2.04.2009

MARIAN RIVERA -no longer Taray Queen


Lolit Solis must have advised Marian Rivera to reconcile with people who she thinks have grudge with her.

First person that Lolit Solis approached is Ernie Pecho.


Pinagbigyan ni Ernie Pecho ang aking imbitasyon na pumunta siya sa painterbyu ko para kay Marian.

Gusto kong magpasalamat kay Ernie dahil dumating siya kaya naayos na ang tampuhan nila ni Marian.

Kung matatandaan ninyo, nag-emote noon si Ernie na tinarayan siya ni Marian. Nag-usap na sila kahapon at bago umalis si Ernie, friends na sila.

Feeling happy si Marian dahil nagkakaintindihan na sila ng mga reporter. Nakapag-explain siya at tinanggap ng mga reporter ang kanyang paliwanag.


Second is Boy Abunda.

Nakausap ko kahapon sa cellphone si Boy Abunda. In fairness, hindi siya galit o imbyerna kay Marian Rivera.

Nag-usap nga sila kahapon sa cellphone. Natutuwa nga si Marian dahil okey na sila ni Boy. Niyaya pa niya si Boy na magkita at kumain sila kapag hindi hectic ang kanilang mga schedule.

Hindi totoo na may silent war sina Boy at Marian. Ang sey nila, may mga nang-iintriga lamang sa kanila na kapani-paniwala dahil walang kaaway sa showbiz si Boy. Kung meron man, isang tao lang na naging bisyo na ang siraan siya. Kailangan ko pa bang sabihin ang kanyang name?

No comments: