2.27.2009

RICHARD GUTIERREZ AND JEWEL MISCHE ARE STILL SEEING EACH OTHER



Why should Richard Gutierrez deny about seeing Jewel Nische when his movies with KC Concepcion is already shown and there is no third movie for their love team?

Are they really seeing each other clandestinely?

This is a story from PEP.


Nagkikita nga ba nang palihim ang dating magkatambal na sina Richard Gutierrez at Jewel Mische?

Ito ang naging katanungan ng ilang mambabasa ng FemaleNetwork.com nang isa sa mga registered users nito ang nag-post sa forum nito noong February 21, sa ilalim ng "celebrity sightings" category,
ategory, na nakita umano niya si Richard sa Hong Kong. Dagdag niya, nakita rin niya ang aktor kasama ang isang dalaga na tila kahawig ni Jewel, ang dating katambal ni Richard sa fantaserye nitong Kamandag.

Bago pa man mailathala ang istorya na ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na tanungin si Richard tungkol sa balitang nakita sila ni Jewel sa Hong Kong. Nakausap ng PEP si Richard kagabi, February 26, sa thanksgiving party ng When I Met U sa Gazebo Royale, Visayas Avenue, Quezon City.



Nang kapanayamin ng PEP senior editor na si Jocelyn Dimaculangan si Richard, tanging nasabi nito ay: "No comment ako diyan."



Paliwanag ni Richard, hindi siya ang pumunta sa Hong Kong kundi ang kakambal niyang si Raymond Gutierrez. "Actually, narinig ko yung balitang 'yan. Natawa ako dahil si Raymond ang nag-Hong Kong, hindi ako. Nakakatawa, kasi baka si Raymond yung nakita nila. Ganun talaga, e, hindi naman natin maiiwasan yun," saad ng aktor.



Pero inamin ni Richard na bukas pa rin ang komunikasyon niya sa dating niyang leading lady sa Kamandag.





Dahil dito, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang mga tao na may koneksiyon sa dalawang Kapuso actors.



Sa press conference ng MyPLDT DSL noong February 19, isang entertainment reporter ang nagtanong sa endorser nitong si Rhian Ramos kung bakit hindi nakapag-taping ang kasama niya sa Zorro na si Richard noong ikalawang linggo ng Pebrero. Ayon kay Rhian, nagbakasyon daw ang kanyang leading man. "Alam ko nasa States siya ngayon. Kasi hindi pa siya nagpapahinga since last year," sabi ng young actress.



Ayon naman sa isa pang source ng PEP, tinanong niya ang isang taga-Kapuso network kung nasaan si Richard noong panahon 'yon. Ang tugon ng kanyang pinagtanungan ay ito: "Nagbakasyon, mag-isa lang. I don't know where."



Ganito rin ang napag-alaman ng PEP sa isa pang source. Ang kaibahan lang, tiniyak niya na noong week ng February 16 ay nagbakasyon si Richard sa Hong Kong.



Kaugnay nito, isa ring source ng PEP ang nagtanong sa GMA Artist Center kung nasaan si Jewel noong February 16. Ang tugon diumano ng nakausap ng source ay: "Wala, nagbakasyon, kasama si ano..." sabay tawa nito.

No comments: