3.31.2007

In this Corner of the Universe, Juday at Ryan, kasal na?

Sandali, sandali, huwag ninyong batuhin ng tanong ang inyong tsismosang tagapagbalita ng ANO, TOTOO?

judy ann santos-ryan agoncillo

Pinaghinalaang kasal na sila kasi may suot silang parehong-parehong singsing. Eh baka
naman kasi na hindi kalabaw na engagement ring lang yon anoh.

Tapos nakalagay sa balita ay hiwalay daw sila. Sus, noong basahin ko a hiwalay lang pala sila paggawa ng pelikula dahil si Juday ay gumagawa ng pelikulang Ouija Board kung saan kasama niya si Jolina Magdangal samantalang si Ryan Agoncillo naman ay
ang My Kuya's Wedding.

Pakipukpok nga ang ulo ko.


Related articles:

Personal information about Judy Ann Santos (bio)


1. Judy Ann Santos: Metromanila Film Best Actress
2. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo baka raw ikakasal na
3. Judy Ann Santos Galit sa Katrayduran ni Direk Joyce Bernal

4. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Sakal, Sakali, Saklolo.



Technorati tags for celebrities

,,,,

3.30.2007

In This Corner of the Universe, Claudine Barreto versus Gretchen Barrreto

Malabo pa talagang magkabati ang mga Barretos.At sa interview kay Claudine, ang hindi pagkakabati ay nanggaling kay Gretchen.



Wala raw siyang natatanggap na tawag para batiin siya sa kaniyang pagbubuntis. O di va.

Alam naman ninyong sila'y may-i-do-not-speak-to-you dahil sa sama ng loob ni Marjorie at Dennis Padilla sa pagkakakuha kay Willie Revillame ng telebisyon network na pag-aari ni Tonyboy Cojuangco.

O di va, nawala ang MTB dahil sa kaso nina Willie Revillame. Tas umalis o pinaalis sina Marjorie sa bahay na pag-aari ni Gretchen Barreto.

Kagulo ng buhay. Ahahay.

Technorati tags for celebrities

,,,,

3.29.2007

In this Corner of the Universe, Piolo Pascual and Max

Ay naku ha, hindi siya syota ni Piolo. Si MAX ay ang MAX Fried chicken kung saan ay kasama siya sa "package sa pagpopromote ng bagong Almusal sa resto na ito.



Sayang, hindi tinanggap ng aking kaibigang lady journalist ang imbitasyon pero ibang artista naman ang kaniyang nakasabay sa restaurant.

Sa interview ni Johanna Sampan kay Piolo, nalaman ko ang mga sumusunod na aking isishare sainyo.


“Breakfast is really the most important meal of the day. I love to eat champorado, pancakes, tomatoes, fish and eggs. I make it a point to start my day with a healthy breakfast because it allows me to work and concentrate well. It also helps to set a good mood for the rest of the day.”

Piolo feels good counting his many blessings, the latest of which are two best actor trophies from two separate organizations of tabloid writers. In this rather intimate breakfast meal, I was able to look into the other side of Piolo, specifically his spiritual side.

I discovered that the first thing Piolo does even before eating breakfast is spend some quiet time to read the Bible where he draws inspiration and wisdom from its many wonderful verses. “God resists the proud, but gives grace to the humble (James 4: 6). ” is one of his favorite verses in the Bible.

Technorati tags for celebrities

,,

3.25.2007

In this Corner of the Universe, Kuh Ledesma and Louis Gonzales

Pinakapaborito ko si Kuh sa mga singers. Class siya. Saka maganda ang boses. Pero hindi mo nalaman na malungkot ang buhay niya bilang asawa ng apo ng dating Presidente Elpidio Quirino.




Kasal pala sila ng 16 years bago sila naghiwalay at marahil ay dahil sa druga na siya marahil dahilan kaya nasa Makati basement ang kaniyang dating asawa nang pinatay ang stepbrother nitong si Federico Delgado.

Hindi pinagkaila ni Kuh sa panayam na drug addict ang asawa niya.

“I am not the type who would tell everyone that my husband is a drug addict—especially since I know that he is struggling with it.”

Sinabi rin niya na may iba nang babae ito sa buhay at nilakad na nila ang annulment ng kanilang kasal.

,

3.24.2007

In this Corner of the Universe, Diet Ocampo and Kristine Hermosa

Wala na ba talaga sila? Eh bakit magkasama pa sila? Bakit naman pumasok si Oyo Boy Sotto sa eksena, eh kasal pa rin si Diet at Kristine at may balita na magpapakasal sila ulit? Hindi naman daw sila nagsasama sa isang bahay, pero naglulutuan sila.

diet+ocampo_kristine+hermosa

Ewan ko malolokah ako sa dalawang ito.

Pero magaling pa ring umarte si Kristine. Paborito ko pa rin siya at si Bea ALonzo.

,,,

3.21.2007

In this Corner of the Universe, Rehabilitation para kay Nino Muhlach?

Bilib ako kay Nino noong bata pa. Bilib din ako sa pag-invest ng kaniyang tatay sa mga kinita niya.

PICTURE OF NINO MUHLACH
Pro hindi na ako bilib sa pamumuhay niya. Wala na ba siyang magawa at nagsashabu-shabu na lang siya? Marami kaya siyang oras dahil kahit hindi siya magtrabaho ay may pera siyang dumarating. Pero ang balon, nagiging tuyo rin.

Buti pa si Herbert Bautista, balak siyang tulungan. I rerecomenda siya sa rehaiblitation kung unang dakip pa lang sa kaniya sa paggamit ng bawal na gamot.

Anong ginagawa ni Amalia Fuentes na napapakialaman sina Aga at Liezl pero hindi niya masuheto si Nino?

Acheche.

,,,,

3.19.2007

In this Corner of the Universe, Ruffa Gutierrez and Anabelle Rama

Kahit di ko gusto si Annabelle Rama, gusto ko siya sa interview niya sa THE BUZZ.

ruffa+gutierrez+annabelle+rama

Alamin kung ano ang mga sagot niya sa mga tanong ni Ruffa kung saan sinabi ni Annabelle na plastic si Ruffa.
hehehe


,,,,

3.18.2007

In this Corner of the Universe, Kris Aquino and her baby

Siyempre pa hindi mawawala si Kris sa balita kahit na lumuhod at ipagdasal ni Dolly Carvajal. Kumikita ang dayaryo, ang TV pag mayroong balita tungkol sa kaniya.




Sabi niya sa ay sad siya dahil hindi lumaki ang baby niya sa tiyan kahit na total bed rest siya. Kita mo yan ha naiinterview pa siya sa THE BUZZ.

Nabawasan naman daw siya ng timang dahil sa hindi pagkain kaya ayun, sabi ay kakain siya ng balut kagaya nang ginawa niya nang nagbubuntis siya kay Joshua.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

3.17.2007

In this Corner of the Universe, Joey Gosiengfiao bid adieu

Namatay na pala si Joey Gosiengfiao, isa sa mga magagaling na director noong kapanahunan nina Vilma Sanots, Dina Bonnevie, Snooky Serna at Maricel Soriano.
Bata pa siya sa edad na 63.




Siya ang nagpasikat kina Snooky Serna (Bata pa si Sabel), Dina Bonnevie (Katorse)at Maricel Soriano (Underage.


Siya rin and direktor sa pelikula ni Alma Moreno na Nympha (1980).

,,,,,,,,

3.15.2007

In this Corner of the Universe, Ruffa Gutierrez versus AiAi delas Alas

Haynaku, tuloy na ang pagcoco-host ni Ruffa kay Boy Abunda sa The Buzz. Ibig sabihin niyan mga kalahi, kalipi at kadugo ay wala na si AiAi delas Alas sa listahan.



Ito ang isinulat ni Ricky Lo.

Yes, Ruffa Gutierrez has been retained as The Buzz co-host (of Boy Abunda and Cristy Fermin) for four more Sundays, until April 8. She was supposed to take over the job from Kris Aquino, who’s on maternity leave until end of June, for only one Sunday but Ruffa turned out to be such an engaging co-host, outshining even her good friend Gretchen Barretto (guest) on last Sunday’s edition, that the ABS-CBN management has decided to extend her stint, junking its original plan to have a new co-host every Sunday until Kris comes back.

"I didn’t ask for it," said Ruffa who added that she was surprised when she got the offer, especially since there were rumors that Ai-Ai delas Alas was said to be Kris’ personal choice. (But Kris texted Ruffa her congratulations even before the end of last Sunday’s telecast, complimenting Ruffa not only on her beautiful gown by Rajo Laurel but also, more so, her impeccable talent as a host.)


Syempre, dala niya ang kaibigan niyang si Gretchen Barreto. Susunod naman ang kaniyang nanay na si Annabelle Rama. Siguro kasunod ang tatay niya at ang mga kapatid niya.

Showbiz talaga.

,,

3.14.2007

In This Corner of the Universe, Rosanna Roces versus Jolo Revilla

Nagbago pala ang isip ni Rosanna Roces tungkol sa pag-ayaw niyang ipakita ang apo niya kay Jolo Revilla ang tatay nito. Birthday ni Jolo at gusto niyang makita ang anak as a gift.



Ano kaya ang nagpabago? Tinatanong ko lang ha?

Buti nga hindi talaga pinababayaan ng mga Revilla ang kanilang apo.

,,,,

3.13.2007

In This Corner of the Universe,Sagot ni Dawn sa Intrerview in Gretchen Barreto

Siyempre may sagot si Dawn Zulueta sa sinabi ni Gretchen Barreto sa The Buzz. Ang video nagpapakita pa kung bakit kahit malabo ang mata mo hindi mo pwedeng hindi makita si Dawn Zulueta.



,,

3.12.2007

In this Corner of the Universe, Gretchen Barreto may pasabog?

"Gretchen, may pasabog!"

Ruffa Interviews Gretchen Barreto Part 1



Ruffa Interviews Gretchen Barreto Part 2



Meron ba ? Wala akong narinig. Nabingi ba ako ?

When Ruffa asked her, "Ano ba ang pasabog mo?," Gretchen simply laughed, "Ano bang pasabog ang sinasabi n’yo? Wala naman talaga."

,,

3.11.2007

In this Corner of the Universe, Rosanna Roces versus Revilla Family

Malutong na AYOKO ang sagot ni Rosanna Roces sa may-I-borrow-my-son request ni Jolo Revilla sa kanyang anak na si Budoy para sa birthday niya na pinaabot niya thru The BUZZ.

Sa totoo lang hindi siya pinapatulan ni Lani Mercado at Senador Bong Revilla sa kaniyang mga kadramahan sa buhay.

Magkahiwalay ang anak niyang si Grace Adriano at si Jolo dahil daw sa pambabae ng huli.

Parang sinabi niyang like grandfather, like father, like son. Uhm yon na.

,,,,

3.10.2007

In This corner of the World-Ruffa versusDawn?


Hindi raw niya kaaway si Dawn. At hindi raw totoong inisnab niya sa party si Dawn Zulueta- Floreindo noong kasama niya si Gretchen Barreto. Yon ang may-I-correct na sinabi ni Ruffa Gutierrez tungkol sa giyera ng parehong asawa eheste isa pala ay hindi asawa ng mga milyonaryo.

Sabi pa ni Ruffa, malabo raw ang mata niya at hindi niya nakita si Dawn na ang tsismis ay itinuro ng isang kaparty nila kung saan nakaupo na malapit na mesa. Kaya lang pinandilatan daw ni Gretchen si Ruffa. Tuk mo yon?

Kahit siguro memory niya malabo?

Nagtatanong lang ako ha habang ako ay naggagantsilyo.


,,

3.09.2007

In this Corner of the Universe-Ruffa and Gretchen in the The BUZZ

Hindi ah. Hindi papalitan ni Ruffa si Kris habang wala ito sa The Buzz. Ngayong Linggo lang ito. Syempre ang kukunin ni Boy Abunda ay kaniyang mga alaga.

Si AiAi delas Alas ay isa roon. Iniisip nila si Rosanna Roces na kaibigan ni Cristy Fermin pero palagay ko down yon kay Kris. Isa pang alaga ni Boy ay si Gretchen Barreto. Pero si Gretchen ay aapir lang muna as guest.





Alam naman ninyong basta may okasyon na puwede niyang idispley ang kaniyang mga signature gown, gagawin niya. Hindi siguro masuot sa high society events. Tuk mo yon?

Sabi ni Ruffa,enjoy daw siyang interview si Gretchen dahil hindi ito plastic.

Hello, kailang ba yong nainterview siya sa The Buzz at sinabi niyang wala na sa kaniya ang away nila ni Dawn pagkatapos ay inisnab niya sa isang party na may patuyang sabi ay SINOSIYA?


For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,,,,

3.08.2007

In this Corner of the Universe-Sharon Cuneta versus Dolly Ann Carvajal -oo megagalit pa siya

Dear mga Sharonians,

OO mga kabarangay, hindi pa tapos ang world war between Dolly Ann at Megastar Sharon Cuneta.

Sabi ni Manay Sharon Cuneta, tampuririt pa rin siya kay Dolly Ann dahil sa isinulat nitong huli tungkol sa anak niyag si KC at si Direk Lino Cayetano.


Si Dolly Ann naman ay MAY-I-defend siya sa sarili na kaibigan, kaibigan pero pag scoop, walang kaibigan. Ahay.

Ang ayaw daw ni Sharon ay yong mali ang pagkakareport tungkol sa dalawa na para bang sila lang dalawa ang nandoon sa Hongkong.

May-I-defend ulit si Dolly Ann na kulang lang ang kaniyang report kaya raw nabigay ng
malisya.

Kaya pala malaki ang tampo ni Mega Sharon ay dahil sa laki ng tulong nito sa ina nitong si Inday Badiday noong maysakit pa at nasa ICU.

Pero parehong mataas ang pinag-aralan nila kaya walang sabunutan ha.

Laughingly yours,

uploaded by starsinamillion.blogspot.com


Related posts:

Dollywood versus James Yap

Dolly Anne Carvajal versus Sharon Cuneta

Dolly Anne Carvajal versus Ruffa Gutierrez

Dolly Anne Carvajal versus Annabelle Rama

Dolly Anne Carvajal interviews Yilmaz Bektas


,,,,,

3.05.2007

In this Corner of the Universe, Piolo and Erik -totoo ba?



Pinadala sa akin itong retrato ng isang Piolo fan na may kalakip na SABIHIN MONG DI TOTOO.

Eh tanong ninyo naman kung bakit pinadala sa kin at bakit AKO PA. Ahber?
Kasi mga ache, ako ay taga San Francisco kung saan naroon ang Golden Gate na kinunan ng picture na ire.

Ako ay San Franciscan sa accent,sa isip at sa pagdadamit. Kaya alam ko na kutis kalabaw na lang ang makikita mong lalabas na walang jacket, sweater o blazer sa SF.

Kita mo si Papa Piolo, ekk, nakapolo lang ? Sa San FRancisco at lalo na sa Golden Gate? Kita ninyo ang fog sa itaas ng Golden Gate ? Brrr. lamig niyan. Ano siya nababaliw na walang jacket samantalang si Erik ay nakajacket? Isa pa bakit puti ang suot ni Erik sa ilalim ng kaniyang jacket, pero pagdating sa kamay niya ay brown na
probably sa turtle next soft shirt yon. Hindi puwedeng cuffs ng jacket niyang itim yon. Kahabang cuffs naman yan kasi nasa siko na niya ang karugtong na jacket.

Sa dami ng mga kakilala, kamag-anak na bumisita sa kin at ipinasyal ko sa Golden Gate sa San Francisco, alam ko kung saan sila dadalhin para magulo ang buhok nila sa hangin na para bang nakakita sila ng multo. Huling dinala ko doon, ginamit ang plastic bag para huwag masyadong magulo ang buhok niya. Ako kasi naka beretpara di magulo buhok ko.

Isa ang lugar na na sa picture. Nakita ninyo ang buhok nilang dalawa. Siguro isang katutak na GEL ang inilagay ano? Ni hindi nilipad ng hangin?

Si retz na isang photoshop expert nakita naman ang sobrang fingers ni Erik at tatlong fingers ni Piolo.

Kaya pwede ba tantanan ninyo ang mga photoshopping ninyo. Magwindow shop na lang kayo.

,,,

3.04.2007

In this Corner of the Universe, KRIS AQUINO is taking a leave from showbiz


Television host and actress Kris Aquino has chosen to take a sabbatical from her ABS-CBN shows “to focus on the two people who truly matter in my life—my two biggest blessings, my two sons Josh and Baby James.”

I now say a temporary goodbye to all of you. In the coming weeks, my one focus is to be the best mom I can possibly be to Josh and his baby brother. The only way I can succeed at this is to leave this spectacle behind me and totally retreat from the public eye. Please know how much I will miss being a part of your daily TV viewing. I’ve always said that my career’s biggest blessing has been that all of you who has tuned in to my shows allowed me to become a part of your family. And now, it’s my turn to focus on the two people who truly matter in my life—my two biggest blessings, my two sons Josh and Baby James. At the end of the day, after all has been said and done, my ability to give them good lives is what matters most.”



Pahingi ngang kleenex. Prssssttt.

,,,,,,

In This Corner of the Universe, Ara Mina versus Jomari

Ara Bira, Ara Bira. Si Ara Mina at si Jomari Sison nagsasayaw ng pakaliwa, pakanan. Nakuha ang piktyur perfect na ito sa Amsterdam.



Sayaw sa kanan, sayaw sa kaliwa. Palagi sa kaliwa kasi si Joma Sison ay founder ng Leftist Organization na Communist Party of the Philippines.

Sabi ni ARA," ARA akong alam diyan sa Komunista, komunistang yan ha. Ang ARAm ko, ako ay binayaran dito para magperform.

Sabi naman ni Joma, ARA namang sama kung makialiw ako sa mga mahihirap na Pilipino dito sa Europa.

MAHIRAP ? Pakipitik mo nga itong langaw na dumapo sa aking ilong, please lang. Mahirap ba yong nagpaparty sa mamahaling hotel? Ay ayaw ng mga OFW yan.

Pero sabi ko nga sainyo mga kabarangay, huwag tayong makialam. O savaw, savaw tayong magsabi, Wala kaming pakialam. Cheee.

,,,,,

3.03.2007

In this Corner of the World-Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

Ikakasal na raw si Judy Ann at Ryan Agoncillo sa Mayo. Yeheey. Kaya lang baka, kabayo, baboy, manok hah hah hah (pahinga) sa 2008 pa.

Hindi pa raw sila ready para sa buhay-may-asawa. TUK mo yon? Birhinya?

Box-office hit ang kanilang Kasal. Kasali at Kasalo. O di va. Di dapat totoo na ang kasal.

Sandali, bakit ba ako nakikialam. At bakit nga ba kayo nakikialam. (O sige sabay-sabay tayo, wala tayong karapatan makialam kung kailan sila ikakasal. Buntung-hiningang malalim).

Si Alfie Lorenzo ang kaniyang manager lang ang may karapatang makialam. O di va ache?

Kaya tuk niya kaagad ang offerng GMA Films para kay Juday kasama si Jolina Magdangal
sa horror film na "Ouija."

Related articles:

Personal information about Judy Ann Santos (bio)


1. Judy Ann Santos: Metromanila Film Best Actress
2. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo baka raw ikakasal na
3. Judy Ann Santos Galit sa Katrayduran ni Direk Joyce Bernal

4. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Sakal, Sakali, Saklolo.




,,,,,

In This Corner of the Universe, John Lloyd Cruz-wala siyang kalaban

Talagang wala siyang kalaban pagdating sa pag-arte. Naku mga ache, ang magsalungat sa akin, ay susundutin ng karayom sa kili-kili.

Philippines - Actor, John Lloyd Cruz
Galeeeng niya talagang umarte kaya nang nakita ko itong article ni Ricky Lo
tungkol sa kaniya, hindi puwedeng hindi ko ito pansinin.

Ang batang ire ang nagpaiyak sa akin ng balde-baldeng luha sa Ikaw ang Lahat sa Akin.
huhuhuhuhu.

Ito ang mga sagot niya sa mga tanong.


1. He adores Sean Penn (21 Grams, etc.)
Ay ako rin, lalo sa I am Sam. Umiyak din ako ng isang palangganang luha doon.


2. He reads Mitch Albom (Tuesdays with Morrie, Five People You Meet in Heaven and For One More Day)

Hay naku, nabasa ng pahina ng libro ni Mitch Albom habang binabasa ko at tutok talaga ang aking mata sa TV nang ipinalabas ang Five People You Meet in Heaven.

3. He can see things in a clearer perspective when he’s alone in the silence of his room (his favorite sanctuary).

O di va pag may salamin ako, malinaw din ang mata ko.

It took Bea Alonzo, his perennial partner in ABS-CBN soaps (the latest being Maging Sino Ka Man), a while to penetrate the shell which John Lloyd used to hide in.

Ito pa ang sabi ni Ricky Lo.

In the recent past, John Lloyd also got the opportunity to co-star with Aga Muhlach, in Star Cinema’s Dubai (directed by Rory Quintos) where John Lloyd won as many hearts as Aga did with his engrossing portrayal of Aga’s younger brother caught in a love triangle with Claudine Barretto (as Aga’s girlfriend). John Lloyd’s hospital scene toward the end is, I think, one of the most moving in recent memory.

No wonder John Lloyd is touted as the next drama stalwart. A little more honing and he’ll be well on the way in that direction.

Meanwhile, John Lloyd enjoys being the Prince of Soap who has an enviable track record: As Rovic in Tabing-Ilog, Yuri in Kay Tagal Kang Hinintay, Lawrence in It Might Be You, Oliver in Ikaw ang Lahat sa Akin and Ely in the ongoing top-rated Maging Sino Ka Man.


Amen, amen amen (may kanta pa).

,,

3.02.2007

In this Corner of the Universe, Gretchen Barreto versus local fashion designers

May napulot ako na dayalog sa isa sa mga DIVA sa katarayan na si Gretchen Barreto.

"According to my Valentino gown, it's not gonna happen!" ang sabi niya kung magkakabati sila ni Dawn. TARAY talaga. Parang gusto ko ring sabihin, according to Twenk, it not going to happen. Sino si Twenk ? Eh di ang aking fawshion designer na kaklase ko at nakabarkada ko pa noong siya ay lalaki pa. Bigla na lang nawala at nang bumalik ay mayroon na siyang tumpok sa dibdib at mas boses babae pa sa akin.

Kahilera pala siya nina Anna Hathaway ng Devil Wears Prada na ang ginamit na gown sa Oscar Awards ay gawa ni Valentino. Huwag mong isnabin.
Sugod mga kafatid sa local fashion industry. Sabunutan ang bruha hanggang magsuot ng gawa sa Pinas.

,,,,,

In this Corner of the Universe, Hope Centeno versus Boy Abunda


Huwag kayong mag-alala. Hindi dinuro-duro at dinusta-dusta ni Boy Abunda si Hope. Pinagsabihan lang siyang "May-I-think-siya sa ginagawa niya dahil may batang hindi pa pinapanganak ay naapektuhan na.

Hindi raw siya naghuhusga dahil hindi naman siya hukom. ekk. Kaya lang pinaliwanag niya na si JOey ay hiwalay na kay Alma nang magkaroon ng affwer ang dalawa. MAtuk mo yan,
Manang Birhinya.

Hindi rin niya pinatatawad pa si James dahil hindi naman daw sa kaniya nagkasala. Ahaahay. Totoo naman. Pero, if I know, kampi talaga siya kay Kristeta.

Pero ng ayaw ko lang ay mabait pa rin siya kay Cristy Fermin. Hindi raw kasi siya pinapipili. Eh kung papiliin siya. Abwer.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

3.01.2007

In this Corner of the Universe, Sandara Park versus ABS- CBN

Nagrereklamo na si Sandara Park na wala na siyang project sa ABS-CBN at pati na ang kaniyang boyfriend na si Joseph Bitangcol.



Kseh naman sikat siya sa love team niyang si Hero Angeles nang biglang magdemand siyang palitan ang kaniyang love team dahil nag-aaway sila.

Ang natatandaan ko tinulungan pa ni Cristy Fermin noon na bigyan ng bad publicity si Hero at ipromote ang Joseph- Sandara love team sa The Buzz dahil mas love niya si Joseph. Argh

Kaya yang love na yan pakihuli hane. Kseh may mga artistang hindi napaghihiwalay ang reel at real love affair na dapat sundin ang gusto ng fans kung gusto nilang manatiling sikat. Pakisalaksak sa isip yan ng mga hindi pa sikat na ta-artits anoh.

Kahit si Guy at Pip nagkaroon din ng effect ang kamatayan ng kanilang love team sa popularidad ni Papa Tirso.


A product of the first Star Circle Quest kung saan runner-up siya ni Hero Angeles, accepted ng Korean star na wala na ang init niya 'tulad ng dati. Tanggap niya na ring may mga bagong sulpot na stars sa ABS Star Magic wards na mas sikat, so sila ang nabibigyan ng priorities.

,,,,

In this Corner of the Universe, Claudine Barreto versus Judy Ann Santos

OY, huwag ninyo akong kulitin. Hindi ko sila pinag-aaway. Pareho ko silang peyborit.
Kaya lang naproclaim na Miss Box Office Queen si Claudine Barreto,

claudine-barreto
photocredit:filipinoexpress
kasama si Kris Aquino.
kris-aquino


Tabla sila mga mama dahil sa kanilang pelikulang Sukob.

Ang hindi ko talaga maintindihan ay bakit ang isang foundation (Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.(GMMSFI)) ang magdedecide kung sino ang dapat itanghal na Box Office Greats at bakit kailangang pagbotohan pa.

Di ba kung sino yong palaging dinudumog ng tao ang pelikula ang siyang box office winners. Di lang sa isang pelikula kung hindi sa lahat ng pelikula, magkakasama?

Nagtatanong lang ako mga kababayan, kababaryo, kabarangay, kanayon, kapitbahay. Kung may mageesplika kailangan samahan ng kape. Samahan na rin tuloy ng sandwich. Make it peanut butter, will ya?

,,,,