2.13.2009

Blind Item-Multi-awarded Actress Insults a GRO

I've been guessing who this actress can be. What's your guess?

Multi-awarded actress nanglait ng GRO


MANILA, Philippines - Isang guest relation officer ang inalipusta at hinamak umano ng isang multi-awarded actress makaraang ireklamo niya sa pulisya ang isang Syrian national na nangagat sa kanya sa isang bar sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat kahapon, iniimbestigahan ng pulisya ang 38 anyos na Syrian national na si Hissan Sarmini sa loob ng Makati Police Community Precint 9 nang biglang dumating sa presinto ang aktres.

“Galit na galit ang actress at pinagsabihan pa kami nito na dapat munang tingnan ng biktima ang uri ng kanyang trabaho bago siya maghain ng kaso,” sabi ng isang pulis.

Tumanggi ang imbestigador na pangalanan ang aktres. Sinasabing si Hissan ay empleyado ng isang business partner ng aktres.

Sinasabing galit na galit ang aktres nang pumasok sa presinto at pinagalitan ang GRO na si Rica del Rosario. Naunang nagsampa si del Rosario ng kasong physical injury laban kay Hissan.

Sinabihan ng aktres si del Rosario na wala itong karapatang magreklamo dahil binabayaran ito para magserbisyo sa mga kustomer nito sa Wowow Bar sa Barangay Poblacion, Makati City.

Ayon sa ilang empleyado sa presinto, maging ang kanilang desk officer ay pinagalitan din ng aktres.

No comments: