11.27.2007

In This Corner of the Universe-Lani Mercado alam na may anak si Bong Revilla kay Josephine Canonizado

Ano pa nga ba ang aasahan ni Lani Mercado sa kaniyang asawa na anak din ng isang artista na si Ramon Revilla Sr. at may mahigit na pitumpung anak, di magbilang din ng anak sa labas ng kaniyang asawa.

Ito ang balita.

Lani Mercado finally admitted that her hubby Bong Revilla has a love child with beauty queen Josephine Canonizado in an entertainment magazine tell-all interview. I have been hinting on that in this column since day one.

Funny, there was a report on TV that their camp was planning to sue me for libel when I wrote about Bong and Josephine’s clandestine affair. And Bong kept downplaying the issue saying, “Di totoo ’yon.”

Oh, well… that’s the way it goes in Pinoy show biz. When controversy strikes, I just do it my mom’s way and “See True” the celebrities’ subterfuge.




,,,,,,

11.25.2007

In this Corner of the Universe-Galit si Alfie Lorenzo kay Lolit Solis

Nagalit si Alfie Lorenzo kay Lolit Solis at parang sinabi niyang tumatanda ito nang walang pinagkatandaan.

Basahin ang balita.

Dismayado si Alfie Lorenzo sa pagkakadawit niya sa isyu ng kapwa kolumnistang si Lolit Solis na nahaharap sa P12 million libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Sa kanyang column sa Abante noong Miyerkules, November 21, naisulat ni Alfie, “Mistulang Makapili si Lolita [Lolit Solis] na naghahanap ng mga kakampi."

Tinatawag na Makapili ang mga taong traydor na halaw sa mga Pilipinong pumanig sa mga dayuhan nang panahon ng mga Hapon.

Matatandaan na kinuwestiyon ni Lolit ang pagsasampa ng kaso nina Sam at Piolo laban sa kanya. Aniya, bakit sa kanya lamang umalma ang dalawa gayong ang ibang kolumnista naman daw tulad nina Peter Ledesma, Pete Ampeloquio, at Alfie Lorenzo ay lantarang sinasabing bakla si Piolo.

Sa taped interview ng Entertainment Live kahapon, November 24, inamin ni Alfie na nagalit siya nang marinig niya ang tungkol dito. At ang paliwanag ng talent manager kay Lolit, “Isa lang siguro ang one-liner ko, Lolit, magkakapamilya kami dito. Lahat kami nagmamahalan, hindi nagdedemandahan. Siguro natatakot na siya talaga kasi binantaan na siya ni Atty. Joji [Alonso] na makukulong na siya."

Sinulat ni Alfie sa kanyang column, “Paninindigan na lamang ba ni Lolita ang sinulat ng kanyang “ghost writer" [meron nga kaya?] para hindi mabilad sa publiko na hindi naman pala siya [Lolit] manunulat talaga at iba lang ang sumusulat para sa kanya under her name?"

Sabay ang hamon niyang, “Speak up—Gorgy [Rula], Jojo [Gabinete], and Ronnie [Carrasco]. May alam ba kayo diyan?"

Sa interview naman ng Entertainment Live, naikuwento ni Alfie, “Three days ago, nakita ako ni Jojo, umiwas. Si Gorgy ayaw din." Sinundan ito nang natatawang pahayag na, “Sabi ko, ‘Siguro isa sa inyo ang kriminal.’"

BE RESPONSIBLE. Ito ang isa sa mga naging mensahe ng kolumnista kay Lolit na ngayon ay eded 60 na.

Aniya, “Sixty years old, how come ganyan pa rin ang ugali niya, e, 60 na pala siya? Ako, aaminin ko, I’m 70 years old pero gusto kong itama kung anuman yung dapat itama, di ba? At wasakin kung anuman yung mali."

Muli ding inalala ni Alfie ang mga panahong nagsama sila ng kapwa kolumnista. Sa kanyang huling mensahe, inihayag niya, “Lolit, it’s about time na makilala mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Kailan ka ba nag-umpisa? Saan ka ba nag-umpisa? Nag-umpisa ka sa akin, a.

“Magkakasama tayo sa Tower Productions, I was giving you ten pesos. Nagkasama tayo sa Regal Films, while I was getting P1,000, binibigyan kita ng P100. So, now you think you’re bigger than me? You think you know better than me? Hindi, a! Kailangan, you should be put in your proper place, e," pagtatapos ng beteranong kolumnista


,,,

11.24.2007

In this Corner of the Universe-Martin Nievera nagpapapel na naman

Martin Nievera nagpapapel na naman


UnA sabi niya hindi sia magcoconcert kasabay ng kay Pops dahil ayaw niyang kumpetensiyahin ang dating asawa. Tapos ngayon ay nabalitang may show sa isang mall lang naman.

Ngayon,gusto niyang ibalita na hindi siya pupunta sa concert ni Pops. Eh sino ba ang may sabing iniimbita siya ni Pops?

Ito ang balita.


Nakatanggap kami ng surprise text last Saturday afternoon (November 24) mula sa Concert King na si Martin Nievera. Unexpected sa amin 'yon dahil mas malapit kami kay Gary Valenciano kesa sa kanya.

Dedemahin sana namin ang text na 'yon dahil baka isa siyang prank texter. But out of courtesy and part of cellphone etiquette, nag-text back kami ng, "Yes, can I help you?"

"Can you release a statement re going or not going to Pops [Fernandez] concert?"

Upang maging balanse sa bawat panig, pumayag kami sa kanyang request. Binanggit ni Martin sa amin kung kanino niya nakuha ang cell number namin, kaya hindi na kami nagduda na siya ang ka-text namin.

"I am just very, very concerned about all this talk about Pops supposedly saying that I might surprise her or that she hopes I come to her 25th anniversary concert," kasunod na text ni Martin sa amin.

Nag-suggest pa kami kay Martin na e-mail na lang niya sa amin ang official statement niya. But after ilang minutes, sa text pa din niya dinaan ang pahayag niya sa mga tinuran ni Pops sa nakaraang presscon ng Diva-Licious concert niya na gagawin sa December 8 sa Araneta Coliseum.

Heto ang statement ni Martin na una ninyong mababasa sa Philippine Entertainment Portal (PEP):

"Just tell all that as much as I would love to be there as her career turns 25, I will NOT be.

"It hurts me to have accepted work on that same day just to make sure I am not tempted to go. Why?

"After reading her YES! magazine and her last interview with Isah Red, I really don't need to read anything more to get the hint that Pops doesn't want me anywhere near her. Would you?

"My best wishes to our country's Concert Queen. May all your wished come true!" end ng text ni Martin tungkol sa kanyang dating maybahay.

Matatandaan na naging controversial para sa dating mag-asawa ang tell-all interview na ginawa ni Pops para sa October 2007 issue ng YES! magazine. Ang tinutukoy naman niyang interview ay may pamagat na "A Martin-less 25th year in show business" na sinulat ni Isah Red para sa broadsheet na Manila Standard Today
.


,,,,

11.18.2007

In this Corner of the Universe-Christian Bautista at Rachelle Ann Go break na

I like Christian Bautista. Kaya kung break na sila ni Rachelle Ann Go, may pag-asa na ako. bwahahaha.

Ito ang balita.



It came as a shock for the fans of Rachelle Ann Go and Christian Bautista—entertainment columnist Ricky Lo wrote in the Philippine Star that the two young singers were no longer a couple.



To confirm the news, Christian sent a statement to Ricky, saying that there was no third party involved. The couple had tried to fix their relationship, but some things were deemed unresolvable. And so they finally decided to call it quits.



Before the news came up, people were surprised to see Rachelle without Christian when she showed up at the concert of international singer Beyonce Knowles with fellow ASAP '07 co-host Jed Madela on November 6 at The Fort. Jed also courted Rachelle before.



"Hindi namin siya makasama, hinihintay daw niya si Justin Timberlake," Rachelle candidly explained.


source: PEP

,,,

11.17.2007

In this Corner of the Universe-Anong drama na naman ito ni Lolit Solis?

Anong drama na naman ito ni Lolit Solis?


Ewan ko ba. Madrama talaga ito si Lolit Solis.

Basahin ninyo ito:

Lolit said she was very much prepared for a court battle, even spend time in jail, to prove she was not “concocting” the story.

“Kung matutuwa si Sam at si Piolo, na makulong ako, ngayon sisenta na ako. Siguro mga tatlong taon bago madesisyonan ito, sisenta-itres na ako. Gusto pa nilang makulong ako, okay lang. Tutal, mga Christians sila, di ba? Mababait silang tao. Wala silang malisya. Di ba? Okay lang.



Hanubayan,bakit kailangang sabihin ang kaniyang edad at katukin ang kanilang damdaming Kristiyano para lang huwag ituloy ang demanda. Nagpunas ba siya ng luha at kinurap-kurap na naman niya ang kaniyang matang singkit na hindi makatitig sa kamera?

Ito ay pagkatapos niyang ipagsigawang sinungaling si Piolo.


"Sinungaling si Piolo Pascual. Sinungaling siya nung sinabi niyang wala siya sa Sofitel nung October 12 nung alas-dos ng hapon. May nakuha kaming video na bumababa siya sa Hummer niya at that time sa mismong hotel at that time. Kaya sinungaling siya,” Lolit said.




Porke ba nakuhananang bumaba si Piolo sa kotse niya ng isang video, ibig bang sabihin
totoo ngayong kaniyang isinulat. Ang video ay nagapapakita na sa Pihilippine Plaza nga siya papunta at si Sam Milby nga ang kaniyang ka-date?

Hahahaha

Publicity daw.

Para saan ko gagamitin ang publicity? Hindi kaya ako ang nagagamit? Feeling ko ako ang ginagamit ngayon. Merong concert si Piolo. May concert si Sam. Tuwang-tuwa sila na ngayon nila fi-nile yung ano. Eh di ginagamit nila ako kagaya ngayon, front page sila sa lahat ng tabloids at saka newspaper. Eh di ang nagamit ako. Di ba? Dapat nga, kung alam ko lang na aabot sa demandahan ito, hindi ko na sinabi talagang nagbubulungan lang sila. Sinabi ko na nakita ko silang naghahalikan.


Ow naman, publicity naman yon sa Startalk di va? Tapos na kasi yong Wille Revillame na matagal in nilang inulit-ulit para lang panoorin ang talk show nila.


,,

11.14.2007

In thisCorner of the Universe-Amalia Fuentes complained that Stevens stopped giving her support

image of amalia fuentes
Aside from denying that she did not steal the certificates and papers of the vehicles
and other items, Amalia Fuentes complained that his estranged husband stopped giving
him support of 100,000 pesos a month.

Here is the excerpt of the news from PEP.



Amalia said in her defense that she merely picked up personal papers. She was in a hurry, the actress said, so she picked up a stack of documents, with the intention of returning them later.



Amalia clarified, "I only picked up personal papers from Joey's secretary. I didn't barge in. I had the key to the office of Joey. Technically we're still husband and wife. Whatever is in his name is still considered conjugal.



"I have no intention of selling the certificates. What I don't need, I will return. That is not a robbery."



The veteran actress further explained that she and Joey are still technically husband and wife, that they still own the said conjugal property. Amalia added, "A husband cannot sue his wife for theft."



During the interview, Amalia said that Joey stopped giving her P100,000 monthly support. She has also filed a temporary protection order against her husband before the QC court.




That's only less than $ 2,000 a month. Not enough to live luxuriously in the US.

,,,

11.13.2007

In this Corner of the Universe-Piolo Pascual Nagsalita na?

Knowing Piolo who rarely talk to defend himself on humor that continues to hound his sexual orientation, I did not believe the catchy title, Piolo breaks his silence at last. O sige basahin ninyo ang balita sa ibaba. Wala naman siyang sinabi kung hindi hintayin ang resulta ng demanda. Dapat ang titulo ay Boy Abunda tried to break the silence of Piolo but was unsuccessful. O diva?



Ito ang balita.

Home from his very successful concert series in Canada with Sam Milby, Piolo gives his response to Lolit Solis? controversial write-up about the said matinee idols But instead of throwing warranted furious retorts regarding the whole thing, the country's ultimate heartthrob faces the media's queries with admirable calm and confidence.

It was almost a month ago since the TV host columnist had published a insinuating headline on Pilipino Star Ngayon which certainly made waves on the showbiz world. However, Dolly Anne Carval recently came up with an answering article in Philippine Daily Inquirer (PDI) headlined as "Lolit's Piolo-Sam Exposé May Be Hearsay"
.





TheBuzzOn the said featured story, Dolly Ann disavowed Lolit's previous claims as the former indicated that it was only a friend of the latter who have allegedly seen the two Kapamilya stars on Sofitel Philippine Plaza Hotel. And this latest development will be used to strengthen the actors? evidence against Manay Lolit.

Piolo then expresses his heartfelt gratitude for the favor that was done without them asking for it. Furthermore, he refuses to defend himself from the said issue since he knows the truth anyway. "Antayin nalang natin (ang resulta ng demanda)."

All this braveness is rooted from the full-blown support of the Fil-Canadian community which Piolo and Sam have visited. Though at first he felt weakened by all the negative talks, he thankfully felt freshly-motivated by the multitudes of people who continue to love him
.



,,,

11.10.2007

In This Corner of the Universe-Gretchen Barreto magproroduceng CD

May pakulo na naman si Gretchen Barreto. Magpproduce daw siya ng CD. Aminado naman siya na walang bibili kaya ipamimigay na lang niya.

Ito ang balita.

I will be recording a CD with 12 of my most favorite songs and I will be giving it away kasi nakakahiya naman kung ibenta ko at walang bumili," patawang sinabi ni Gretchen.

“Ako ang kakanta ng mga favorite love songs ko through the years. Makikita n’yo yung buhay ni Gretchen Barretto sa bawat kanta."

Unexpected ang title ng album ni Gretchen at ang isa pang malaking sorpresa ay ang partisipasyon ni Tonyboy sa nasabing CD.

“Tony is joining me in one song ‘The Last Time I Felt Like This.’ Nung una, pinipilit niya na maggi-gitara daw siya for one of my songs. So, sabi ko, 'Huwag na lang, mas magaling kang kumanta,'" pahayag ng aktres.




Walang magawa ang dalawang ito sa pera nila. Kahit pilit, gagawin nila. Hohum.

,

11.07.2007

CHARICE PEMPENGCO WOWED THE WORLD

Charice Pempengco wowed the world.

This petite 14 year-old girl from the Philippines gave the best performance in the Korean TV search for STAR KING.

Join the close to a million viewrers watched her performance in youtube.



,,

11.06.2007

CHARICE PEMPENGCO

Charice Pempengo's personal information:

picture of Charice Pempengco


Charice Pempengco
Nick Name ^_^ ChA ^_^
Birthday May 10, 1993
Birthplace Cabuyao, Laguna
Age 12 yrs old =)
Hometown Cabuyao, Laguna
School Gulod National High School
fav. Female Singer Artists Whitney Houston, Mariah Carey, Sarah Gernonimo & Regine Velasquez
fav. Male Singer Artist Martin Nievera & Kris Lawrence
fav. type of music Pop, Ballad & R'nB
fav. Love song One more time by Lani Misalucha

,,

11.05.2007

JOLINA MAGDANGAL AND GABBY CONCEPCION DOING A MOVIE

Jolina Magdangal is set to do a movie with Gabby Concepcion.

picture of Jolina Magangal

Ibig bang sabihin niyan uuwi si Gabby o pupunta si Jolina Magdangal sa United States. Di ba green card na rin siya. Di ba may mga kaso dito si Gabby? Anuman yon ay abangan?

Ito ang balita.

Dalawang sorpresa ang natanggap ni Jolina Magdangal sa birthday celebration niya kanina, November 4, sa SOP.

Una ang paglabas at pagkanta sa show ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz. Pangalawa ay pagbati sa pamamagitan ng phone patch ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion mula sa San Francisco.

Sorpresa talaga kay Jolina ang pag-appear ng kanyang boyfriend. After their song number ni Bebong, biro ni Jolina, muntik na raw siyang mahulog nang makitang kumakanta si Bebong.

Maganda rin ang boses ni Bebong, tulad ng yumao nitong kapatid na si Tenten Muñoz. Si Tenten ay kasamahan dati ni Jolens sa 14K, na ang iba pang members ay sinorpresa rin si Jolina sa surprise number para sa kanya.

Tinanong ng SOP co-host na si Ogie Alcasid si Bebong kung ano ang nakita niya kay Jolina para mahalin ito.

Sagot ni Bebong, "Kapag nahanap mo na raw ang babaeng para talaga sa iyo, iyon na talaga ang mamahalin mo. Nang una ko pa lang makita si Jolina, alam ko nang siya ang babaeng hinahanap ko. Gusto ko siyang alagaan, kasi nakita ko kung paano siya mag-alaga sa kanyang family. Ngayon, seven years na of being together, iyon pa rin ang gusto kong sabihin sa kanya, gusto ko pa ring siyang alagaan."

Pagkatapos nito ay si Gabby naman ang bumati kay Jolina, na akala nga noong una ay binibiro lang siya ng co-host niyang si Janno Gibbs.

"Natututwa ako na nabati kita kahit sa telepono lang. Magkikita rin tayo nang personal," sabi ni Gabby sa kabilang linya.

"Salamat po, at sana magkita tayo pagpunta ko riyan 'pag may show ako," sagot naman ni Jolina.

"Oo, magkikita tayo. Kapag dumating ka rito, tawagan mo ako para sunduin kita. Ano ba gusto mo, limousine o jeep?"

"Siyempre limo, para sosyal!" natatawang sagot ni Jolens.

Ang actual birthday ni Jolina, her 28th, ay sa November 6.

Kaugnay ng pagtawag ni Gabby kay Jolens ay kumpirmado na ang gagawin nilang project together sa GMA Films na kukunan sa Europe next year. Matagal nang alam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol dito, pero hindi pa kami pinayagang isulat dahil under negotiation pa ang lahat.

Kaya ang pagtawag na iyon ni Gabby kay Jolina ay nangangahulugan na ayos na ang negosasyon between the former actor and GMA Films.


,,

11.02.2007

In this Corner of the Universe-Jennylyn ayaw na kay Becky Aguila

Natural, pagkatapos na iwanan siya sa GMA, aasahan pa ba naman ninyo na ituloy pa ni Jennylyn Mercado ang pagrenew niya ng kontrata kay Becky Aguila?

Ito ang balita.


Nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reliable source na hindi na raw magre-renew ng kontrata si Jennylyn Mercado sa kanyang manager na si Becky Aguila.

‘Di tulad ng daw sa kontrata ni Angel Locsin, wala raw option to renew ang kontrata ni Jennylyn, na mag-i-expire this early 2008, sa management ni Becky.

Sa interview namin kay Jennylyn sa set ng La Vendetta sa San Fernando, Pampanga, looking forward na raw si Jen sa pag-expire ng kanyang contract with Becky. Naging vocal naman daw si Jen na may mga hindi siya nagustuhan sa takbo ng kanyang career, partikular na ang pagkadamay daw niya sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN 2.

"Inaayos na po namin," ngiti ni Jen. "Hindi ko ikukuwento pero mas magiging maayos na ang lahat next year
."


,,