’t may isang beses na feeling namin naharass ang kliente namin kinausap sila ng management.
Si Hope nagawol at yung isa nagresign nang tuluyan.

Akala ko ba nagresign si Hope, sabi ni Fortun? Bakit siya nagawol? Napagalitan?


Nice Pangan: matagal na kaibigan ni hope
alam ko po na crush nya si sir james
gusto nya ipaprint sa asawa ko dahil graphic artist ang asawa ko.

Kaya siya may retrato ni James sa kaniyang cell phone ?


Nice: kaya nasa akin ang pictures na yun
umabot pang nagpapalit ng schedule si hoipe

Ah, tigilan ninyo ako, tigilan ninyo ako. Klik.


Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

2.23.2007

In this Corner of the Universe, Hope versus Dr. Vicky Belo

Hatsing. singhot, hatsing singhot. Killjoy talaga itong sipon ko. Lalo kasing intriga ang mga dumarating.
hope-james-yap image
Sa TV Patrol, sinabi ni Atty. Raymund Fortun na walang HIMALANG nangyari sa Belo clinic dahil nilalagyan nila ng belo ang mga ...ano ba ang pinagsasabi ko.

Ulit. Sabi ni Atty Raymund Fortun na abogado ni Vicki Belo, na hindi raw sa clinic nangyari ang mga luhuran at mga....erase, erase...

Wala raw nangyaring mga pagtatalik na puwedeng mangyari kay Hope at kay James Yap sa clinic dahil sinasara ito pagkatapos na lumabas ang lahat. May mga security guards daw na nakabantay.

Eh ang dinig ko hindi naman after, kung hindi while o habang. Acheche.



Sabi pa ni Fortun "The employee [Hope], prior to her resignation from the company, had in fact denied that such a relationship existed."

'Tural, kasi siguro ayaw niyang matanggal. Eh pinagresign siya. Baka may perang nakakalat pagkatapos niyang magkumpisal ng walang belo. ehek.


Palagay ko tuwang -tuwa si Lolit Solis sa magiging rating ng kaniyang programa.
Say thank you to Kris, girls.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

,,,,,,,,

In this Corner of the Universe, Hope versus Fans of Kris

HAHAHAHAHAHAHAHA. Ay sorry mga kafatid sa pakikinig at pagbabasa ng mga katsisimisan pero hindi ako nakapigil nang sabihin ni HOPE na, "Wala po talaga akong balak na sirain [ang pamilya nila]. Sa akin lang, hindi ko sinisira. Nung pinasok ko ‘yon, alam ko kung saan ako.

EH BAKIT SIYA NAGKUKUMPISAL KAY LOLIT SOLIS?
hope-jamesyap
piclooted from retz.

Tirintasin ko kaya ang buhok niya at pagamitin ko ng shampoong ginagamit ni Kwris?

Ipinakita si Hope na nakatalikod sa camera sa video sa 24 Oras. Ganda ng likod at ng mga daliri

Hope said that she didn't know about James's marriage to the TV host-actress.

Wala siguro siyang TV sa bahay ? (Igkas kilay ko)

According to her, she was the last to know.

Akala ko ang asawa ang huling nakakaalam.( Baba muna ang kilay, medyo ngawit).

"Sa mga sumusubaybay po kay Miss Kris Aquino at kay James Yap, sana po ‘wag n'yo akong husgahan. ‘Wag kayong magalit sa akin kasi tao lang po ako. Babae lang din ako na na-in-love."

Ang theme song pala niya ay Sapagkat Kami ay Tao Lamang. Nakakaiyak. (Pahiram nga ng panyo).


Ngayong hapon, habang ako ay naggagantsilyo at naghahanap ng magandang programa sa TV kasama ang pagsinghot at pagpahid ng Vicks sa aking baradong ilong.

Teka, teka, biglang natigil ang pagpindot ko ng remote. Nakita ko sa screen ang confrontation of mistresses. Ay ani ba ini? Para bang Kris at Hope kaya lang programa pala yon ni Jerry Springer na hindi ko pinanood (Kung di lang ako naliligaw)kasi talaga namang bulgaran doon anoh. Sabunutan at sampalan ang asawa at ang mistress. Hinarap ni misis ang asawa at inumbag. Arayy.

Tinanong ni Springer ang mister kung bakit siya ay nagtaksil-taksil-taksil-taksil
*heh* hintuan mo yan....(mali-mali po ako).

Sagot ng mister...kasi raw ay tinutukso siya. Ahaa. kasalanan ngayon ng babae. Kung ayaw niya, hindi siya magpapatukso. Isa pa meron daw silang nagagawa sa mga babaeng ganito na hindi nila magawa sa kanilang asawa.

Hint* hint*hint.

Ewan ko ba. Sandali lang at ako ay maghihilamos ng holy water. Masyadong nagkasala ang aking mga mata. Ahek.
,,,,,,,

In this Corner of the Universe-Cristy Fermin versus Kris Aquino


Ay mga katsismisan at kagantsilyuhan (naggantsilyo ako habang nagbabasa para di masayang ang oras ko anoh, pag ang kaibigan mo mismo ang magsusulat tungkol saiyo in the guise of "concerned" kuno ekek, ay, burahin mo na siya sa listahan ng iyong mga good friends at ilagay mo sa listahan mong mga friends na may pakpak. Anong ibig sabihin ng kaibigang may pakpak? Eh di yong pag nasa ilalim ka ay lilipad sila para dumapo sa tae ng kalabaw na nakadagan saiyo. Tsee.

Siya raw iniisnub dahil sa sinabi niya ang sikreto na matagal na niyang alam.
Naku ha, kung kaibigan ka talaga, pag nalaman mo yon, dali sabi mo para hindi umabot na ang kalansay sa aparador ay lumabas at kumanta.

Ito ang panig ni Cristy Fermin.



Nagsimula raw ang away ng magkaibigan at co-hosts nang isinawalat ni Cristy ang lahat ng alam niya tungkol diumano sa babae ni James na si Hope. Isang dating trabahador sa Belo Medical Group si Hope, na siya raw mismong lumapit kay Cristy para ikuwento ang relasyon nila in James as early as January this year.

Diumano, mahigit sampung buwan tumagal ang relasyon nina James at Hope at sa mismong Belo clinic nila ginagawa ang kanilang pagniniig. Si Hope daw ang "pumupuno ng pagkukulang" ni Kris kay James sa kama.


Kahit alam na ito ni Cristy, hindi niya ito ikinuwento kahit kanino o isinulat sa mga kolum niya sa mga tablolids. Naghintay raw siya ng "tamang pagkakataon" para maikuwento niya ang lahat-lahat kay Kris. Ayon kay Cristy, inalala niya ang kaibigan pero inisip raw niya ang kalusugan ni Kris dahil nagdadalang-tao ito sa unang anak nila ni James.

Nang sumunod na Linggo, February 11, sa birthday presentation ni Kris, unang napansin ang panlalamig nito sa kaniyang asawa. Dito na rin nagsimulang hindi pansinin ni Kris si Cristy.



Pinalampas diumano ito ni Cristy dahil kilala niya ang kaniyang kaibigan at inisip na nagtatampo lang ito sa kanya. Noong nakaraang Linggo, February 18, hindi pa rin siya pinansin ni Kris at harapan siyang dini-deadma at kay Boy lang nakikipag-usap kahit tatlo sila sa frame.



Hindi na natiis ni Cristy ang pangdi-deadma ni Kris, na kaniyang itinuturing raw na kaibigan, kung kaya't isinulat na niya ang kaniyang isinasaloob sa columns niya sa Bulgar at sa Balita kahapon, February 22.



May mga isisiwalat pa raw si Cristy tungkol dito sa mga darating na araw. Hindi rin daw niya masagot kung magkakaayos pa sila ni Kris dahil sa ginawa nito sa kaniya.





Kahit na ano pa ang sabihin niya, sumasakay pa rin siya sa iskandalo. Uhmm. Makapaggantsilyo na nga ulit.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

,,,,,,,

2.22.2007

In this Corner of the Universe, Kris Aquno versus Hope

kirs-james-yap picture
Kawawa naman si Kris. Naospital.

Kasi hindi lang mega confess ng relation si Hope kung hindi pati ang kanilang ginagawa sa cubicle. Pakibuhusan ninyo ako ng holy water. Madre mia. Kailangan dagdagan ko ang abo sa aking noo.

Ano ba yan. May mga oral oral pa silang binabanggit.

Ito ang kaniyang pagkukumpisal mga kabarangay.

Hope was very frank in her "confessions."

"Sinabi daw ni James na masyadong 'passive' si Kris in bed (James supposedly confided that Kris was passive in bed)," said Solis in an interview on dzBB radio.

James and Hope allegedly found time to share intimate moments inside the clinic where Hope attends to the cager's needs.

Kris and James are endorsers of the Belo Medical Group.

Solis described Hope, a nurse who used to work at the Belo clinic, as tall, slim, with light complexion, "flawless" skin and a pretty face.

"Pero mas nagagandahan ako kay Kris," said Solis.


Maganda naman talaga si Kris Aquino, matalino, mabait at sobrang magmahal.


Related articles:

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

,,,,,,,,

,,,,,,

2.21.2007

Hope you are saying the truth, Big Bird

So ibig pa lang sabihin niyan ay hindi talaga ang Sugar Mommy issue ang pinag-awayan. Ano kanyo ang sinasabi ko? Ewan ko. Ano nga ba.

Sa The BUZZ kasi ang lumalabas ay ang cause ng you-cannot-kiss-me scene ni Kris Aquino sa birthday celebration niya sa The Buzz ay ang malaki niyang kinikita at ang "paghingi"ni James Yap ng mamahaling kotse ba? Ewan ko ba.

Pero itong nasagap ko sa GMA7 iba ang talagang dahilan kung hindi dahil sa isang HOPE. Kasi nagconfess na yata yong third party involved at sinabing Peksman...Cross my Heart and hope to die ...na siya ay nagkarelasyon kay....tadyan tadyan....

BIG BIRD. Bago ninyo ako sampal-sampalin, dapat malaman ninyo na code lang ito ni James Yap sa kaniyang alleged "lover"na dating empleyado ni Vicky Belo.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,
,,,,

2.17.2007

Guess Who?

Palagi na lang siyang iniiwanan. Mga babae ang dahilan sa mga pinagkakahiwalay niya sa kaniyang mga naging kasama sa buhay ng hindi kasal. Ngayon ay ikinasal na siya.

Pero parang uulit na naman ang kuwento ng pagtataksil. Maganda naman siya. Mayaman kahit mag-artista. Sikat ang pamilya pero bakit. Eto mama ang kuwento ni Dolly Carvajal.

Her beloved is said to be having a dangerous liaison with a pretty facialist. No wonder he frequents the skin care center while his wife is busy working. “Private cleaning sessions”—or are they up to something dirty? Do her services include clearing his conscience?


Kabibirthday lang niya. Ay kitang-kita sa mukha niya ang lungkot at pagtatampo.

SINO SIYA. Sagutin mo ako Boy Abunda. ahek.

,,,,

2.16.2007

In this Corner of the Universe, Sharon Cuneta and Pops Fernandez

Sharon Cuneta and Pops Fernandez


photo from sharoncuneta.com
Alam nating lahat na magkaribal sa popularity si Pops Fernandez at Megastar Sharon Cuneta. Pero sa Valentine concert ng megastar, nagharap ang dalawa. Ahahay.

Ito ang balita ni Leah Salterio galing sa Philstar.
For the first time, Sharon shared the stage with Pops Fernandez, her special guest that night whom she selflessly introduced as "the one and only concert queen." Pops instantly revved up the crowd with her dance medley that included ditties like Break Out, Locomotion, That’s the Way It Is, Dancing Queen and Walking on Sunshine. She worked the stage that is definitely all too familiar to her, having staged successful solo concerts, too, at the Big Dome.

When they were finally together on stage, Sharon surprised Pops with a personal letter that interestingly detailed how they were born on the same year, grew up together, attended the same parties and went to the same school, but never went beyond friends. As Sharon was reading her note to Pops, photos of their childhood and teenage years were flashed on the giant screen at the upper right side of the coliseum. It was truly a surprise that made Pops cry.

More amusingly, they traded anecdotes on stage so comfortably like they were just in a talk show. For a moment, one thought the two stars were probably oblivious of the huge crowd before them and simply kept on ranting about their lives, including their respective failed marriages.

Sharon said she is honored to perform on the same stage with Pops, whom she treated as "concert royalty." Together, they carried out saccharine ballads — Something New in My Life, How Do You Keep the Music Playing, Almost Over You, I Honestly Love You and The Promise. Later on in the show, Sharon and Pops dished out a vocally challenging duet, Whitney Houston’s On My Own.


O di va ang saya-saya. Dapat pamarisan si Ate Shawie nang ibang mga artista na habang nagkakaedad ay lalong nagiging popular dahil sa magaganda niyang ginagawa.

Sharonian forever.

,,,

In this Corner of the Universe, Bianca Gonzales versus Lino Cayetano


picture from retztv
Hanggang ngayon, hindi pa rin napupunit ang picture ni LC sa puso ni Bianca sa pagbibreak nila ni Lino Cayetano. Ayaw namang sabihin ang tunay na dahilan. Si LC ay nababalitang nanliligaw kay KC. O sige magutay na ang puso mo.

Noong kasing nasa Pinoy Big Brother siya, masyado siyang nalapit kay Zanjoe Marudo.
Pero sabi naman niya, hindi naman daw yong ang dahilan.

Eh ano nga va. Habe, sabihin sa lolang tsismosa.

,,

2.14.2007

In this Corner of the Universe, Toni Gonzaga versus Sam Milby and Zanjoe Marudo

Ay mga kababaryo at mga kabarangay, balik na naman sila. Dyadayaaan.

Toni Gonzaga


Sam Milby



and Zanjoe Marudo




in the movie, You Got Me.

,,

2.08.2007

In This Corner of the Universe: Gretchen Barreto versus Angeli Pangilinan

gretchen barreto at celebritiescorner Nang tinanong daw siya tungkol kay Angeli, sagot ni Gretchen Barreto ay SINOSIYA? Taray noh?

Talagang humahataw si La Greta sa pakikipag-away sa kaniyang mga kabarangay sa show business. Intriga talaga ang kaniyang almusal, tanghalian at hapunan. Di pa kasama diyan ang meryenda.

Akala ko ba ayaw na niya ang away.


Panoorin ninyo itong youtube kung saan siya ay iniinterview ng kaniyang manager na si Boy Abunda.


Pagkatapos ng away niya kay Lani Mercado na asawa ni Bong Revilla, at ang iringan nila ni Dawn Zulueta tungkol sa microwave at sangkatutak na signature dresses (huwag mong isnabin, asawa rin ng lahi ng mayayayaman ang mga Floriendo si Dawn) si Angeli Pangilinan naman ang kaniyang kaaway ngayon.

At bakit ba sila nagkaroon giyera eh peaceful naman daw ito si Angeline? Ganito yon mga kabalens at kababaryo.

Nagtext si Angeli para pakiusapan si Gretchen na humingi ng tawad kay Lani dahil sa nagawang gulo nang pagbubunyag sa anak ni Bong Revilla at mga patutsadahan ng sinong kasal at sinong hindi. Ahay pag hindi ka naman talaga nagkaroon nang maraming crow's feet sa mga taartits na ito.(sabay masahe sa paligid ng mata). Umph.

Tuloy ang cheesemix. Nagalit ang Gretchen at nagtext back daw na pinarunggitan ko sino ang mang-aagaw. Eh alam naman ng lahat na si Gary V ay boyfried ng kapatid na bata ni Angeli noong siya ay mabuntis at mapakasal kay Gary. Gulo ng love story noh?

Despite sa mga sinabi ni La Greta, mahal pa rin ni Angeli ito dahil sa kanilang pinagsamahan. Kaya ba sinabi ni Lolit Solis na plastic si Angeli. Hawhawhaw talagang malolokee akee.

Yon yon.

Sa muling cheesemisan.

,,,,,

2.07.2007

In this Corner of the Universe: Sharon Cuneta versus Dolly Carvajal

picture of kc concepcion and lino cayetano at -celebritiescorner

Ahaa, ayaw ni Megastar Sharon Cuneta niyan. Megairita siya sa isinulat ni Dolly na magkasama raw si KC Concepcion, ang kaniyang anak kay Gabby Concepcion at si Lino Cayetano, kapatid ni Senador Pia Cayetano at Congressman Allan Peter Cayetano sa Hongkong nang matagal. (Gusto rin niyang maging pulitiko na may asawang artista?).

Kaya nilinaw niya na kasama ang buong pamilya sa Disneyland (chaperon niya isang katerba) at kalahating araw lang daw nakasama itong binata na dating boy friend ni Bianca Gonzales. Hanubayan.

Si Lino Cayetano naman ay nagtext kay Dolly Carvajal explaining kung ano ba talaga.

Si Manay Sharon pa na mahigpit kay KC. Baaah.

Yon na. Sa muling cheesemisan.

,,,,,

2.06.2007

In this Corner-Gretchen Barreto vs Claudine Barreto

Habang nakikipag-away ang kaniyang kapatid na sosyalerang si Gretchen Barreto ay patuloy naman ang pagiging masaya sa kaniyang buhay, si Claudine Barreto sa kaniyang buhay may asawa at pagiging artista. Marahil inggit si Greta ano lalo ngayong nababalitang medyo tagilid ang negosyo ng kaniyang lover na si Tonyboy Cojuangco.

Ito ang video sa mga Claudine fans.



,,,,,

2.04.2007

Claudine Barreto -Ang Masayang Pag-amin na siya ay Buntis

Para sa mga Claudine Barreto fans, ito ang youtube sa interview ni Claudine na siya ay buntis at manganganak sa July.



,,,,,