2.11.2009

Carla Abellana is Rosalinda

If GMA7 is not influenced by pro-Marian Rivera, the role of Rosalinda is going to be awarded to Carla Abellana.

This early, intrigues between the two are being cooked up.



Nakausap ng isang executive ng GMA 7 si Carla Abellana at itinanggi nitong nag-comment siya ng hindi maganda laban kay Marian Rivera. Ang totoo’y hanga siya sa aktres at sa trade party ng network, nagpakuha pa siya ng litrato kasama ito.

Timing ang paglilinaw ni Carla sa issue dahil may ilang fans si Marian na nagalit sa kanya dahil sa comment niyang “cum laude ako,” nang banggitin na pareho silang graduate ng La Salle. Na-misinterpret lang daw siya.

Middle of this year gagawin ni Carla ang Rosalinda at sasailalim siya ng acting workshop. Pinipili na ang makakapareha niya at walang dapat ikabahala ang naligalig na mga fans nina Marian at Dingdong Dantes dahil hindi raw ang aktor ang ipapareha kay Carla.

No comments: