2.19.2009

Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo living-in?





Boy Abunda expressed his disapproval on the rumored live-in arrangement of lovers, Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo.



Sa isang pakikipag-usap kay Boy Abunda mata­pos ang live episode nila ng SNN o Showbiz News Ngayon nung Miyerkules ng gabi, nilinaw nito ang isa sa mga isyu na tinalakay nila ni Kris Aquino sa kani­lang three day old program, ang balitang pagli-live in ng isa niyang alaga na si Mariel Rodriguez sa boy­friend nitong si Zanjoe Marudo.

“Opinyon ko lang ito dahil ayaw kong makialam sa personal niyang buhay. Pero, kung ako ang tata­nungin ayaw ko. At sinabi rin naman ni Mariel na ayaw din niya.

“Ang sinabi ko lamang kay Mariel at ito ay nung nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni Zanjoe ay ayaw ko na parang naghahabol siya kay Zanjoe, salita siya nang salita pero si Zanjoe, walang sinasabi, tahimik lang. Sabi ko kung may dapat magsalita tungkol sa kanilang relasyon, si Zanjoe yun.”

No comments: