3.01.2009

JOEY DE LEON AND WILLIE REVILLAME ON WARPATH AGAIN


Willie Revillame was rumored to have said that maganda pa rin ang Wowowee over Eat Bulaga a few days ago. Joey reacted by dissing Willie Revillame.

Now, they saw that it is another controversy that people can relish on. So the interveiw was made with Joey de Leon at Startalk, where else.



Hay naku, nabuhay na naman ang tarayan nina Joey de Leon at Willie Revillame dahil sa patutsada nito laban sa Eat Bulaga noong naka-confine siya sa ospital.

Hindi ko masisisi si Papa Joey kung tinarayan niya si Willie porke ito ang nag-umpisa ng away.

Nagkabati na noon sina Papa Joey at Willie pero siniraan nito ang Eat Bulaga. Naimbyerna si Papa Joey na nababakyaan kapag naririnig ang name ni Willie.

Ano ang sey ni Papa Joey sa Startalk noong Sabado?

“Wala, e...palagay ko, hindi na dapat pinapansin ‘yang taong ‘yan. Nagpa­papansin para mapansin sila ulit. Kasi, hindi na sila pinapansin. Parang ganoon, e.

“E, ang husay-husay, ang nasa headlines, sina Vicki Belo at Boy Abunda, gusto pang sumapaw! Hindi...wala ‘yan. Hindi ko na pinapansin. Kapag walang kuwentang tao, huwag mo na lang pansinin.

“Aba! Yun ang malinaw, hindi kami ang nagsimula. Di ba, nagbati na kami last year? So, ano ang ibig sabihin nun? So, hindi na kami ang may kasalanan.

“Siguro, marami silang hinaharap na problema ngayon. Di ba, nababasa ko sa dyaryo, ‘yung mga premyong pabahay, et cetera, et cetera? Siguro, para malihis yung atensiyon sa kanila ng publiko. Aba, biro mo may sakit na tao, naninira pa! So, anong klaseng tao yun, di ba?” ang sey ni Papa Joey.

Kampi ako kay Papa Joey dahil may katwiran siya. Si Willie ang nag-umpisa ng isyu, sumagot lamang si Papa Joey.


Ah publicity!!!

No comments: