2.08.2009

Martin Nievera has a new girl friend



First, the concert of the ex-couple, MARTIN NIEVERA AND POPS FERNANDEZ was said to be successful. Second, Jomari is not jealous about the NOW VOWS of the two. Part of the show, he said.

But probably, the reason why, he's not insecure at all is because, Martin is rumored to have a new love. This must be the millionaire daughter of a former wife of a rich prince.

Here is the story about the former love team, reel and real lives.


Successful ang unang venture ng actor-turned concert producer na si Jomari Yllana sa pama­ma­gitan ng reunion pre-Valentine concert ng ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera, ang Missing You na ginanap sa Araneta Coliseum nung Biyernes (Feb. 6) ng gabi at dinirek ni Rowell San­tiago. Punum-puno ang Big Dome, isang patunay na hindi pa rin talaga nawawala ang hatak ng dating mag-asawa.

Dahil sa malaking tagumpay ng Missing You, napag-alaman namin na magkakaroon umano ng repeat concert sa susunod na buwan. Iikot din ang Missing You concert sa Amerika at sa ibang bansa sa taong ito.

Kahit si Jomari ang producer, ibinigay niya ang gabing ‘yon sa dating mag-asawa at sa kanilang mga anak na sina Robin at Ram. Practically, the concert was a family affair dahil walang ibang guest artists kundi ang dalawang anak nina Pops at Martin na parehong talented tulad ng kanilang mga magulang.

Parehong maganda ang boses nina Robin at Ram. Mahilig sa gitara si Robin at mahilig namang mag-drawing si Ram na kailangang magbawas sa kanyang timbang. Mas malalaki pa ang katawan nina Robin at Ram kumpara sa kanilang amang si Martin.

Mahigit limang taon din ang binilang bago muling nagkasama sina Pops at Martin sa isang major concert. Nung sila’y mag-asawa pa, taun-taon ay me­ron silang Valentine concert together at isa na itong yearly event hanggang sa ito’y maputol nang sila’y magkahiwalay.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay at pagkaka­roon ng kani-kanyang buhay, naroon pa rin ang magic at chemistry ng tambalan nina Pops at Martin sa entablado.

Napakaganda pa ring panoorin sina Pops at Martin na ‘naglalandian’ sa stage. Kinakagat pa rin ng audience ang kanilang biruan na animo’y hindi pa rin sila hiwalay. Sinuman ang manood sa kanila ay nakakaramdam ng panghihinayang kung bakit sila nagkahiwalay at ang iba naman ay patuloy pa ring umaasa na sana, balang araw, magkabalikan pa rin ang (dating) mag-asawa kahit pa may kani-kanya na silang buhay ngayon at may ibang karelasyon.

Kumpirmadong wala na nga sina Martin at si Katrina Ojeda (na ipinalit niya kay Pops) kung kanino siya may isang anak, si Santino. May ibang karelasyon ngayon si Martin, isang non-showbiz lady na nagngangalang Angie at halos kapitbahay lamang umano ni Pops sa Ayala-Alabang. Open naman sa publiko ang three-year-old relationship nina Pops at ex-husband ni Aiko Melendez na si Jomari Yllana
.

No comments: