2.19.2009

Nina claimed that Nyoy owed her more than a million

Nina and Nyoy were former lovers. Then they split. Nina claimed that Nyoy had borrowed more than a million from her even before they were an item.

Here is her confession from PEP:

"Hindi pa kami item noon," sagot ni Nina. "January 2005...parang I was at the airport with Nyoy, lumapit siya sa akin. And yun, he was borrowing money."

Magkano yung hiniram?

"Six-hundred thousand [pesos]. His mom needs the money daw. Pero siyempre, hindi ko na inalam kung saan gagamitin. Ang pinaka-explanation lang niya, sinabi niya sa akin is they have to come up with the sum of money to invest in some kind of parang stock to get the interest,"


Ilang days bago mo ibinigay yung pera?

"That same day. May pinirmahan agad akong withdrawal slip."

May promise ba si Nyoy kung kailan siya babayaran?


"After a week," sagot ni Nina.

Pero hindi naman daw nagawang bayaran ni Nyoy si Nina nung dumating ang araw na ipinangako nito.


"Naisip ko, sabi ko, bakit nga ba hindi ako nabayaran nung time na yun? Parang naging kami na yata after a week or two weeks. Although, nasingil ko naman yung iba. Ang sabi lang kasi sa akin, 'Kung gusto mo i-invest na lang natin ito sa ganyan para magkaroon ng interest.' Sabi nung mom niya sa akin," kuwento niya.

Ang utang ni Nyoy kay Nina ay nadagdagan pa raw.


"Pakonti-konti actually ang hiram niya sa akin. May 30,000, may 50,000..." Hanggang umabot na raw ito sa P1.4 million.

"Kasi mayroon pang dollars, e."
ung naghiwalay na raw sila ay sinisingil ni Nina si Nyoy.

"Sabi ko sa kanya, 'Paano na pala yung money na hiniram mo sa akin? Sabi ni Nyoy, 'Hindi, sasabihin ko sa mommy ko na bayaran ka na.' Hindi na kami nag-usap. Tapos, I left it all out to my mom. Hindi naman talaga aabot sa demandahan or whatever kung nakiki-cooperate sila sa mom ko, e."

So, siningil ng mommy ni Nina sina Nyoy?

"The mom of Nyoy gave my mom a check. Yung whole amount, pero post-dated. Sabi niya, 'Huwag n'yo munang i-deposit hangga't hindi ko sinasabi.' And then, nung dumating yung pinag-usapang day, pinasok namin, pero walang pondo," kuwento ni Nina.


Year 2007 daw nangyari yun. Noong 2008 ay nagsampa na ng kaso si Nina sa pagtalbog ng tseke na ibinayad sa kanya.

"Basta ang tagal nung process. Tapos, nagkaroon ng agreement na parang monthly na lang nila babayaran."


Who signed the agreement?

"Ako din, 'tsaka yung mommy ko and the mom of Nyoy."

Nagkaroon naman daw ng bayaran at umabot na lang sa P1.1 million ang utang ni Nyoy kay Nina. Pero nang nag-isyu ulit ng tseke ang mommy ni Nyoy ay tumalbog ulit ito.


Ano ang na-feel ni Nina nang mag-isyu ulit sila ng talbog na tseke?


"Na-shock ako. Parang, 'Ha, totoo ba ito?' Kasi alam naman nila na pag nag-bounce ulit yung check nila, e, estafa na talaga yung puwedeng ma-file sa kanila. Wala na kaming magagawa but to file another case."


Sa tingin ba niya ay minahal siya ni Nyoy o ginamit lang siya?


"Hindi ko masasagot. Hindi ko alam, e," naluluhang sagot ni Nina.

Sabi ni Kris, ang pagkakaalam daw ng publiko kaya sila naghiwalay ni Nyoy ay dahil nangaliwa si Nina. Hindi raw naman alam ng publiko na may financial aspect pa lang involved.


Diretsong tanong, did you cheat on Nyoy?

"No!" mabilis na sagot ni Nina.

There was no other guy that came along?


"No! The guy came after we split up."

Why did you split up? Ikaw ba ang nakipag-split?

"A lot of things na lang that is between me and Nyoy," iwas ni Nina.

Malaking factor ba yung pera?

"Siguro."


Ano ang natutunan niya sa naging relasyon nila ni Nyoy?


"Huwag nang magpautang!" natatawang sagot ni Nina.

No comments: