3.31.2009

Annabelle Rama To sue PEP regarding Richard Gutierrez article


Jo-Ann Maglipon, the editor-in chief of PEP may have apologized to Richard Gutierrez et al but she was not coerced to retract what was published despite the threat of a suit by Annabelle Rama.




Nag-apologize ang PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon para kay Richard Gutierrez, Michael Flores at Jeffrey Quizon dahil ang mga pangalan nila ang nabanggit sa article na lumabas sa PEP pero na-pull out kaagaad.

Nag-apologize si Mama Jo-ann dahil na-upload kaagad ang article nang hindi pa kumpleto ang kanilang imbestigasyon.

Nag-apologize siya at inamin niya na may mga loopholes sa kuwento pero hindi satisfied si Annabelle Rama.

Hindi natutuwa si Bisaya sa apology at sa press­con na ipinatawag ni Jo-Ann dahil hindi raw nito inabswelto si Richard.
Hindi raw sinabi ni Jo-Ann na hindi totoong nangyari ang insidente na tinutukan ng baril ni Richard si Michael.

Gusto ni Bisaya na linisin ni Mama Jo-Ann ang name ni Richard pero hindi binawi ni Mama Jo-Ann ang kuwento na inilabas ng PEP noong linggo dahil wala raw siyang alam sa nangyari. Bakit daw niya babawiin ang kuwento na hindi naman niya na-witness?

Imbes na matapos ang isyu, lalo pa itong lumaki. Ang dinig ko, itutuloy ni Bisaya ang planong pagdede­manda sa writer ng PEP para magkaalaman kung saan nanggaling ang kuwento na tinutukan ni Richard ng baril si Michael.


Should this happen, the publicity that Annabelle Rama gets from PEP for her talents will be reduced to the extent of the PEP's coverage of fans.

Ruffa Gutierrez defended Richard from unsavory article

It is but expected that Ruffa Gutierrez defends Richard from unsavory article but in so doing, the case got worse. Many people were not able to read the news which was
pulled out by PEP, immediately.


Kaugnay ng artikulong lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 29, ukol kay Richard Gutierrez at Michael Flores, dinepensahan ni Ruffa ang nakababatang kapatid sa interview nito sa Showbiz News Ngayon (SNN).



Sa panayam na ipinalabas kagabi, na maaring naganap bago mai-post ng PEP ang liham mula sa editor-in-chief nito na si Jo-Ann Q. Maglipon, hayagang sinabi ng ate ni Richard, "Bago nila isulat ang mga fabricated stories na kuwentong barbero sa iba't ibang tao, dapat alamin muna nila kung sino ang source nila, kung puwedeng pagkatiwalaan ang source nila, kung may nangyari ba talagang ganung insidente.



"What my mom and what Chard really want is a public apology because there was really no incident that happened. A lot of witnesses can attest to that. And sa mga ganitong mga bagay, you know, we will use legal action kasi sinisira nila ang reputasyon at kredibilidad ng kapatid ko at puros na pawang imbento.



"Hindi na po naka-post 'yon, tinanggal na nila agad dahil alam nilang puwede silang mademanda. Even if wala na sa PEP ngayon, the damage has been done. Napakasama ng mga comments tungkol sa kapatid ko. My brother was so stressed since yesterday, umiiyak sa mommy ko. At kami nabahala na puro imbento talaga.



"Ang ganitong katinding intriga involving a gun, which my brother doesn't even have, he doesn't even carry, they could have called anyone to verify. Pero hindi nila ginawa, nilagay lang nila doon. Naninira sila ng puri ng ibang tao and talagang galit kami ang we're very disappointed."



Inamin ni Ruffa na nagbigay naman ng paliwanag ang PEP, ngunit kailangan din umano ng publiko ng paumanhin dahil sa pagkakasulat ng artikulo.



"Nag-explain sa amin but I think the public also deserve an explanation. PEP, sana po gumawa po kayo ng hakbang kung sino talaga ang involved dito. Dapat alamin niyo muna kung ano ang totoo bago niyo ito isulat especially kapag involved ang mga ganitong bagay. We will investigate kung paano nangyari ito."



ANNABELLE RAMA'S REACTION. Samantala, sa column ng publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin sa Abante Tonite ngayon, March 31, binanggit niya na bagamat inilathala na ang statement ng PEP sa mismong website, hindi pa rin sigurado kahapon ang ina at manager ni Richard na si Annabelle Rama kung magsasampa sila ng legal na aksyon laban sa nagsulat ng artikulo.



Ayon kay Annabelle, "Nag-usap na kami ni Jo-Ann. Kinausap ko na si Chard at ang pamilya ko. Alam ko na wala ngang alam si Jo-Ann sa pagkaka-publish no'n, pero ang gusto naming malaman, e, kung bakit nagsulat ng ganoon 'yong writer nila.



"Dapat ilabas ng writer na 'yon ang reliable source niya dahil wala silang patunay na totoo 'yon. Imbento ang artikulong 'yon at maraming nadamay.



"Pati si Michael Flores na nananahimik at nagsasabing mabait ang anak ko noong makatrabaho niya sa Kamandag at gusto pa uli niyang makatrabaho sa Zorro, e, nagawan ng kuwento."



Ganito rin ang naging damdammin ng mismong kolumnista sa kanyang text message sa PEP ukol sa statement nito.



"Tita, maraming hindi happy sa lumabas kasi hindi naman klinir na walang gulong nangyari at wala talagang katotohanan yun, lalo na yung tutukan ng baril. Hindi ko pa nabasa pero I will also read it later. Salamat po," sabi ni Jun.



MICHAEL FLORES AND DIREK MARK REYES. Sa parehong kolumn, inilathala din ang mga nagging pahayag nina Michael Flores, dating T.G.I.S. mainstay, at director Mark Reyes, na siyang nagdiwang ng kanyang kaarawan noong gabi ng March 28.



Sa pakikipag-usap ng PEP kay Michael, pinabulaanan na niya na may nangyaring kaguluhan matapos ang birthday party ng direktor ng Zorro. Kaya naman nagulat ito na naka-upload na pala ang istorya.



Paglilinaw pa nito, "Walang nangyaring kahit ano. Nagbatian pa kami ni Richard. Wala kaming problema. Nakatrabaho ko na si Richard sa Kamandag at mabait siya. Okay sa akin 'yong tao.



"Gusto ko ngang makatrabaho uli si Richard. Gusto ko ngang makasama sa Zorro."



Ganito rin ang naging pahayag ni Direk Mark at sinabi pa na nagbatian pa noong gabing iyon sina Michael at Richard. Aniya, "Walang problema sa mga bisita ko lalo na kina Richard at Michael."

Ms. Wilma Galvante Sued Annabelle Rama


Ms. Wilma Galvante Sued Annabelle Rama. This has been due for a long time. Someone should show Annabelle Rama not to bully people just because she is giving them gifts which she labeled as commission for the Senior Vice-President of GMA7.


Pitong milyong piso ang halaga ng damage suit na isinampa ni Ms. Wilma Galvante, Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA-7, laban sa talent manager na si Annabelle Rama. Pagpapatunay lamang ito ng pagiging matapat ng lady executive sa pinaglilingkuran niyang network dahil hanggang sa halaga ng kaso ay No. 7 pa rin ang kanyang pinili.



Tahimik na nagsampa ng kaso si Ms. Wilma sa Quezon City Regional Trial Court noong March 17. Sa kanyang 40-pages civil complaint, isinalaysay ng GMA executive ang mga pananakot diumano ni Annabelle sa kanya sa pamamagitan ng media interviews at text messages.



Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na pigilan si Annabelle Rama sa pananakot sa kanya at maglabas ng restraining order para hindi makalapit si Rama, within 50 meters, alang-alang sa kaligtasan niya.


Ikinuwento ni Ms. Wilma sa sinumpaang salaysay na nakatanggap siya ng mga malisyoso at masasakit na salita mula kay Annabelle. Ito ay pagkatapos niyang kausapin si JC de Vera sa loob ng opisina niya sa GMA Network Center noong February 16.



Talent ni Annabelle si JC. Matatandaan na umiyak ang aktor sa story conference ng SRO Cinemaserye (dating Obra) sa 7th floor Concept Room ng GMA Network Center nang malaman niya na ipinatatanggal siya ng kanyang manager sa nabanggit na show.



Dahil sa pagluha ni JC, nagpasya ang mga executive ng GMA-7 na sina Ms. Redgie Magno at Ms. Lilybeth Rasonable na ipasok ang aktor sa opisina ni Ms. Wilma para hindi makita ng ibang mga tao ang kanyang pag-iyak.



Pinaratangan ni Annabelle ng "harassment" si Ms. Wilma dahil diumano tinakot si JC ng lady executive.



Ipinagtapat ni Ms. Wilma sa kanyang complaint na dahil sa "violent streak" ni Annabelle ay nagkaroon daw siya ng pangamba na posibleng totohanin ng huli ang banta na pananakit sa kanya.



Binanggit ni Ms. Wilma sa complaint niya na nakatanggap siya ng text message mula kay Rama noong February 16. Bukod sa tinawag siya na "traydor" ay nagbanta diumano si Rama na gagantihan siya.



Kinabukasan, February 17, napagtanto ni Ms. Wilma na ang mga text message na natanggap niya ang umpisa ng mga malisyosong pahayag upang wasakin ang kanyang reputasyon.



Ipinahayag ni Ms. Wilma na sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, kailangang igalang ang dignidad, personalidad, privacy, at kapayapaan ng isip ng bawat isa at ang lahat ng ito ay nilabag ni Annabelle sa pamamagitan ng malisyosong aksyon na labag sa batas.



Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na ipagkaloob sa kanya ang limang milyong piso (P5 million) bilang moral damages, P1.5M (exemplary damages), at P500,000 para sa legal fees.



ANNABELLE'S REPLY. Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina si Annabelle upang kunin ang reaksiyon niya sa kaso na isinampa ni Ms. Wilma sa kanya.



Ayon kay Annabelle, hindi siya natatakot kay Wilma at handa siyang harapin sa korte ang kaso na isinampa laban sa kanya



"Matagal ko nang hinihintay ang demanda niya sa akin. Alam ko na 'yan. Inaasahan ko 'yan. Siya ang nag-umpisa ng away. Haharapin ko siya.



"Ang tanging kasalanan ko lang, e, ipinagtanggol ko ang mga talent ko, sina Heart Evangelista at JC de Vera. Pupunta ako sa Huwebes [April 2] sa Quezon City Regional Trial Court Branch 95 para sagutin ang mga bintang niya sa akin," ang pahayag ni Annabelle sa PEP.


3.30.2009

Rufa mae Quinto Snubbed DJ MO


Ruffa Mae Quinto is back from Dubai.She resumed her hosting of the Showbiz Central and word is, she is still snubbing dj Mo.


After a few weeks ay bumalik na si Rufa Mae Quinto sa paghu-host ng showbiz talk show na Showbiz Central kahapon, March 29. Ilang linggo rin kasing nawala ang sexy comedienne sa show dahil sa concert tour niya sa U.S. at show ng Bubble Gang sa Dubai.



Nakakuha ng impormasyon ang PEP mula sa isang insider ng Showbiz Central ng ilang eksena sa pagbabalik ni Rufa Mae sa show. Matatandaang magkagalit na naman ngayon ang sexy comedienne at ang co-host niya sa programa na si Mo Twister.



Nagsimula ang alitan sa pagitan nina Rufa Mae at Mo nang mag-guest si Dra. Vicki Belo noong February 22, sa segment ni Mo na "Gimme Mo." Nasa U.S. na noon si Rufa Mae kaya wala siya sa show.



Tinanong ni Mo si Dra. Belo kung naniniwala siya na may nangyari sa pagitan ni Rufa Mae at ng ex-boyfriend ng cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho. Sinagot naman ito ni Dra. Belo, na sa pakiramdam niya ay merong nangyari sa dalawa.



Two weeks after, sa March 15 episode ng kalabang programa ng Showbiz Central na The Buzz ay ipinalabas ang taped interview ni Rufa Mae, kung saan isiniwalat niya ang kanyang pagkainis kay Mo. Obviously, hindi nagustuhan ni Rufa Mae ang pagtatanong ni Mo kay Dra. Belo tungkol sa kanila ni Hayden; lalo pa't mainit ang issue ng pagkakadawit ng pangalan ni Rufa Mae sa Vicki-Hayden breakup. (


Ayon sa aming source, kahapon sa Studio 6 ng Showbiz Central sa GMA Network Studios ay dumating daw si Rufa Mae na galit pa rin. Ayaw raw nitong makita o makasama sa dressing room si Mo.



Bago nagsimulang umere ang show ay nagkaroon daw muna ng meeting ang staff at hosts ng programa; kasama sina Pia Guanio, Raymond Gutierrez, at John "Sweet" Lapus. Ito ay para pag-usapan ang sitwasyon sa pagitan nina Rufa Mae at Mo.



Sinabi raw ni Rufa Mae during the meeting na nasaktan siya sa nangyari. Pakiramdam daw niya ay pinagkaisahan siya ng mga tao sa show dahil pinayagan nila si Mo na tanungin si Dra. Belo tungkol sa kanila ni Hayden.



Pero sinagot naman siya ni Sweet na pinagsabihan daw nila si Mo na huwag nang banggitin si Rufa Mae sa interview ng DJ-TV host kay Dra. Belo.



Pagkatapos daw nito ay nag-sorry raw si Mo kay Rufa Mae. Pero naging matigas daw ang sexy comedienne at hindi nito tinanggap ang apology ni Mo.



Dahil sa naging reaction ni Rufa Mae ay sinabi raw ni Mo na magre-resign na lang siya sa Showbiz Central para matapos na ang problema sa kanila. Pero "deadma" lang daw si Rufa Mae, ngunit sinabing hindi na kailangang umabot pa sa ganun. Basta magiging professional na lang daw siya sa trabaho niya. Hindi rin daw nila kailangang mag-usap o magkatabi ni Mo during the show.

3.29.2009

Gretchen Barreto pamisysterious pa, promo lang naman ng kaniyang album


Expect Boy Abunda to interview Gretchen Barreto when the latter is promoting something. With the news about a special someone who she had been during her birthday, I speculated that something's cooking.

I am right. She is promoting her album. Singer daw siya oh. The producer is no longer Tonyboy Cojuangco. it is herself,Malou N. Santos and Annabelle Regalado-Borja


- Ang daming nainis kay Gretchen Barretto sa kanyang interview sa The Buzz kahapon. Feeling ng mga nanood, wala sa sarili si Gretchen dahil meron pa siyang mga dramang nakatingin lang sa host na si Boy Abunda sa Tough 10 Questions na hindi mo naman alam kung bakit may ganun pa.

Tinanong ni Boy si Gretchen kung tinanong na ba siya ng groom to be niya ng ‘will you marry me.’ Ang unang sagot ni Gretchen, tingin lang kay Boy tapos umiling. Tapos tumitig na naman. “Parang ewan. Ano ba ‘yun,” sabi ng isang nanood sa The Buzz.

Bago ‘yan hindi rin direktang sinagot ni Gretchen kung pinalayas siya sa bahay nila ni Tony Boy Cojuangco dahil nang malaman daw ‘yun ni Boy, tina­wagan siya at sinabing ‘you have a room in my house.’ Pero wala ring linaw kung natulog ba siya dun sa bahay ng TV host dahil sinabi niyang natutuwa siya dahil maganda ang bahay.

Anyway, bakit kasi hindi pa mabanggit ang groom to be na ‘yan. Alam naman ng lahat na si Tony Boy ang kinakasama niya bagama’t maugong ang balitang wala na sila at open na ang relasyon ni Gretchen kay Dodie Puno na ama ng anak ni Alma Concepcion.

Kasama rin sa mga tanong kung magkano ang halaga niya. “I’m priceless. Malalaman mo lang naman ang value ng tao pag wala na siya,” sagot ng kontrobersiyal na si Gretchen. Ayaw din niyang sagu­tin kung kanino puwedeng i-dedicate ang kantang Don’t Say Goodbye.

Marami pang recycled questions na ewan ko ba naman kung bakit pa-mystery pa ang sagot ni Gretchen.

Ang bottomline, nagpo-promote kasi siya ng album sa Star Records titled Complicated.

“I’m a singer,” sabi niya sa contract signing niya na naganap kamakailan para sa kanyang second album na may pamagat na Complicated.

Pagkatapos ng kanyang debut album na Unex­pected na nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang gold-record award, isa na naman sigura­dong album na nagri-represent ng kanyang buhay ang ginawa niya.

“Because my life is complicated and my status is complicated kaya Complicated ang title. ‘Di ba, obvious naman?” pabirong sabi ni Gretchen.

Ang carrier single ng pangalawang album ni Gretchen ay Ready to Take A Chance Again.

Ayon kay Gretchen, bawat track na kasama sa Complicated ay malapit sa kanyang puso. “Ang gaganda kasi ng lyrics. Kaya everytime I sing it, palaging may puso,” kwento niya.

Nang tanungin si Gretchen kung papipiliin siya ng isang kanta sa tracklist ng kanyang current album, alin dito ang best na makaka-describe sa kanyang buhay ngayon, walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito ng: “I think the song Complicated is the best choice.”

Pinrodyus mismo ni La Greta, Malou N. Santos and Annabelle Regalado-Borja ang kanyang latest sure-hit album.

3.28.2009

Alma Moreno weds last March 21



Was there a change in the date and place of marriage of Alma Moreno? It was originally scheduled in April 9 in Marawi.

It was held instead in Cebu City last March 21.


This is the story of Mark Fernandez, Alma's son to Rudy Fernandez.


Surprise was the first thing Mark felt when the date was moved earlier. As he expressed in an interview with Startalk, he said, "Nabigla nga ako. Tinawagan ko mom ko, kinonfirm nga niya sa akin at pumunta nga ako sa Cebu dahil ikakasal na. Biglaan daw."



When Mark arrived in Cebu, nearly every relative on both sides was present, save for a few people like Yeoj, Alma's son with Joey Marquez. Mark walked his mother down the bridal aisle. The wedding was held according to Muslim tradition and Mark was given the dowry, which he shared among his siblings.



"Muslim rites siya, yes," Mark said. "Naganap ang kasal ng 3pm sa Vistamar Hotel, Cebu. Natapos siya ng alas singko."



What did Mark observe about his mom on her wedding day? And did he feel nervous?



"Maganda si Mama noong gabing iyon," smiled Mark. "Maaliwalas siya at alam ko na happy siya noong oras na iyon. Ako noong papuntang Cebu noong araw na iyon at iniisip ko lang na maging simple lang para sa akin, uupo lang ako at maki-party lang ako...No emotions sana. Hindi nga ako makapaniwala na naging emotional ako. Naging emotional din ako nang kaunti pero hindi ko na ipinahalata."



Mark has nothing but praise for his new stepdad whom he calls "Uncle."



"Uncle, mahalin mo si mama at huwag kang magbabago," said Mark. When asked if he and his Uncle spoke after the wedding: "Sabi niya, basta nandiyan lang siya para sa akin at gusto niyang tumayong pangalawang ama. Sabi ko naman na 'Salamat sa offer niyo at mabait kayo sa akin.'"



Mark added that the Mayor is a soft-spoken, simple man. He also observed that the Mayor was shy but Mark thought him a cool guy.



Mark chose to let his mom announce if she had converted to Muslim.



What does Mark feel about recent news that his mom is not the Mayor's first wife?



"Hindi ko sure," Mark admitted. "Siguro si mama na lang tanungin niyo. Pagkaalam ko, second wife siguro or third. Basta ganoon lang."



Mark wished for his mom's happiness: "Masayang-masaya ako para sa iyo. I wish you the best at gusto ko lang na maging masaya ka talaga. Ang happiness comes from within kaya sana magmahalan kayo at maalagaan kayo ni Uncle Mayor."





3.27.2009

Vicki Belo and Hayden Kho seen in a saloon


When will Vick Belo stop denying that they have reconciled. Who is she fooling?


"Spotted this a.m. at Emphasis in Rockwell: Vicki Belo and Hayden Kho."



This feed was sent to PEP (Philippine Entertainment Portal) managing editor Karen Pagsolingan last Sunday, March 22 at 2:45 p.m.



We verified this recent sighting of the couple and found out from one of the salon's regular customers that they had a "haircut and blowdry." The "witness" also related that the two beauty doctors looked "parang sweet," and added: "Nakaakbay si Hayden kay Vicki."



The description got us confused.



In the most recent interview of Dra. Vicki Belo with Lhar Santiago of 24 Oras, she stressed: "Hayden and I are just friends, and that's all we are."



But how explain their very chummy moments at Emphasis?



PEP asked around and a source, who is part of Dra. Vicki's circle, seconded the beauty doctor's statement: "Ang alam ko, hindi nga sila nagkakabalikan."



But Hayden, according to the source, seems undeterred by Vicki's statements about them being just friends.



After talks about their publicized breakup cooled down, Hayden has been persistently wooing his "mahal."



Hayden's efforts did not escape people's eyes as he was supposedly seen near the premises of the famous cosmetic surgeon's clinic at The Medical Plaza in Makati.



Remember that couple-spotting news about the two former lovebirds in Glendale, California? Dra. Vicki refuted it, saying she stayed in Beverly Hills.



But the source told PEP, "Sinundan siya nung guy dun. Matagal nang naka-set ang trip na yun, kasi magiging speaker si Vicki sa conference na yun. 'Tapos nagulat na lang si Vicki kasi, dumating nga si guy."



But what are the chances of them getting back together?



The people around Vicki could only say, "Vicki is very nice and sweet." And they're one in saying that it's hard to tell whether she's just being her usual self to Hayden or she's considering a second chance for her ex-beau.



One sure thing about this issue: Hayden has been trying hard to win his "princess" back.




3.26.2009

Nora Aunor on a come back film


I a blind item, there was a news that a US-based multi-awarded actress demanded 10 million and a living quarter for a come back movie offered by a reputable movie producer.

Is that you Nora Aunor?


Iba't ibang reaksiyon ng fans ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng latest issues na involved ang Superstar na si Nora Aunor. Kung tutuusin ay hindi na rin bago ang mga reaksiyon ng mga tagahangang patuloy na nagtatanggol kay Nora, kahit malaon na siyang naninirahan sa U.S.



Itinuturing pa rin siyang Superstar ng mga masugid na tagahanga at tagapagtanggol na mula sa local press o media. Kabi-kabila man ang naiuulat na "hindi kagandahan at kasaganahang takbo ng buhay" sa U.S. ay patuloy ring nababanggit ang matatagumpay na pagkakaroon ng series of shows/concert performances ni Ate Guy sa iba't ibang U.S. key cities.



Ang ibang ulat naman, hindi rin kaiga-igaya dahil madalas nagkakaroon ng problema si Ate Guy sa mga producer ng shows doon at pati sa isang publicist/promoter na dating taga-local media.



COMEBACK FILM? Lately, marami ang ispekulasyon na magbabalik sa bansa si Nora upang gumawa umano ng pelikula.



Ang naririnig namin, mula sa kampong nagtataguyod sa aktres—mga taga-press na dating die-hard Noranians at mga fans na miyembro ng samahang GANAP at ICON, o International Circle of Online Noranians—matutuloy na umano ang paggawa ni Nora ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema-ABS-CBN Productions, Inc.



Kung mayroon man umanong senyales ukol dito, ito'y ang nakaraang pagpunta sa U.S. ni Ms. Charo Santos-Concio—pangulo ng ABS-CBN at ng movie production outfit ng network, ang Star Cinema—nang manood siya ng Oscar Awards rites; posible umanong nagkaroon din ng pagkakataong maka-meeting ni Charo si Nora.



Pero wala pang kumpirmasyon ukol dito. Puro ispekulasyon lamang.



"Hindi Star Cinema ang Star Cinema kung wala silang na-produce na pelikulang bida si Nora Aunor. 'Yan ang tiyak at totoo, kaya gusto ni Charo Santos na matuloy si Nora sa paggawa ng pelikula sa kumpanya nila," wari'y tiyak sa sinasabi ang nakausap naming Noranian mula sa press at kabilang sa ICON.



Sa mga nababasa naming e-mail messages mula rin sa mga tagahangang US-based, nalaman naman namin ang tungkol sa pinaplanong gawing digital movie doon, na si Nora ang magbibida at ang magiging direktor niya'y ang premyado ring si Celso Ad. Castillo. Ang title ng pelikulang digital: Do Filipinos Cry In America?

3.25.2009

Girlie Rodis to Jessa Zaragoza, stop it

Girlie Rodis asked Jessa Zaragoza to stop using Rachel Alejandro in her attempt to
make buzz in their plan to settle down for good from the US.

here is the article:

So, here's GR's answer to the Rachel-Dingdong-Jessa issue with the title, "Jessa - Please stop this already!":



"I know I shouldn't let this article get to me but I am really getting tired of Jessa's PR slants. Too bad because the recent show of Dingdong & Rachel (Music & Lyrics) was really good, very entertaining, and a lot of fun.



"But this Jessa just needs to call attention to herself. And she has this compulsion to include other people.



"May I correct the following: there is no picture of Dingdong displayed anywhere in Rachel's new digs. The only pictures on display are pictures of Rachel and her boyfriend Philip as well as a picture of Rachel with Felix Rivera (who played Princeton) taken from her favorite musical Avenue Q. Let me clarify that Rachel only texted Dingdong when she was working on getting material for a new album. When she was told that it bothered Jessa, she stopped texting him. During the time they worked on the concert, Rachel would have all requirements and coordination coursed through her production assistant for the show. Certainly, Rachel has not texted Dingdong during or after the concert.



"The only bond that exists between Rachel and Dingdong is a friendship born out of their past—only of a brotherly nature now. Rachel was very young when she was in a relationship with Dingdong more than 10 years ago. It is wonderful that Jessa is so in love with her husband that she believes every woman is attracted to him, but I think it is time that she moves past all that and know the reality that not every woman is out to get her husband or is even attracted to him.



"If the Rachel-Dingdong concert production bothers her so much then she should not have given her consent. But for her to drag us into her press releases is simply not acceptable. Working with Rachel certainly did not bother her when she requested me for Rachel to guest in three of their concerts in the U.S. She was perfectly congenial then.



"Rachel even invited her to come to the pictorial for the concert's publicity photos (Patrick Uy's studio) and she even brought her daughter Jayda. Rachel had merienda from the Sexy Chef delivered.



"Maybe what bothers Jessa is not really that she believes there is something going on because clearly Rachel is no longer attracted to Dingdong, but the fact that there is more of a clamor for the Dingdong-Rachel tandem than there is for the Dingdong-Jessa one."




3.22.2009

Rosanna Roces proud grandmother of a baby girl




Rosanna Roces had shed her controversial and sexy image. Now she is relishing the moments of being a grandmother to the children of Grace and her other son.

Here is her interview:

Proud lola na naman ang dating sexy star na si Rosanna Roces. Last Saturday, March 21, 8:30 a.m., panibagong blessing na naman ang dumating kay Rosanna nang magsilang ng malusog na baby girl ang anak niya na si Grace Adriano.



Pinangalanang Maja Adriano Amir ang pangatlong apo ni Osang. Isinilang ni Grace ang baby by caesarean section sa Marikina Valley Medical Center. Ang tatay ng baby ay ang bagong kinakasama ni Grace na isang Arabo, si Filly Amir.



Sa interview ng The Buzz kay Osang na ipinalabas kahapon, March 22, tuwang-tuwa ibinalita ng aktres ang pagkakaroon niya ng unang babaeng apo.



"Ang sarap ng feeling! Parang nagsilang ako ulit. Lahat ng hiniling ko natupad na!" sambit ni Osang.



Hiniling niya ba alaga ito?



"Oo... na safe delivery... baby girl... normal, walang sakit, walang kahit anong diperensiya. Caesarean siya (Grace) ngayon. Suhi yung bata. Nagpupustahan nga kami ng ama ng bata. Sabi niya kasi kakulay niya. E, before kasi ng ultrasound, sabi ko, hindi... P500, sabi ko kakulay ko 'yan, kamukha ko 'yan. Pero tingin ko parang Arabyano yung mata, na Chinese, German yung balat!" bulalas ni Osang.



Dating boyfriend ni Grace si Jolo Revilla. At naging anak nila si Budoy. Taong 2007 nang maging magkarelasyon sina Grace at Filly. Ang pamilya raw ni Filly ay nagmamay-ari ng isang hotel sa Saudi Arabia.



Tinanong si Osang kung binigyan niya ba ng advice si Grace bago ito umibig ulit at pumasok sa panibagong relasyon. Ano ba ang plano nina Grace at Filly?



"Hindi, you cannot tell when and where to fall in love. E, na-in love, e. Nanghingi naman ng permiso sa akin yung lalaki. Pero okay naman sa kanya na i-dedicate kay Lord yung baby. Because sa kanila yata walang binyag."



Ayon pa kay Osang, nakikita raw niyang maligayang-maligaya ngayon si Grace sa relasyon nito with Filly.



"Sobra. Peaceful. Yun ang importante, masaya at tahimik."



Ano naman ang masasabi niya tungkol kay Filly?



"Beautiful person inside and out. Beautiful soul."

Toni Gonzaga is not getting good project these days?


There had`been a time when you see Toni Gonzaga in almost all the programs in ABS-CBN, singing, hosting acting. So what happened? why are fans clamoring for projects for their idol?

May request ang isang grupo ng fans ni Toni Gonzaga. Gusto raw nila itong mapanood sa isang de kalidad na teleserye at ka-partner ang mga tulad nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

Nagrereklamo sila dahil ‘di raw na-promote ng husto ang Love Duets album nila ni Sam Milby at kung puwede naman daw, big­yan ito ng mas malaking production number sa ASAP.

Also, please give her back daw her title na Ultimate Multimedia Star at hindi lang basta Multimedia Star.

Bagaman at nagpapasalamat ang grupong ito sa ABS CBN, lalo na kay Direk Laurenti Dyogi: “For being very supportive and instrumental to Toni’s hosting career, we do however, think it’s time that the powers of ABS-CBN start allowing Toni to cultivate herself as an artist. We feel her career is being stunted because of her lack of projects, and the fact that you are limiting her from branching out to other areas because of her hosting responsibilities. We would love to see her try new things, especially acting. Toni can always do BOTH!”

3.21.2009

Sarah Geronimo's bonus of 1 million is still small


Word from Viva is that Sarah Geronimo got a bonus of one million. For a movie which grossed 180 million, that is chicken feed.

For the two films, she was reportedly paid only half a million.

Here is the story.


Sa pamamagitan ng isang official statement, pinabulaanan ni Vic del Rosario (CEO, Viva Group of Companies) ang TV report na P200,000 lamang ang talent fee na natanggap ni Sarah Geronimo para sa A Very Special Love at P300,000 para sa You Changed My Life. Ang dalawang pelikula ay co-production ng Viva Films at Star Cinema, kung saan nakapareha ng Pop Princess si John Lloyd Cruz.



Ito ang statement na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa kampo ni Boss Vic:



"Viva bossman Vic del Rosario was quick to react to a TV report that Sarah Geronimo got only P200,000 each from her blockbuster movies A Very Special Love and P300,000 for You Changed My Life.



"Boss Vic, who is Sarah's manager, explained that the P200,000 and P300,000 was the only approved amount by Star Cinema, which co-produced the two monster grossers with Viva Entertainment. 'Viva took care of paying the rest of Sarah's talent fee that Viva thought due her,' Boss Vic said.



"For the record, Boss Vic said Sarah's fee is the same as that of John Lloyd Cruz, her leading man in the two movies.



"The head honcho of Viva just can't help but get riled up over insinuations that Sarah was being paid a paltry sum despite the huge success of her movies.



"A Very Special Love grossed like P180-something million, making it
the biggest box-office hit last year. You Changed My Life fared even better, raking in at least P200 million during its three-week run.



"Sarah is on a concert tour in the US, and won't be back before until April."



Napag-alaman ng PEP na bukod sa talent fees sa dalawang blockbuster movies, tumanggap si Sarah ng isang milyong pisong bonus dahil sa success ng pelikula nila ni John Lloyd. Reportedly, naghati ang Viva Films at ang Star Cinema sa P1 M bonus na ibinigay kay Sarah.

Kuh Ledesma defended herself from accusations


Lately the daughter of the cook of the Ledesma Family who died of burns had beein issuing statements about Kuh Ledesma's refusal to help financially the famiy of the deceased.

Here is her side:


Isa-isang sinagot ng singer ang mga akusasyon ni Julie nang makapanyam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya lumipad papuntang U.S. para sa series of shows ng Divas 4 Divas.



Kuwento ni Kuh, "Ang carelessness ay hindi sa Hacienda Ysabella. May nagluluto na kasi nun ng chicken barbecue, pinaalis niya [Eliza], siya ang umako ng trabaho. Si Manang Eliza kasi, mahal na mahal namin 'yan, napakasipag na tao niyan. Nakakita siya ng alcohol na hindi dapat ginagamit sa pagluluto, binuhos niya, pumutok at pumunta sa katawan niya.



"Si Manang strong siya, kaya lang she's 70-plus. Nagkaroon siya ng kumplikasyon, hindi na siya umigi, hindi na nag-rejuvenate yung skin niya. Two months na siya sa PGH [Philippine General Hospital], nasa special section ng burn section ng PGH."



Ayon kay Kuh, hindi sila nagkulang ng anumang tulong na maipagkakaloob nila kay Manang Eliza.



"Right after the accident, kotse ko pa ang ginamit, dinala siya sa pinakamalapit na ospital sa Cavite. Sinabi sa amin, 'Huwag dito, sa PGH ninyo siya itakbo dahil ang PGH ang magaling sa burns. Right that day, dinala namin siya dun, di namin pinabayaan si Manang, mahal na mahal namin siya.



"Lahat, pati lapida kami ang gumastos. Wala kaming pagkukulang. Kung ano ang gustong kainin ni Manang, ibinibigay namin sa kanya kasi talagang nahirapan siya," saad ni Kuh.



Ikinuwento rin ng Pop Diva na pumunta sa kanya si Julie at nanghihingi sa kanya ng pera. Ayon kay Kuh, hindi na niya responsibilidad ang anumang hinihingi ng mga anak ni Manang Eliza, lalo't hindi naman niya tinalikuran ang kanilang cook nang mangyari ang nasabing aksidente.



"Hindi, dapat bang tuluy-tuloy yun? Feeling kasi namin, nakatulong na kami. Pumunta nga si Julie sa amin, nanghihingi siya ng pera, tinanong ko siya kung magkano ang kailangan niya. Tapos may sinabi siyang negosyo daw na ipapatayo. Sabi ko, pag-usapan namin 'yan, maghintay lang nang kaunti kasi kagagastos lang at saka magpa-Pasko. What I wanted sana is to give something to them nung Pasko, pero nauna na siya. I don't know who gave her the idea.



"Ako, ayokong magsalita na masasaktan pa si Julie, kasi hindi ako ganung klase ng tao. Pinagpe-pray ko sa Panginoon, Lord, huwag Ninyo akong pabayaan na magkaroon ng resentment kay Julie kasi gusto ko mahalin siya. I'm a true Christian, I'm a serious Christian. In fact, sa Bible, love your neighbor.



"Mahal ko si Julie kaya lang masakit lang na bakit kailangang magsinungaling pa para lang siraan ako, tama ba yun? Dapat ba na dumukot ako sa bulsa ko at sabihing, 'Julie, heto na, huwag ka na lang magsalita.' Parang tinatakot kami, tinatakot ako na sisiraan ako. Sabi ko nga, imbestigahan nila, with all the proofs that they needed from the day na nangyari yun, may binili kaming gamot, tumulong kami.



"Hinihiling ko lang sa lawyer niya na huwag bigyan ng masamang advice si Julie because mali. Tumutulong kami. Pag sinabi ng judge yun ang ibigay ko, yun ang ibibigay ko."



Para kay Kuh, dapat nagpakumbaba ang taong humihingi ng tulong at hindi sa paraang nananakot.



"Dapat naman pag humihingi tayo ng tulong, nagpapakumbaba tayo, hindi sa paraang pangit. Yun ang leksyon ng buhay natin. Ang tao naman I think matulungin, lalo na ang mga artista. Sensitive ang artists sa pangangailangan ng tao, hindi lang sa mahirap pero sa lahat ng nangangailangan. Pero huwag sa paraang sisiraan ka. Ako, naghihintay lang ako, hihintayin ko yung tamang paraan, yung tamang way."



Magka-counter charge ba siya?



"Hindi ako magka-counter demanda. But ginawa nilang legal, then I will have my lawyer to be with me. Lawyer to lawyer na lang."



Sa pagtatapos ng interview kay Kuh, natitiyak niyang wala siyang masamang relasyon sa sinumang nagtatrabaho sa Hacienda Isabella.



"Lahat ng tao sa Hacienda Isabella na nagtatrabaho dun, nagpapasalamt kasi nabibigyan sila ng trabaho kasi sa Cavite , ang kinikita nila 1,000 to 2,000 at sa amin, mayron silang 13th month pay. Nag-uumpisa pa lang naman kami, di naman kami araw-araw na nagnengosyo diyan. But we're doing very well. Mababait ang mga tao dun."

Vivki Belo continues to deny reconciliation


Vicki Belo continues to announce that Hayden Kho and she are just friends. Ricki Lo believed otherwise.

When she hired Adel Tamano, UNO spokesperson and president of the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), as her new lawyer (replacing the less-than-flawless Raymund Fortun), did Dr. Vicki Belo (still the unchallenged holder of the “Poster Girl for [Mis]Behavior” title) have a “Hayden” motive?

Reacting to Funfare’s short item yesterday, those close to the doktora said, half jokingly, “I’m sure! Knowing her, gusto lang niya papag-selosin si Hayden (Kho)!”

The doktora insisted that she and Hayden have remained “only friends,” since she said she is friendly with her exes (Joey Santos, agree or disagree?), even if they were spotted lovey-dovey (Funfare stands on its story) in L.A. and they are soon traveling “twogether” to Hong Kong (with their lad-in-waiting DJ Mo as ready, willing and able companion as usual). Isn’t love lovelier the second time around?

Adel is as good-looking as, if not better-looking (and certified macho) than Hayden, according to the “ex-couple’s” watchers and he (Adel) is definitely a plus factor in repairing the doktora’s badly-damaged public image.

Now, could it be true that the doktora has hired an A-list PR agency to sanitize her public image?

She can help herself a lot by doing only one thing; BEHAVE

3.20.2009

MARIAN RIVERA AND DINGDONG DANTES MAY IDENTICAL RING


Marian Rivera and Dingdong Dantes have identical rings. So? They can easily buy rings in order to make their relationships more interesting to the fans. I wonder if after their love team fails, will they separate just like KC and Richard Gutierrez?

This is the
story:

Aba at totoo palang may identical na singsing na ginagamit ang magka-love team na Marian Rivera at Dingdong Dantes. Finally ba ay aamin na sila ng kanilang tunay na sitwasyon o relasyon?

Sabi ng mga bruha kong sekretarya, naniniwala silang may relasyon na ang dalawa. Baka raw ngayon lamang at hindi nun pa na naging dahilan ng split ni Dingdong at ng ex niyang si Karylle. Wala namang problema sa kanila, pareho silang single, at maging personal man ang kanilang relasyon, tanggap pa rin sila ng mga fans.

Kaya wala nang problema ang dalawa, puwede na silang mag-come out in the open pagdating sa kanilang relasyon, hindi na magugulat ang tao. Expe
cted na nila ito.

3.19.2009

More Publicity for Marian Rivera


Cognizant of the fact that the latest teleserye is not rating just like their previous tv soap, GMA 7 is planning to put Marian Rivera in a child-oriented program.

So no romance and no love team. Dingdong and she will not appear as lovers anymore.
Let's see of the romance is still on. Just like KC and Richard who are now no longer hot item as a love team, will they survive?




Hindi kasing lakas ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang kumpara sa mga past TV series nila ni Dingdong, ang Marimar at Dyesebel. Hindi ba sila affected ni Dingdong?

“Actually, expected na namin ’yan dahil nawala ang batang audience namin dahil iba ang viewership ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Mature ang audience nito. Pero gusto kasi ng GMA 7 na hindi rin kami ma-associate sa puro pang-bata lamang. Pero yung next project ko, pambata uli,” ani Marian. Hindi nga lamang niya klinaro kung si Dingdong muli ang kanyang makakapareha.
Hindi ikinakaila ni Marian Rivera na very comfortable at very close sila ng kanyang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang co-star na si Dingdong Dantes dahil pangatlong teleserye na nila ito na pinagsasamahan.

Pero kapag tinatanong si Marian kung anong estado na ang relasyon nila ni Dingdong, sinasabi lang nito na lumalabas sila — kumakain sa labas at nanonood ng sine.

Walang pag-amin kung may commitment na sila sa isa’t isa.

Hindi naman siguro magpapalitan ng mga mamahaling Christmas gifts ang dalawa kung bilang magkaibigan lamang ang kanilang turingan.

Suut-suot ni Marian ang diamond-studded tennis bracelet na bigay sa kanya ni Dingdong.

John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo -officially declared Box Office King and Queen



There is no more argument who the Box Office Stars are: It's John Lloyd and Sarah Geronimo.

Here is the confirmation:

It's official! Sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang itinanghal na Box-Office King and Queen for 2008 mula sa pamunuan at 15 judges na nag-deliberate para sa 26 categories and six special awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Awards, na nasa 40th year na ng pagbibigay ng awards na tinawag nilang Box-Office Entertainment Awards.



Bukod sa pagiging Box-Office Queen ni Sarah—dahil sa pinakamalaking box-office return ng first movie team-up nila ni John Lloyd na A Very Special Love ng Star Cinema—tatanggap din si Sarah ng dalawa pang awards: ang Female Concert Performer of the Year para sa kanyang SRO The Next One concert sa Araneta Coliseum at Female Recording Artist of the Year sa kanyang double-platinum album na The Next One.



Ang bagong pasok sa showbiz na si KC Concepcion ay tatanggap din ng tatlong awards: Princess of Philippine Movies & TV, Most Promising Female Star of Movies & TV, at New Female Recording Artist of the Year (Most Promising Singer).



Na-maintain naman ni Richard Gutierrez ang special award bilang Valentine Box Office-King. This time, binigyan din si Marian Rivera ng title na Valentine Box-Office Queen dahil sa success ng 2008 Valentine movie nila na My Best Friend's Girlfriend ng GMA Films at Regal Entertainment.



Ang pagbibigay ng title na Box-Office King & Queen kina John Lloyd at Sarah ay mula sa top film grosses nationwide from January to December 2008.

3.18.2009

VICKI BELO EXPLAINED THE BOTCHED COSMETIC PROCESS


While she denied that she reconciled with Hayden Kho, her main intent to guest in the Chika Minute Portion was to explain about the case of botched cosmetic process that
was brought to court by a US-based Filipina.

Here is the story:

Itinanggi ni Dra. Vicky Belo na nagkita sila ng kanyang dating boyfriend na si Dr. Hayden Kho sa US nang magtungo siya roon para sagutin ang reklamo ng isa niyang naging pasyente.

Sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Martes, sinabing may posibilidad nga na masira ang mukha ng pasyente ni Dra. Belo na sumailalim sa prosesong tinatawag na “Thermage" dahil hindi nito nakumpleto ang proseso.

Nakabase kasi sa US ang naturang pasyente kaya hindi umano nito natapos ang buong preseso ng naturang beauty treatment.

Nag-alok raw noon si Dra. Vicky na sasagutin ang pamasahe at tirahan ng pasyente bumalik lang sa Pilipinas para masuri, pero tumangggi raw ito.

Kasabay nito, itinanggi ni Dra. Belo ang mga ulat na nagkita sila ng kanyang ex-BF na si Dr. Hayden sa Glendale, California sa US.

Ayon sa duktora, imposible raw na may nakakita sa kanya sa isang mall sa Glendale dahil sa Beverly Hills lang siya nag-stay sa US.

Inamin naman niya na nanatili silang magkaibigan ni Dr. Hayden matapos ng maingay nilang paghihiwalay.

“I have a track record that I always be friend with my ex. You know naman my ex-husband is my best friend," ayon sa duktora.


She forgot to mention her former live-in/business partner.

3.17.2009

Pops Fernandez On Jomari Yllana and Martin Nievera


After Martin Nievera agreed to keep mum about the break-up, it was the turn of Pops Fernandez to say something. She admitted that jomari Yllana and she had a talk.


"There's a closure but it will never be clear to me," ang sabi niya. "For now, it's not on my part but let's respect that. Kagaya nga ng sinabi ko, it's not really by choice, but I just wanna move on. The same with Jom, he wants to move on, kumbaga he wants to start a new life, and siguro dapat ganun na lang."



But she refused the divulge the details of the talk. She wanted the media to respect their privacy anyway both parties have expressed their sides.

Tumanggi rin itong ibahagi sa publiko ang mga detalye ng kanilang pag-uusap.



Ang hiling niya, "Actually, ayoko nang pag-usapan yun kasi nakapagbigay na ako ng statement, di ba? Parang na-express ko na naman ang lahat, parang okey na yun. Pag nagbi-breakup naman di ba, minsan di natin ini-expect? Dapat after the breakup, respetuhin na lang natin yung mga taong involved. On my part, masakit pa, naghi-heal pa ako. Sana matapos na rin tutal 'tapos na rin naman."



She admitted that she was shocked when she learned the public statements of Jomari Yllana in the Cool Center interview.And she is very understanding on Martin Nievera.

Samantala, marami naman ang nagulat sa maaanghang na salitang binitawan ni Jomari sa ex-husband ni Pops na si Martin Nievera. Kahit si Pipay ay umaming nagulat sa nangyari at nalungkot dahil nauwi sa di maganda ang maayos sanang simula ng samahan noon nina Martin at Jomari.

"Actually na-shock ako [at] siyempre naman nalungkot ako kasi nag-umpisa kami na okey naman yung pagsasama namin nung nagtatrabaho kami. Okay na okay yun 'tapos di maganda na yung ending...It's something unexpected, so sana 'wag na lang palakihin.



"Naiitindihan ko rin naman yung part ni Martin, as a matter of fact, siguro as the father of my kids and as a friend, siguro normal lang yun na reaction. With all honesty, di naman talaga siya kailangang mag-comment but because siguro he chose to be a friend, he decided to say something.



"Naiintidihan ko rin naman si Jom because nga siguro, mainit pa yung issue, kumbaga kabi-break pa lang namin...Siguro nga he's going through something."

3.16.2009

Martin Nievra Shuts his mouth for the first time



In response to Jomari Yllana's statements, Martin Nievera, the ex-husband of Pops Fernandez said the he is complying with the Jomari's request for him to stay our of the break up issue.

This is the message he sent to the Buzz yesterday.


In a message sent to The Buzz yesterday, March 15, Martin said:



"There was a time I would jump all over this kind of intrigue. I mean, it's not like me not to react, but let me, for the first time not be me and not react. But let me say this, I have never said anything bad or disrespectful in any comments made about the breakup or about Jom. I will not start now.


"He is right, no one should be commenting on their breakup, so let's just tell them, tell us what they want us to know and respect their privacy. Besides, he didn't breakup with me, right?



"Well then, maybe he should be the one defending Pops on TV instead of me. So, this is not me making a comment. Let's just leave the two to sort out their own problems and wait and see what they are willing to share with all of us."

Kris Aquino Urging Korina to get married


Kris Aquino and Korina became friends during their defunct TV talk show. They were both single then.

After finding the right man for herself, Kris Aquino is urging Korina to take the plunge.

Kung si Kris Aquino lamang ang masusunod, gustung-gusto na niyang mag-asawa ang kaibigan niyang si Korina Sanchez sa longtime boyfriend nitong si Sen. Mar Roxas.

Kapag nangyari ito, gusto ni Kris na ang anak nila ni James Yap na si Baby James ang maging ring-bearer. Pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring magbigay ng kongkretong sagot sina Korina at Sen. Mar tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

Mahigit limang taon na rin ang relasyon ng dalawa.

Hindi kaya mas maganda kung may First Lady na si Sen. Mar kapag siya’y nahalal na pangulo sa 2010 elections? At sa totoo lang, si Korina ay isa sa mga alas ni Sen. Mar.

3.15.2009

Regine Velasquez and Judy Ann Santos, ikakasal pareho?


Judy Ann Santos and her boyfriend, Ryan Agoncillo have already confirmed that they are tying the marital knota within a few months.

Regine Velaquez and Ogie Alcasid on the other hand have been announcing that they are planning to get married.

Here is the news:





May one thing in common sina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos bukod sa pagsasama nila sa isang pelikula. Ito ay ang nakatakda nilang pag-iisang dibdib, si Ogie kay Regine Velasquez at si Juday kay Ryan Agoncillo. Pareho ring wala pang napipiling petsa para mag-asawa ang dalawang pares at habang naghihintay sila, nakatuon ang pansin nina Ogie at Juday at maging si Regine sa pelikulang pagsasamahan ng dalawa na si Regine ang may istorya.

Kayo naman huwag maging mainipin, sa palagay n’yo ba, hindi pa magpapakasal ang dalawang pares na ito kung pwede na? Meron pa sigurong pumipigil para gawin nila ito pero, mangyayari rin ang kasalan nila sa malao’t madali. Hintay na lamang tayo.

Pero ang isang sigurado, mauuna sina Juday at Ryan.

JOMARI YLLANA TO MARTIN NIEVERA BACK OFF


Jomari Yllana kept mum about the break-up. It was his manager Douglans Quiano who talked to the press people to tell them that Pops Fernandez and Jomari had already talked to have a closure.

In his interview in the Cool Center, jomari Yllana lambasted Martin Nievra:


For the first time, the usually calm Jomari Yllana issued a strong statement about his breakup with Pops Fernandez. But instead of shedding light on the main reason why his almost four-year-old relationship with the Concert Queen fell apart, he confronted Pops' ex-husband, Martin Nievera.

Last February, Martin was all-praises about Joms, who directed his reunion concert, "Missing You", with Pops. But last March 11, a few days after Joms confirmed the split, Martin began singing a different tune. In a two-part article, he said, "But he [Jomari] is not okay with me now for hurting Pops and being so mysterious."

As a reply, Jomari stated in his TV appearance in "Cool Center" last night, March 14, "Mr. Martin Nievera, hayaan na lang sana kitang magsalita nang magsalita. Kasi, sa pakiwari ko, I don't owe you any explanation nor am I accountable and responsible to you for my actions."

The former Guwapings member continued that he already talked to Pops and they've both agreed that they will keep mum about the issue and other things they've talked about.

"Ironically, Mr. Nievera, kami ni Pops, nag-usap na. We had a three-hour talk the other Monday. Kung anuman ang napag-usapan namin ni Pops, sa amin na lang yun. But I assure you that we settled the issues between us in a very mature manner.

"The love and respect we feel for each other remain. And salamat sa kanya, she cleared the issues surrounding us lately. And in doing so, she cleared my name in the eyes of the viewing public.

"After Pops and I talked, I remember telling a friend, 'Kaps, first time akong nakipag-break nang maayos. Walang samaan ng loob and I feel good about it.'

"Ang hindi ko maintindihan sa 'yo, Mr. Nievera, ay kung bakit ka nakikisawsaw sa naging sitwasyon namin ni Pops.

"When you and Pops had a conflict, I kept my distance. Labas ako sa naging issue ninyong dalawa.

"Mr. Nievera, I will always understand and respect that you no longer want to work with me. That is your prerogative.

"As far as my production is concerned, hindi kami nagkulang sa 'yo. In fact, we just made you and Pops, respectively, the highest-paid concert local entertainers to date.

"Mr. Martin Nievera, wala akong atraso sa 'yo personally. Tahimik ako na tao. Pero nung may patama ka sa akin, lalo na 'yong mga binitiwan mong salita sa PEP, hindi mo inalala na may anak din ako.

"Ilang taon ka na ba, Mr. Nievera? Ako 32 years old. I am trying to handle my situation in a matured way.

"Mr. Nievera, I find it strange and hypocritical na of all people, ikaw pa ang nagsasalita about Pops getting hurt. I may be wrong, but if you have some unresolved guilt within you, please refrain from using my situation with Pops para lang magmukha kang malinis na tao.

"Mr. Nievera, not at my expense.

"Now, Mr. Nievera, please bear in mind that you did not lose Pops because of me. You lost Pops because of you and who you are. And now, you are doing it again, by being immature."

At the end of his statement, Jomari apologized to the fans for choosing to remain silent about the split.

He said, "Bilang panghuli, pasensiya na po kung medyo tahimik ako sa usapin sa hiwalayang Pops and Jomari. Ang importante po kasi sa akin, napag-usapan na namin ni Pops ang mga bagay-bagay.

"Pops and I agreed to still be friends. And bilang respeto po sa halos apat na taon na relasyon namin ni Pops, I would rather remember the beautiful memories we shared, than make a big circus out of the breakup. Maraming salamat po sa pang-unawa."

PEP was present when Jomari had his live guesting at "Cool Center". We attempted to have a word with him, but his assistant said that what he said in "Cool Center" would be his first and last statement about the issue

3.14.2009

Kristine Hermosa Visited Oyo Sotto


Amidst the denial, Kristine Hermosa whose marriage to Diether Ocampo has already been annulled is rumored to have visited Oyo Sotto.

Sila na ba talaga?


Tsismis din kaya yung sinasabing pagdalaw ni Kristine Hermosa sa set ng Midnight DJ ng TV5 ni Oyo Sotto? Nag-uumugong ang balitang silang dalawa na. Pero ngayon lamang, kung sakali, talagang puwedeng-puwede nang magkarelasyon ang dalawa. Walang sabit si Kristine. Napawalang bisa na ang kasal nila ni Diether Ocampo. Ang balita ko, maganda naman daw nilang dalawa tinanggap ang balitang ito. Katunayan, matagal na silang naka-move on.

Well and good. Sana lamang yung ibang mga couples na may balak magpakasal din, isipin muna ng maraming beses kung ano ang papasukin nila. Matagal na proseso ang pagpapawalang-bisa ng kasal. Hindi lahat ay kasing suwerte nina Kristine at Diether na na-annul agad. Marami ang inaabot ng maraming taon at malaking halaga bago ma-annul.

Fans of Marian Rivera Reacted on the negative news about their diol


The fans of Marian Rivera believe that their idol never backslide to being Taray queen.

Here is the story of German Moreno.

Napakaraming nag-react sa inilabas kong item tungkol sa pagiging uncooperative na naman diu­mano ni Marian Rivera sa mga gustong magpakuha ng larawan sa kanya. Sabi ng mga kumausap sa akin, old issue na raw ito, bakit binubuhay ko pa? At naibigay na raw ng aktres ang kanyang side tungkol dito.

Ganun! Sabi ng nagkuwento, recent happening ito. Oh well...

Sabi ng mga fans ni Marian, hindi raw kakikitaan ng ganitong masamang pag-uugali ang kanilang idolo. Laging may panahon ito para sa kanila. Ang mga ganitong balita ay gawain lamang ng mga gusto siyang pabagsakin at iluklok sa posisyon niya ang kanila namang iniidolo.

Hindi naman daw sila tututol na pintasan ang mga trabaho ni Marian, kung ‘yun ang opinyon nila pero ang ayaw lang nila ay yung pine-personal ito. Sila ang unang papalag kapag nakitaan ang idolo nila ng masamang ugali. Hindi raw sila papayag, hahanap na lang daw sila ng ibang iidolohin
.

3.13.2009

SARAH GERONIMO, the next BIGGEST STAR


Ano kaya ang magiging titulo para kay Sarah Geronimo na hinuhulaang magiging next biggest star sa showbiz.

Si Nora Aunor kasi ang kaisa-isang superstar, si Vilma Santos ang Star of All Seasons, si maricel ang Diamond Star, si Sharon Cuneta ang megastar at si Judy Ann santos ang naturingang Young superstar.

Si Regine ay walang titulo pero tumabo rin ang mga pelikula niya sa takilya.



Ang Viva rin ang nagbigay ng break kay Regine Velasquez sa pelikula at halos lahat ng mga pelikulang ginawa nito ay tumabo sa takilya.

Sabi ng marami ay may bagong gold mine na naman ang Viva sa katauhan ni Sarah at siyempre kasali rin dito ang ABS-CBN at Star Cinema kung saan may business tie-up sila with Viva.

Blind Items-Utangan Blues



Guess who? Love is blind pero dapat imulat ang mata pag inuutangan.


Bakit dumarami ang bilang ng mga artistang nagkakaro’n ng isyu sa pera? Lumalabas lamang ang isyu kapag naghiwalay na ang artista. At dahil naghiwalay na nga, hindi na masiguro kung mababalik pa sa kinunan ang kanyang pera.

Gaya ng isang TV host na inutangan daw ng kanyang ex-boyfriend ng P13M. Ang laki naman! Paano pa ito masisingil ni girl kung ganyang wala na sila at tinakbuhan na siya ni boy?

Isa pa ring singer ang inutangan daw ng kanyang ex ng pera. Hindi naman tumatakas si bf pero mabayaran pa kaya si ex-gf?

Isa namang newbie ang palaging hinihingan ng kanyang ex-bf ng pera, pati raw pang-gasolina nito ay sa kanya pa rin hinihingi. Tuloy iniwan ni newbie si aktor.

Angelica Panganiban is also confined in the hospital


After Ai-ai delas Alas, Angelica Panganiban was reported to have been rushed to the hospital for severe stomach pain.



Hanggang ngayon nasa ospital pa rin si Angelica Panganiban, dinala siya dahil sa masidhing sakit ng tiyan.

Makaraan ang maraming tests at na-clear naman ang aktres sa acute appendicitis, inoobserbahan pa rin ito at makakalabas lamang kapag hindi na umulit ang pananakit ng kanyang tiyan.

Gretchen Barreto's Special Someone


Away from the maddening crowd.
Is this another gimmick for Gretchen Barreto's upcoming album or it is true that she spent her birthday with a "special someone" whose name is not Tonyboy.

Here is the story.


That must be how Gretchen Barretto wants to have a belated birthday (March 6, actually) celebration this year. D-day itself was a working day for Gretchen who did a pictorial for her second album, Complicated (the first was titled Unexpected).

Guess where Gretchen and her, ehem, “special someone” (whose first name is not Tonyboy) hied off for a reported post-birthday celebration — yes, Tagbilaran City, Bohol, where she arrived last Wednesday with Pops Fernandez and Bebe Gandanghari on the same Cebu Pacific flight with Cesar Montano and wife Sunshine Cruz who own a resthouse in Baclayon town where Cesar comes from. Gretchen’s “special someone” arrived later. Together, the entourage went to Cebu City yesterday and are expected back in Tagbilaran maybe today.

“They plan to say hello to the tarsier, take the Loboc River night cruise and visit the Chocolate Hills, probably with Cesar and Sunshine as guide,” said Funfare’s Bohol DPA.

KC Concepcion and Piolo Pascual in Paris




For KC Concepcion, it is work and leisure going to Pars with Piolo Pascual. They have atarted shooting the eleserye, Lovers in Paris. KC Concepcion is going to meet up with her friends who she met while studying in Paris years back.



Umalis agad ng Pilipinas si KC Concepcion matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN/Star Cinema Productions para sa three-week shooting ng kauna-unahang teleserye na gagawin niya sa Kapamilya network, ang remake ng top-rating Koreanovela noon na Lovers in Paris. Kasama ni KC na lumipad patungong Paris ang magiging leading man niya sa teleserye na si Piolo Pascual.



Pero bago umalis si KC, nagkaroon muna ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na mainterbyu ang dalagang ito ni Megastar Sharon Cuneta.



Matatandaang sa Paris nagtapos ng kanyang kolehiyo si KC. May plano ba siyang ipasyal sa pinasukan niyang paaralan si Piolo?



"Opo, siguro po. Pero yun nga po, parang wala akong plano. Kasi yung sa akin, I know it's work. Ayoko naman na sabihin sa akin na parang... But I think we have one free day," sagot ni KC.


source

VILMA SANTOS -ULIRANG ARTISTA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEE




Pararangalan si Star for All Seasons at Batangas Governor na si Ms. Vilma Santos ng
Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.



Ibinibigay ang nasabing award ng entertainment writers' club sa simumang nameet angsumusunod na criteria; "outstanding body of work in film, remarkable achievements in Philippine Cinema, unquestionable credibility, impeccable reputation in the movie industry, integrity, and if she has touched the lives of the Filipino people from her humble beginnings up to her present status."



Ang kauna-unahang recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay si Ms. Anita Linda noong 1987. Ang iba pang past Ulirang Artista honorees ay sina: Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla Sr., Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Mona Lisa, at Rosa Rosal.

Noong isang taon, ito ay ibinigay sa namayapang actor-producer na si Rudy Fernandez.



Tuwang-tuwa si Governor Vi sa nasabing mataas na karangalan, nag-congratulate pa siya sa grupo for its 25th year, at masayang kinumpirmang darating sa Gabi ng Parangal upang personal na tanggapin ang kanyang trophy.



Isa siyang multi-awarded, highly-respected actress (with her string of award-winning performances and box office achievements) na pinasok din ang daigdig ng pulitika. Mula sa pagiging mayor ng Batangas ay matagumpay rin itong ibinoto ng mga Batangeño bilang kanilang Governor.



Naikot na niya sa matagumpay niyang showbiz career ang halos lahat ng major award giving bodies—Gawad Urian, FAP (na ngayo'y Luna Awards), FAMAS (Hall of Famer siya as Best Actress), MMFFP, at Young Critics Circle.


Sa history or honor roll ng PMPC Star Awards for Movies, si Governor Vi ang nagkamit ng pinakamaraming tropeo bilang Movie Actress of the Year (Best Actress)—a total of six (6) PMPC trophies to be exact—at isang Dekada Award as Best Actress noong nagpalit ang dekada, na iginawad din noon kina Nora Aunor at Sharon Cuneta.



Ang anim na Star Awards for Movies (Best Actress) trophies na nakopo ng Star for All Seasons ay para sa Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal na Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998); Dekada '70 (2002), at ang pinakahuli ay para sa Mano Po 3: My Love (2004).



Ngayong April 11 ay nakatakdang umalis si Vilma kasama ang grupo ng Star Cinema patungong U.S. upang mag-shoot ng comeback film niya (after five years), tentatively titled A Mother's Story, directed by Olivia Lamasan. Kasama ni Vilma sa cast ang anak na si Luis Manzano at ang kasalukuyang Box-Office King John Lloyd Cruz.

3.12.2009

Is Marian Rivera back to being Taray Queen


Without the help of Lolit Solis and her entertainment writers,Marian Rivera could not have recovered from her negative image. Words are that she's back again to her bad habit of being taray.

Here is the story from German Moreno:

Ano na naman yan?! May mga reklamo na naman daw against Marian Rivera. Mareklamo na naman daw ito kapag may nagpapa-picture na kasama siya.

Parang lagi itong nagmamadali. Nakikitaan ng pagkainis kapag umangal ang pictorial.

Baka naman talaga kinukuha ng mga nagpapa­lit­rato ang marami niyang oras eh, sobrang bisi siya? Dapat, sandali lamang siyang abalahin. May mga nag­hihintay din sa kanya na puwede, siyang pintasan ka­pag nahuli rin siya. Intindihin na lamang n’yo siya. Katulad ng maraming artista, palagi silang on the go.

Pero, humihirit pa ang nagrereklamo, dapat daw matuwa pa si Marian na marami ang gustong makasama siya sa picture. Malungkot siya kapag wala nang gustong magpakuha na kasama siya. Kung sabagay.

Pero, totoo ba Marian na ultimo raw empleyado ng GMA eh tinatarayan mo? Sana hindi, sana paninira lamang ito dahil ako ang malulungkot kapag may katotohanan ang bintang na ito sa iyo.

Former Beauty Queen Maria Isabel Lopez complains of shabby treatment




Ma. Isabel Lopez, a Binibining Pilpinas title holder and a popular bold star during the 80's complains of the shabby treatment she received during the coronation night of the Binibining Pilipinas 2009.

Here is the story from Lolit Solis:




Mama Salve, nagkausap kami kahapon ni Maria Isabel Lopez at nagsumbong ito na nakatikim siya ng pagmamaltrato nang pumunta siya sa coronation night ng Bb. Pilipinas contest sa Araneta Coliseum noong Sabado.

Mahaba ang kuwento ni Isabel pero ang bottom line, naghahanap siya ng hustisya dahil sa kahihiyan na inabot niya.

Pilit daw siyang pinaalis sa upuan. May nagtaray raw na bakit siya naroroon eh hindi naman siya invited?

Ang sey ni Isabel, hindi siya invited pero may ticket siya courtesy of Gloria Diaz. Upset na upset si Isabel habang nagsusumbong sa akin at dahil narinig ko na ang kanyang side, gusto ko namang malaman ang panig ng organizer ng pageant night, partikular na si Mama Stella Marquez de Araneta.

Hindi na yata alam ng generation ngayon na naging title-holder noon si Isabel. Siya ang nag-uwi noon ng Bb. Pilipinas-Universe title at kontrobersyal ang pagkakapanalo niya porke dati siyang sexy model.

John Lloyd Cruz speaks about his love


John Lloyd Cruz, together with Srarh Geronimo is declared the new Box-Office king and Queen. They are not even romantically linked with each other. Rumors circulated that John Lloyd and his non-shpw biz girl friend have called it quits. He denied.

This is the story:

You Changed My Life, the John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo starrer earned P27-M in one day making them the new Box-Office King and Queen. The movie had its international premier in the US with John Lloyd going over to America to attend the event with his mother as “date.” John Lloyd says his mother was ecstatic that his son is doing well. “Last year, my mother and I were in Rome. Dati na kaming nagpupunta ng Amerika together. Tuwang tuwa siya na makita yong pelikula ng anak niya is doing very well.”

One of the most private actors in showbiz, John Lloyd hardly speaks about his love life even when pressed. Lately, it was rumored that he and long time girlfriend stylist Liz Uy have called it quits. John Lloyd says it is not true and they are still together. “We always quantify love. Kung sino ang mas higit, mas mahal, mas mahal kita, mas mahal mo ako, etc. Para sa akin, kung ito man ang best ko at kulang pa rin sayo, at least minahal kita the best way I know,” says John Lloyd.

But people are excited about his team up with Sarah. Some think that Sarah and John Lloyd make a handsome pair. But both are enjoying their current status as the new Box-Office King and Queen.

3.11.2009

Douglas Quijano Spoke for Jomari Yllana



Pops Fernandez expressed surprise about the break-up; Martin Nievera took his ex-wife's side while Jomari Yllana kept quiet about the issue. Douglas Quijano, his managr saved the day for him by stating that closure was already made.

Here is the story:

Medyo nagtaka lang ako when Jomari Yllana’s manager, Douglas Quijano, came to his rescue sa isyu ng hiwalayan ng kanyang alaga at ni Pops Fernandez. Nag-isyu ito ng statement na nagkaroon na ng closure ang dalawa kaya kailangan nang mag-move on.

Nung Martes ng gabi ay itinuloy ng SNN ang interview ni Boy Abunda kay Pops na kung saan ay sinabi nitong na-pressure lamang daw siguro sila na humantong sa kanilang paghihiwalay pero, itinanggi nito na pera ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay. Co-producers silang mag-ex ng katatapos lamang ng Pops/Martin reunion concert at bagaman at si Pops ang humawak ng ilang mga bayarin, wala silang naging problema sa pera. Nabayaran naman daw lahat ng dapat bayaran.

Ang hindi ko lang alam ay bakit kinailangang saluhin si Jom ng kanyang manager? Ito ang nagbigay ng statement tungkol sa isyu gayung kayang-kaya naman sanang sagutin ito ni Jomari since ang problema ay may kinalaman sa kanilang separation at kung nagsalita na si Pops bakit naman hindi si Jom?

May kasunod pang rebelasyon si Pops pero hanggang sa matapos ito, paniniwalaan ko na nagkaroon ng selos si Jomari sa reaksyon ng dating mag-asawa nang magkasama ang dalawa sa concert.

Dr. Vicki Belo denied that she reconciled with Hayden Kho



Vick Belo denied that she reconciled with her ex-lover Hayden Kho during her trip to the United States.

This is the story from Lolit Solis:

Dumating na kahapon mula sa Amerika si Dra. Vicki Belo at ang kanyang friend na si Rubby Cuyuito.

Sinalubong sila sa international airport ng mga TV crew. Idinenay ni Mama Vicki ang balita na nagkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Hayden Kho, Jr. Wala raw balikan na nangyari at hindi rin na-sight sa airport ang anino ni Hayden.

May isang tao na malulungkot kapag nalaman nito ang pagtanggi ni Mama Vicki. Siya ang tao na hoping na magkakaroon ng reconciliation portion para makasama uli siya sa mga free travel ng magsing-irog sa ibang bansa. Ask n’yo si Papa Arnold Clavio kung sino siya! (Si DJM po ba ito? - SVA)

Goodbye Francis Magalona


Francis Kiko Magalona was laid to rest on March 11, 2009 at 11:30 am at Loyola Memorial Park.

Here is the story from the PEP.

At around 11:30 a.m. sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, inilagak na ang abo ng yumaong rapper, aktor, TV host, at businessman na si Francis Magalona.



Dumating sa lugar ng paglilibingan ang mga labi ni Francis na nakapaloob pa sa isang metal na kahon na nakalagay naman sa loob sa isang glass chamber.



Present sa libing ang kanyang pamilya, mga kamag-anak, at ang kanyang Eat Bulaga! family sa pangunguna nina Tony Tuviera, Malou Choa-Fagar, Vic Sotto, Joey de Leon, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Ciara Sotto, Jose Manalo, Pauleen Luna, at Lougee Basabas. Naroon din ang singer-composer comedian na si Ogie Alcasid.



Mas marami sa kanila ang nakaputi kesa nakaitim na suot tanda ng pakikidalamhati sa pamilya ni Francis.



Mahigpit din ang seguridad sa paligid at hindi nga basta-basta lang nakakalapit ang kahit na sino sa tent ng libing maging ang mga miyembro ng press.



Naroon din ang ilang miyembro ng Philippine Army para gawaran ng military honor si Francis dahil sa pagiging patriotic nito at bilang miyembro rin ng ROTC (Reserved Officers Training Course) unit ng Armed Forces of the Philippines.



Pagkatapos ng maikling misa at pagbasbas ng Holy Water sa urn ni Francis ay inalis na mula sa glass chamber ang urn upang sa huling pagkakataon ay mayakap ng asawang si Pia Arroyo-Magalona at mga anak ni Francis ang kanyang mga labi.



Matapos ang maramdaming tagpong ito ay pinapasok na sa tent ang mga miyembro ng militar na naroon upang ipakita ang kanilang pakikiramay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiniklop na watawat ng Pilipinas kay Pia.



Pagkatapos ng mga military honor kay Francis ay nag-recite ng maikling tula ang dalawang maliliit na anak ni Francis na sina Arkin at Clara Magalona. Ang buod ng tula ay ang kanilang patuloy na pagmamahal, pag-aalaala, at pagpapatuloy ng pangarap ni Francis para sa kanila. Habang tumutula ang dalawang bata ay binibigyan ng puting square envelopes sina Pia at ang kanilang mga anak ni Francis.



Pagkatapos ng tula nina Arkin at Clara ay pinakawalan nila mula sa square envelopes ang mga paru-paro na nakapaloob doon. Gaya ng binanggit sa tula ng dalawang musmos, sinisimbolo ng mga paru-paro ang patuloy na pagmamahal at pag-alaala nila kay Francis.



Inimbita rin ng in-charge ng libing ang 50 miyembro ng pamilya ni Francis na naroon para magpakawala ng puting balloons sa langit, simbolo ng pamamaalam nila at paghahatid ng pagmamahal sa namatay na rapper.



Nang matapos magpalipad ng lobo ay naging emosyunal muli ang pamilya ni Francis dahil ito na ang oras para ilagay sa vault o libingan ang kanyang mga labi. Hindi na napigilan pa nina Francis Jr. at Elmo ang mapaiyak habang itinataas nila ang urn ni Francis sa gitna ng palakpakan ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya at mga kaibigan.



Naghagis ng mga bulaklak sina Pia at mga anak, mga kamag-anak at mga kaibigan ni Francis bago ibinaba sa lupa at tinabunan ang mga labi ni Francis.