2.06.2009

Karylle being used?


I agree with Lolit Solis that there may be possibility that a celebrity may be used to ride on her publicity.

Here is the news:


Hindi ako naniniwala na nililigawan ni Christian Bautista si Karylle. Lalong hindi ako naniniwala na pinopormahan ni Jericho Rosales ang aking favorite singer-actress.

Sinabi ni Karylle na pahinga muna ang kanyang puso at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi pa siya ready na magkaroon ng karelasyon o boyfriend.

I’m sure, ini-enjoy muna ni Karylle ang kanyang career dahil ang dami-dami niyang raket. Hindi siya malungkot sa Valentine’s Day dahil sa kanyang show sa lobby ng isang five-star hotel.

Busy din siya sa taping ng mga TV show niya sa ABS-CBN. One year lang ang kontrata na pinirmahan ni Karylle pero sa rami ng kanyang gagawin na show, tuluy-tuloy na ang pagiging Kapamilya niya.

May advice nga pala ako kay Karylle, mag-ingat siya sa mga lalake na nagsa­sabi na liligawan siya. Ginagawa at hindi ikinukuwento sa mga reporter ang panliligaw. Iwasan ni Karylle na magamit siya sa mga pralala!

No comments: