2.28.2009

He forgives but does not forget


Boy Abunda declared that he has accepted the apology of Vicki Belo even though it was just via txt to some common friends.

He explained however that the article published about the reason why Vick Belo and he had a falling out.

This is the story:

Tinanggap ko naman ang apology. Let’s all move on. After this ayoko nang magsalita,” simula ni Boy Abunda the other night nang makausap namin tungkol sa lumaking issue sa kanila ni Dra. Vicki Belo na nag-umpisa sa interview last Sunday sa Showbiz Central.

Actually, kaya lang namin siya nakatsika ay para i-clear ang lumabas na issue tungkol sa na-involved na partner niyang si Bong Quintana sa away nila ni Dra. Belo.

Lumabas kasi the other day dito sa Show-MY na ang rason ng away nina Boy at Dra. Belo ay dahil sa ticket sa concert na ang director ay si Bong. “Nasama na si Bong, and ayaw ko siyang madamay pa. Ako na lang sana. Pero dahil sa nasali na siya, ikukwento ko yung totoo,” sabi ni Tito Boy after ng Showbiz News Ngayon last Friday night.

Tumutulong daw sa special events si Bong sa Belo Medical group noon at magkaibigan din sina Bong at Dra. Vicki pagbibigay ng background ni Tito Boy.

Dahil magkaibigan sila, may pagkakataon daw na ini-encourage pa ni Dra. Vicki si Bong na magpa-liposuction ng libre. “Two years bago siya na-encourage na magpa-lipo,” tuloy ang kuwento ni Tito Boy.

Pero hindi naman daw lahat ‘yun libre dahil partly may binabayaran siya.

At tungkol sa controversial ticket, para pala yun sa concert ni Frenchy Dy worth P10,000.

“Ibinigay ‘yun ni Bong kay Vangie Kua (PR girl ni Dra. Belo noon). And then suddenly, we got a text message na Vangie is no longer connected with Belo. So he called Vicki about the ticket.

“And ‘yun she said, na you get free services na nga from the clinic, binibentahan mo pa ako ng mga ticket,” recalled tito Boy sa totoong nangyari.

“So ang ginawa ni Bong, pinakuha niya ang ticket sa Morato (Belo Clinic). Saka lang sinabi ni Bong sa akin after niyang ipa-pick up ang ticket dahil alam niyang magri-react ako.

“Nagalit ako, aaminin ko. Sinabi ko sa kanyang let’s talk, we have something to resolve. Nag-set kami ng dinner. Dumating siya. Andun si Hayden (Kho), Betina (Boy’s assistant), Kris (Aquino), Vicki and me.

“Sinabi ko sa kanyang nasaktan ako. Kung ayaw mong magbigay para sa ticket, puwede mo namang sabihing pass muna. Marami pa akong binitiwang salita na masakit. Umiyak siya.

“Kasi naman di ba, kapag magkaibigan, kung meron kayong pinagkakagalitan, harap-harapan kayong mag-uusap,” sabi pa niya.

“Nag-end kami ng mabuti. Niregaluhan niya pa ako ng mga sapatos,” kuwento pa ni Tito Boy na ipinagtataka niya dahil marami na palang ibang pinagkuwentuhan si Dra. Belo tungkol sa ticket na sinasabing pinagmulan ng away nila.

Sinabi rin niyang hindi totoong nagbayad ng check si Dra. Belo na dinala nito ng personal sa bahay nila.

“That was 2006, today is 2009, nagtapos ang dinner na ‘yun, tapos ang kuwento. Nagkaayos kami, nag-usap na ulit kami. We were okay. Nagtapos kami doon nang maayos.”

Kaya gulat siya na naungkat pa ‘yun.

Hanggang dumating na nga ang issue kina Dra. Belo at Kris Aquino.

Hindi siya nagsalita at never daw siyang nagsalita ng against her.

Kahit ang paglilipat ng talent niya sa Calayan ay maayos niyang pinaalam sa pamamagitan ng PR director ng Belo Medical Group na si Leah Salterio. Kahit daw ang tungkol kay AiAi delas Alas ay nagpasintabi siya bago tinanggap ang offer ng Calayan.

After nito ay wala nang plano si Kuya Boy na magkuwento pa or mag-react about Dra. Belo dahil hindi naman daw siya nagalit na nakumpara siya kina Dingdong Dantes or Piolo Pascual kundi nanggaling siya dun sa sinabi niyang nami-miss niya si Vicki after na ma-interview ni Kris tapos biglang may sinabi sa kanya.

“Gusto ko lang malinis ang context ng narrative. Ayoko lang makasama si Bong. Nakakahiya kay Bong.

“Life is too short and sexy. ‘Wag nating pahirapin.”

2.27.2009

RICHARD GUTIERREZ AND JEWEL MISCHE ARE STILL SEEING EACH OTHER



Why should Richard Gutierrez deny about seeing Jewel Nische when his movies with KC Concepcion is already shown and there is no third movie for their love team?

Are they really seeing each other clandestinely?

This is a story from PEP.


Nagkikita nga ba nang palihim ang dating magkatambal na sina Richard Gutierrez at Jewel Mische?

Ito ang naging katanungan ng ilang mambabasa ng FemaleNetwork.com nang isa sa mga registered users nito ang nag-post sa forum nito noong February 21, sa ilalim ng "celebrity sightings" category,
ategory, na nakita umano niya si Richard sa Hong Kong. Dagdag niya, nakita rin niya ang aktor kasama ang isang dalaga na tila kahawig ni Jewel, ang dating katambal ni Richard sa fantaserye nitong Kamandag.

Bago pa man mailathala ang istorya na ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na tanungin si Richard tungkol sa balitang nakita sila ni Jewel sa Hong Kong. Nakausap ng PEP si Richard kagabi, February 26, sa thanksgiving party ng When I Met U sa Gazebo Royale, Visayas Avenue, Quezon City.



Nang kapanayamin ng PEP senior editor na si Jocelyn Dimaculangan si Richard, tanging nasabi nito ay: "No comment ako diyan."



Paliwanag ni Richard, hindi siya ang pumunta sa Hong Kong kundi ang kakambal niyang si Raymond Gutierrez. "Actually, narinig ko yung balitang 'yan. Natawa ako dahil si Raymond ang nag-Hong Kong, hindi ako. Nakakatawa, kasi baka si Raymond yung nakita nila. Ganun talaga, e, hindi naman natin maiiwasan yun," saad ng aktor.



Pero inamin ni Richard na bukas pa rin ang komunikasyon niya sa dating niyang leading lady sa Kamandag.





Dahil dito, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang mga tao na may koneksiyon sa dalawang Kapuso actors.



Sa press conference ng MyPLDT DSL noong February 19, isang entertainment reporter ang nagtanong sa endorser nitong si Rhian Ramos kung bakit hindi nakapag-taping ang kasama niya sa Zorro na si Richard noong ikalawang linggo ng Pebrero. Ayon kay Rhian, nagbakasyon daw ang kanyang leading man. "Alam ko nasa States siya ngayon. Kasi hindi pa siya nagpapahinga since last year," sabi ng young actress.



Ayon naman sa isa pang source ng PEP, tinanong niya ang isang taga-Kapuso network kung nasaan si Richard noong panahon 'yon. Ang tugon ng kanyang pinagtanungan ay ito: "Nagbakasyon, mag-isa lang. I don't know where."



Ganito rin ang napag-alaman ng PEP sa isa pang source. Ang kaibahan lang, tiniyak niya na noong week ng February 16 ay nagbakasyon si Richard sa Hong Kong.



Kaugnay nito, isa ring source ng PEP ang nagtanong sa GMA Artist Center kung nasaan si Jewel noong February 16. Ang tugon diumano ng nakausap ng source ay: "Wala, nagbakasyon, kasama si ano..." sabay tawa nito.

ANGEL LOCSIN AS THE UP SCHOLAR WHO WENT CUCKOO


Angel Locsin is challenged by her role in Malaalala Mo Kaya as a student in UP who became mentally imbalanced.

As to why a girl of this high intellect lost her marbles is the topic of the story.

Angel Locsin's first Best Actress award was due to her role in one of the episodes of
Maalaala Mo Kaya.



Isa na naman natatanging pagganap ni Angel Locsin ang mapapanood sa isang mapaghamong papel bilang isang UP scholar na naging GRO at hanggang naging baliw sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Matatandaan na sa MMK nagkaroon ng unang best actress award si Angel.

Bago pa nag-taping si Angel ay nag-request siya na mag-immerse sa isang mental institution para pag-aralan ng todo ang kanyang role. Nag-interview din siya ng mga specialists tungkol sa kalagayan ng mga dinalaw niya.

“Natakot ako na gam­panan ang role ng isang baliw, pero nang mabasa ko ang script grabeng naintriga ako sa character ni Nympha.

“Bakit siya human­tong sa ganong kalaga­yan?

“Imagine, isang UP scholar na nabaliw!

Naiisip ko tuloy kung ano ang matinding dahi­lan para ang isang tao ay mabaliw, kahirapan ba, matinding trahedya?

“Kaya nag-immerse ako para maintindihan ko ang pinangga­galingan nila!”

2.26.2009

The Reason why Boy Abunda and Dr. Belo have silent war

picture of boy abunda
Boy Abunda refused to mention the cause of his falling out with Dr. Vicki Belo. It was Lolit Solis who related the story to her co-columnists.

Here is the story.

Alam ko na ang sinimulan ng away nina Dra. Vicki Belo at Boy Abunda. Si ‘Nay Lolit Solis ang nagkuwento kahapon habang nagpi-presscon ang Sine Novela Presents Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA 7 na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang bida. “Nagsimula ‘yan nung may binentang ticket sa concert si Bong (Quintana - special someone ni BA) na nagdi-direk din ng concert kay Vicki. Eh nagkataon noon na nagkaka-problema si Vicki kay Vangie Kua (remember her, ang special assistant ba ni Dra. Belo na umano’y malaki ang nakuhang pera sa doktora). So mainit ang ulo ni Vicki nang tumawag si Bong, eh pang apat na beses na palang pina-follow up sa kanya ‘yung bayad sa tickets. So nung tawagan siya ni Bong, may nasabi siya. Parang sinabi niyang ‘na naman.’

“After nilang mag-usap, na-realize ngayon ni Vicki ang kagagahan niya. Alam mo naman ‘yan, parang bata,” kuwento pa sa amin ni ‘Nay Lolit kaharap si Tito Ricky Lo, Tita Crispina Belen at Ian Fariñas.

“So nung ma-realize ni Vicki, personal yun niyang dinala ang tseke kila Boy. Hindi na siya kinausap ni Boy at pinasoli ang ibinayad na tseke.”

Simula raw nun, isa-isa na ring tinatanggal ni Boy ang mga talent niya as endorser sa Belo Medical Group.

Pero kahit may silent war sila, never daw na may sinabi si Boy na against Dra. Belo na ina-attest ni Tito Ricky dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

At kahit naman daw si Vicki, walang sinasabi against Boy, sabi ni ‘Nay Lolit. In fact, pakiramdam nga raw ni Dra. Belo, part ng paglaki ng Belo Medical Group si Boy dahil from the start, si Boy ang tumulong kay Dra. Belo.

Ang kaso, nasa Amerika na ngayon si Dra. Belo kaya kahit nagi-effort ang ilan nilang common friends na pag-ayusin sila, hindi agad mangyayari.

Lumaki na ang issue sa statement ni Dra. Belo sa Showbiz Central last Sunday tungkol sa famous na ngayong dialogue na: “If you want to look like Boy Abunda go to Calayan, but if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual come to Belo.”

2.25.2009

Vicki asks why the media friends of Boy is ganging up on her


Lolit Solis said that Dr. Belo flew to the United States last Tuesday. Can she not take the heat of the consequence of her irresponsible statement about Boy Abunda?

That is one thing in showbiz. The negative response could be done by some allies.

Here is the news:

MANILA, Philippines—“Why are they ganging up on me?” Vicki Belo, celebrity aesthetic surgeon, wanted to know. Her words proved prophetic, uttered in an interview just hours before Boy Abunda shed tears on his new ABS-CBN program, “Showbiz News Ngayon” (SNN) Monday.

Abunda said he was “hurt” by Belo’s statement on GMA 7’s “Showbiz Central” on Sunday: “If you want to look like Boy Abunda, go to [rival clinic] Calayan. If you want to look like Piolo Pascual and Dingdong Dantes, go to Belo.” The personalities mentioned are endorsers of the clinics.

On Tuesday, Belo was all but crucified by Abunda’s media allies. Radio show host Jobert Sucaldito even mocked Belo’s looks and recounted rumors of patient deaths in her clinic.

Belo earlier told the Philippine Daily Inquirer that, like Abunda, she had no illusions about being beautiful.

Spokesperson Leah Gatdula denied the rumors of the deaths. In a text message, Gatdula said, “No one has died on our operating table.”

Whether Belo likes it or not, the hostilities have reached fever pitch. In a text message Tuesday, she refused to further comment “on the tirades aired on the radio or about Abunda’s statement [on SNN],” and merely noted the “loyalties of the radio commentator.” Sucaldito and Abunda are ABS-CBN talents.

Before the SNN episode, Abunda told the Inquirer that although he and Belo were no longer as close as before, “We never had a personal quarrel.” He used to handle her media relations. Abunda said, “The insinuation that I’m ugly … is cruel. I know she’s going through a lot, but that doesn’t give her license to malign anyone.”

He was referring to Belo’s recent scandalous breakup with boyfriend Hayden Kho, compounded by legal problems.

Could all this be a by-product of the raging network war? Abunda said, curtly, “I never had to be cruel to compete.”

Two sources told Inquirer that the question that elicited Belo’s controversial remark had come from her professional rival, Manny Calayan, who purportedly texted it to “Showbiz Central” host Mo Twister.

Indeed, Sucaldito on his Tuesday program read a statement said to be from Calayan, declaring full support for Abunda. But of course.

What cannot be undone

BELO: “If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. If you want to look like Piolo … go to Belo.”

ABUNDA: “The insinuation that I’m ugly is cruel.”

SUCALDITO: “Joke lang? Ikaw ang joke, Vicki Belo. Hindi mo na nga mabukas ang isang mata mo.”

2.24.2009

BOY ABUNDA CRIED FOUL



BOY ABUNDA ASKED VICK BELO in tears what he had done to deserve her insult in the interview with MO.

This is his response:

Hindi maipagkakaila na mahigpit ang kumpetisyon sa pagitan nina Dra. Vicki Belo at Drs. Manny and Pie Calayan. Magkalaban ang kanilang mga klinika—Belo Medical Group at Calayan Surgicentre—lalo na sa paramihan ng celebrity endorsers.



Sa interview ni Mo Twister kay Dra. Belo sa Showbiz Central last Sunday, February 22, "nagbiro" ang doktor tungkol sa kumpetisyon nila ng mga Calayan. Aniya, "If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. But if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo," na ang tinutukoy ay ang kani-kanilang mga endorser.



Nakarating na kay Boy ang "pagbibiro" ni Dra. Belo. Kaya naman kagabi, February 23, sa programa nila ni Kris Aquino na Showbiz News Ngayon (SNN), ay nagbigay ng kanyang reaksiyon si Boy tungkol sa naging pahayag ni Dra. Belo.



"Nang magkabati sina Kris at Vicki," simula ni Boy, "tinanong po ako ni Kris, how did I feel. At ang sabi ko po, mga kaibigan, I missed her. That came from the bottom of my heart, I missed Vicki.



"Off-cam, sinabi ko po kay Kris na nakaka-miss din dahil noong mga panahon na nag-uusap at hindi pa nagpapahinga yung aming pagiging magkaibigan, everytime she gets into problems, she'll call me for advice. Sabi ko dito sa Hayden [Kho, Vicki's ex-boyfriend] controversy, siyempre tahimik ako dahil hindi nga kami nag-uusap.



"Kahapon right after The Buzz, my first caller po was Ruffa Guttierez, na sinasabi sa akin kung narinig ko na yung sinabi ni Dra. Vicki Belo sa [Showbiz] Central, sa kabila. Hindi pa. That was the first time I was hearing it.



"Hanggang may mga text messages na pumasok po sa akin. At sinabi kong hindi naman siguro sasabihin sa akin ni Vicki ito. Baka nagkakamali lang dahil malalim naman ang aming pinagsamahan at matagal ang aming pinagsamahan. At sabi ko nga, wala naman kaming pinag-awayan ni Vicki.



"Na-surprise po ako, nasindak po ako," pag-amin ni Boy. "Hindi po ako makapaniwala nung luminaw na ang lahat ng mga sinabi niya, yung konteksto ng kanyang interview. Nabigla po ako dahil, first of all, I didn't expect nung sinabi nga niya na, 'If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. And if you want to look like Dingdong Dantes, go to Belo', dahil kaibigan ko pong matalik si Dra. Vicki Belo for many years. We were good friends.



"Matagal na panahon kaming nagsama ni Vicki. And, Vicki, if you're watching, alam mo na kahit kailan, kahit kailan, hindi ako namuhunan sa gandang panlabas. Alam mo, namuhunan ako ng lakas ng loob, sipag, tiyaga, dasal. At Vicki, wala akong ilusyong maganda ako, wala akong ilusyon. Pero wala rin sinumang may karapatang manlait sa aking pagkatao."



Patuloy niya, "Mga kaibigan, last night, 10 o'clock in the evening, I got a surprise call from Nanay [Boy's mother] mula po sa Samar. Sabi ko, 'Nay, ba't ka tumatawag, alas diyes na? Dapat tulog ka na.' Sabi niya, 'Hindi lang ako mapakali. Sagutin mo lang ang tanong na ito. Meron ka bang ginawa kay Dra. Belo at ginawa ka niyang katawa-tawa sa TV?'



"Wala po akong ginawang masama kay Bicky Belo..." Sa bahaging ito ay gumagaralgal na ang tinig ni Boy. "Vicki, if you're watching, you know that I did not do anything bad to you to deserve this. Wala akong ginawa sa 'yo.




"And, Nay, if you're watching, wala po akong ginawa. Dahil narating ko po itong maliit na espasyo dito sa industriya na wala po akong inapakan. At, mga kaibigan, hindi po tayo kinakailangang kasing ganda o kasing guwapo ni Dingdong Dantes para maging masaya at para maging mabuting tao," naiiyak na pahayag ng SNN co-host.

2.23.2009

Vicki Belo is controversial again



After her interview with Kris Aquino, Dr. Vicki Belo had another interview with her friend MO.

She criticized her business rival with a tactless comment.

This is the transcript:


Most Wanted Question No. 5: Sa lahat ng mga artista, kanino ka pinakanahirapan dahil sa dami ng dapat baguhin sa katawan niya?



"Number one, never na nahihirapan ang Belo Medical Group dahil napakagaling namin at kumpleto kami sa mga laser. Number two, kahit meron man artista na ganoon, hindi ko rin masasabi dahil sa patient-doctor confidentiality."



Pero ano ba ang napi-feel niya ngayong dumarami na ang competition ng Belo Medical Group? And, of course, their greatest rival is Calayan Surgicentre. Paramihan din sila ng artistang endorser. How does she feel 'pag sinasabi ng kabila na ang artista ko, mas maganda sa artista mo?



"Well, first of all, I feel kinda bad. Kasi, ako naman ang nag-umpisa ng mga bati-bati ng mga artista. I feel bad, kasi parang ginagaya lang nila ako. Sana naman, maghanap naman sila ng unique marketing... And I'd like to say, if you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo," diretsahang pahayag ni Dra. Belo.


Natawa si Mo at sabay sabi ulit sa sinabi ni Dra. Belo.

"Joke lang yun ha... Pero Boy is the main endorser of Calayan, right?" bawi ni Dra. Belo.

"Dingdong is your main," dagdag naman ni Mo sa sinabi ni Dra. Belo.

Most Wanted Question No. 4: Sa tingin mo, kaya tumututol ang anak na si Cristalle sa dating boyfriend ni Vicki na si Hayden Kho ay dahil si Cristalle ang unang niligawan ni Hayden?



"You know, I'd like to clear that kasi it's so maling information," sabi ng beauty doctor. "Ang nangyari kasi, nag-meet kami ni Hayden sa isang UST [University of Sto. Tomas] contest, Mr. and Ms. Medicine. Pareho kaming doctor, pareho kaming judges. Dumaan siya, nagpalakpakan ang mga tao. Napaka-popular niya sa UST. Naintriga naman ako na sino itong taong ito.



"Anyway, I've found out na he's an intern at Makati Med. Nasa age na 25 to 26, and my daughter then was 23. So, sabi ko, 'Ay, bagay 'to. Naghahanap na ako... My daughter was taking pre-med, and then, hindi niya type, nag-quit. So, sabi ko, 'Sino kaya ang magte-takeover ng clinic ko ngayon?' The only thing that can happen is for Cristalle to marry a doctor, but hindi sila magkakilala ha, not at all.



"So, noong umuwi ako sa bahay, I told her, 'Cristalle, I've found na someone you can marry!' Cristalle was, 'Mommy, ano ba 'yang sinasabi mo?' So, I said, 'I've found this doctor, guwapo siya, matangkad, matalino, charming. So, 'yan, marry na lang a doctor kasi ayaw mong maging doctor.' And she said, 'Mommy naman, may boyfriend ako, si Jeff,' na we love very much. Pero sabi ko, 'Still, you meet him na lang kasi kailangan ko talaga ng doctor.' Sorry, Jeff, ha..." tuluy-tuloy na kuwento ni Dra. Belo.



So, ikaw ang nag-matchmaker?



"Ako ang nag-matchmaker," pagsang-ayon ni Dra. Belo. "It's not that they don't like each other, it's because my daughter is very faithful. And Hayden had a girlfriend naman at that time. Hayden will visit the clinic. So ako, 'Cristalle, what do you think?' So, she said, 'Mommy, he's cute but I have a boyfriend.' So, I'm proud of you, Cristalle, because you have the right values."



May suspetsa ka ba noon pa na hindi magiging tapat sa 'yo si Hayden?



"Alam mo talaga, most of the time, talagang wala," sagot ni Dra. Belo. "For such a long time, wala. Because he's the most caring, thoughtful boyfriend. And he's always with me. We're together at work, we're together at night.



"Pero one time, I went to Joyce Jimenez's wedding because I'm one of the ninangs. I was in the States and I only went there for four days, tapos six days supposedly. Parang may kutob lang ako na may nangyayari. So, binola-bola ko lang si Hayden na uuwi ako in six days, tapos umuwi ako in four days.

"Galing sa airport, alam mo naman ang flight, di ba, dumarating ng six in the morning? So, dumiretso ako sa condo niya [Hayden]. Tapos yung puso ko, parang ganoon pa...akala ko may mahuhuli ako run. Pero pagpasok ko, nag-iisa lang siya. At saka he was so happy to see me. He was hugging me like, 'I'm so happy you came back early!' So, nawala yung doubt ko," lahad niya.


Talk about the very infamous video circulated. Meron daw siya nito as evidence. So, once and for all, can she tell if there's really a video with Hayden and another girl?


"Yes, there's a video, but it's not what you think," sabi ni Dra. Belo. "No, what I saw was a video that Hayden was taping Katrina [Halili]. Like, asking her a question, 'Do you love me?' Si Katrina naman, 'Mahal na mahal kita.' So, that's enough evidence, di ba?"

What were the other lines she heard from the video?


"The line that was painful... Actually, there's many painful, but the most painful video, the one that was masakit was: 'Girlfriend mo lang naman siya, e. Ako, asawa mo.' That was what Katrina said," pagsisiwalat ni Dra. Belo.

Most Wanted Question No. 3: Yun bang pagbabati n'yo ni Kris Aquino, sincere at bukal sa puso or imbento lang dahil gusto niyang mag-rate ang bagong show? The question came from Lolit Solis. (Kris interviewed Dra. Belo recently for the former's new show in ABS-CBN, Showbiz News Ngayon).


"Well, I did the interview kasi tinawagan ako ni Deo Endrinal, yung manager ni Kris. Tapos sabi niya, 'It's the chance also for you guys to bury the hatchet, so to speak.' Talagang ako, sincere ako sa desire na matapos na yung mga bad memories, etc., at maging okey kami ni Kris. And I'd like to really believe na sincere na rin naman si Kris na makipagbati sa akin."

Did you apologize to her or did she apologize to you? May expectation ba na kailangang mag-apologize?



"Hindi, walang nag-apologize, kasi wala naman kaming ginawang masama sa isa't isa. It's just circumstances that were beyond our control."

Most Wanted Question No. 2: Napatawad mo na ba si Katrina Halili?

"Alam mo, Kristiyano ako at sa buong buhay ko naman, palagi akong nagpapatawad. Pero kung tinatanong mo ako kung nasaktan ako? Sobra! Kung upset? Medyo. Kasi, of all people, malapit na malapit ako kay Katrina, at akala ko..."



Ayon kay Mo, gusto niyang i-congratulate si Dra. Belo dahil ang pagpapatawad kay Katrina can be one of the hardest things to do.



"Besides, Mo, anger and bitterness, nakakatanda yun," singit naman ni Dra. Belo.



Despite the denial of Hayden at denial ni Rufa Mae Quinto, feeling ba niya, in her opinion, may nangyari talaga between Hayden and Rufa Mae?



"Opinion ko lang 'to? Gut feel ko lang 'to? Yeah, I really think something happened between them. I really think they had something, like a fling," sagot ni Dra. Belo.



Do you base this sa feeling lang or, kahit paano, may konting evidence?



"Hindi naman evidence, as in sobrang evidence. Pero may evidence na hindi naman yung inaakala mong evidence."



Most Wanted Question No. 1: Kung hindi ka naging successful, sa tingin mo, mamahalin ka pa rin ni Hayden?



"Alam mo, medyo mahirap 'yang question na 'yan, kasi kasama na rin sa package, di ba? Kasi, that's what I am. So, how can I say if that wasn't me? I don't know, di ba? Kasi, hindi na ako yun kung wala ako nun," saad ni Dra. Belo.



Did you ever feel that Hayden, or any of your past boyfriends, was a gold digger?



"Definitely not Hayden," mabilis na sagot ni Dra. Belo. "Because he didn't ask for anything. He never took advantage of me, which he could have done a lot. And he never did. And, in fact, he was trying to match me, di ba? If I give him something, he will. Actually, siya talaga yung nagbibigay ng regalo, palaging nagsu-surprise. So I will never say Hayden is a gold digger. Pero yung past boyfriend ko, bago si Hayden, oo, aaminin ko, gold digger siya."



Sinabi rin ni Mo na, dahil pareho niyang kaibigan sina Dra. Belo at Vicki, hindi raw gold digger si Hayden. In fact, ngayong nag-break na ang dalawa, nagsosoli rin daw si Hayden ng mga gamit na naibigay ni Vicki, gaya ng kotse.



"Yes, pero sinabi ko, 'Huwag mo nang isoli kasi okey lang sa akin.' Because, after all, it's a gift. Hindi naman ako yung type na hatag-bawi, get it back, di ba? But he insisted. When I was in the States, last trip, pag-uwi ko, nandoon na sa garahe yung car ,at sinabi niya sa note na, 'I didn't deserve this car. I will feel better if you'll please accept it back. Parang to show my sincerity that I wanted to change.'"



Speaking of deserving, does Hayden deserve a second chance?



"Mo, I don't know... What do you think?"



Ayon kay Mo, he has seen how sorry Hayden is. Nakikita rin daw niya sa mukha at sa actions ni Hayden that he is sorry about what he did. At sa palagay niya, Hayden deserves a second chance.



So, ang tanong muli ni Mo, kaya mo ba na magbigay ng second chance?



"I think everybody deserves a second chance," sagot ni Dra. Belo. "All I can say is... and I think it's a lesson to everybody. In my life, it became successful because I always give it all to God. It's like, 'God, bahala ka na sa akin.' And it always comes out well, except sa lovelife ko. Dun matigas ang ulo ko. Dun gusto ko palagi, ako ang namimili. Ako ang nagde-decide kung sino at medyo palpak ako dun. So ngayon, sinasabi ko na, in front of everybody, 'God, bahala na po Kayo na maghanap ng tamang lalaki para sa akin.'"



But Mo insisted, "I think he deserves a second chance."



Humirit pa ng last question si Mo: What's the worst part of being Vicki Belo?



"The hardest part of being me is that, many people... Hayden was not part of them ha, but many people want to take advantage of me. And I feel really, really bad kasi naman, nandito ako para tulungan ang mga tao. To be the best they can be and to be the best version of themselves.



"And I'm sincere in wanting to make the Philippines as the cosmetic surgery capital. To make people fly here and medical tourism. At naniniwala akong lahat ng tao ay mababait at walang gagawing masama sa akin. Pero maraming beses akong nasasawi... Tama ba yung word ko? Kasi medyo talaga, yung you think ang mga tao sincere, tapos nagte-take advantage sa 'yo," pagtatapos ni Dra. Belo.

2.22.2009

Van Dolph's Advice to Alma Moreno


photocredit: the professional heckler

Mark Anthony Fernandez, Alma Moreno's son to Rudy Fernandez, expressed his happiness for his mom after her marriage with Marawi City,Sultan Fahad “Pre” Salic.

So was her son to Dolphy, Van Dolph.

"After all na pinagdaanan niya sa buhay niya, e, nakatayo pa rin siya, tapos may dumating na knight in shining armor, e, why not?" he reasoned out.



After saying his piece, the Quizon in Vandolph couldn't help but make a joke.



"Ito bilin lang, ha. Kasi, nagka-Luzon ka na, tapos ngayon Mindanao. Mayor ng Paranaque [Joey Marquez], tapos ngayon mayor ng Marawi. Huwag ka na mag-Visayas. Baka gayahin mo yung Eat Bulaga!, e, 'Mula Aparri, hanggang Jolo!' Joke lang! I love you, 'Ma!"



Meanwhile, Startalk also asked Vandolph and his wife Jenny Salimao about their visit to St. Luke's Hospital for her ultrasound. According to Jenny's obygyne, Jenny is doing fine and the baby is doing good as well. The couple are expecting a baby boy.

Dr. VICKI BELO STILL DEFENDS HAYDEN KHO




KRIS AQUINO who had a falling out with Dr. Vicki Belo because of the James-Hope incident in 2007 reconciled with her for the sake of their new program.
She interviewed Dr. Vicki Belo about her affair with Hayden Kho.

Why is she still defensive when it comes to Hayden Kho.

Kris: Diretsong tanong, mula nang makabalik ka, nag-usap na ba kayo?

Dra. Belo: Yeah, nag-usap naman kami. So, as a friend... I mean, there's no romance or anything.



Kris: At this point in your life, kumusta ka magmahal?

Dra. Belo: Magmahal? I think sobrang galing ako magmahal, so I've been told. But everybody realize how sobrang galing I make mahal when I leave. But the thing that I learned this time, kasi of course I've been seeing a psychologist, wala na akong ego, my God, if I'm going to get help, di ba?



Kris: Doktora, when you said when you leave, dun nila nare-realize. So ikaw yung umiwan?

Dra. Belo: Ako ang umiwan? Dapat naman, di ba? Ha! Ha!Ha! Ang weird kasi nung nangyari, di ba? Hindi naman iniwanan. Nawala lang siya, di ba? Because after he got hospitalized, he was incommunicado for about two and a half weeks, di ba, so wala. That's the time to get over it. He got out [of the hospital] because of Christmas. And I even went to his place pa when we went to the–



Kris: So after the hospital, anong naramdaman mo nung time na yun?

Dra. Belo: Alam mo mixed, e, kasi ang daming lumabas na kuwento na hindi ko naman alam. At the same time, for him to do things like that, I mean a lot of people think that it was a fake suicide. But actually, I talked to the toxicologist and he had three times the amount of the toxic dose, so he should have died. Ahm, he took a lot of valiums...he took 300mg of valium, and the toxic dose is 100, so he should have been dead.



Kris: Baka hindi hinaluan ng alak?

Dra. Belo: No, he was drinking before that.



Kris: Di ba, they always say na lethal ang combination ng valium at ng alak, 300 so that means 30?

Dra. Belo: Thirty tablets of 10 mg, may 5, di ba? That's why he was out three to five days, he wasn't awake. So they were so scared baka may brain damage, nag-EEG, nag-CTs scan.



Kris: I'll ask a question and you can choose to answer or not. Did you pay for the hospital?

Dra. Belo: Ah no, he paid. Because he had money with me. I owed him money. I owed him money.



Kris: Ah? Ikaw ang may utang?

Dra. Belo: Umuutang ako minsan.



Kris: Doktora Vicki ha, ano...



Dra. Belo: Hindi talaga, may utang ako sa kanya because he paid for some things and so I had the money with me.



Kris: So you mean binayaran mo? Sinettle mo?



Dra. Belo: Actually, he had 500 thousand with me. So the hospitalization was something like 300...



Kris: So, nanggaling yun sa perang inutang mo sa kanya? So binayaran mo?

Dra. Belo: Yung 200 thousand. Yung 100 thousand itinago ko para sa psychologist niya, ganun. Kasi I want to make sure he goes. And then the other 100 thousand, ibinayad ko sa parents niya. In front of his parents naman, so that they could buy whatever medicines that he needed to buy, di ba? What the psychologist said was I should not help him at all kasi I spoiled him and I super pampered him. So the way he kinda lost himself, he felt inadequate. Like when I gave him something for example, he gave me a Patek Philippe (an expensive watch) for Christmas.



Kris: When was that, what year?

Dra. Belo: Two years ago.



Kris: Patek 24?

Dra. Belo: The one that's always in the magazines.



Kris: Wait, stainless or white gold?

Dra. Belo: White gold.



Kris: White gold? No way, doktora! Ang mahal! I don't even have the white gold, I only have the stainless steel!

Dra. Belo: And I never bought one ever because Patek is too mahal for the simplicity of it.



Kris: Anong binili mo?

Dra. Belo: Binilhan ko siya ng kotse, di ba?



Kris: Huh!

Dra. Belo: So binilhan ko siya ng (Porsche) Cayenne.



Kris: Ohh!

Dra. Belo: Kaya pala hindi siya masaya kasi parang nasapawan ang gift niya na sinave niya na hindi ko naman naiintindihan yung ganun. E, feeling exchange gift.



Kris: O, asan yung Cayenne?

Dra. Belo: Binalik niya! Oh, I'm so very proud he gave it back.



Kris: So where is it now?

Dra. Belo: It's in the garage.



Kris: Oh, talaga?

Dra. Belo: Sabi ko sa kanya, 'Alam mo, hindi ako the type of person to give you a gift tapos babawiin ko rin naman, di ba? So yours na 'yan. Then he said, 'I don't deserve it.'



Kris: Nakapangalan ba sa kanya?

Dra. Belo: No, it's in the name of the company.


NOTE: PAANO MAGIGING REGALO YON KUNG NAKAPANGALAN SA BUSINESS. Wala sa kanya ang titulo kaya lainganang talagang ibalik.
Kris: Doktora, eto ang tanong, niyaya kang pakasal?

Dra. Belo: He's been asking me naman.



Kris: When?

Dra. Belo: For about a year, he was asking. But it's so hard kasi he's so young, di ba? In my mind kasi, when I– First of all, I never expected to get into a relationship with him.



Kris: May condo, di ba?

Dra. Belo: Here in Makati, Legaspi Village. But it was, because wala. Where will we meet? So I said, get na lang, let's get a condo so you can stay there and ano, that was it. But it was never given to him.

2.21.2009

WILLIE REVILLAME'S WEALTH

Who is wealthier Manny Pacquaio or Willie Revillame?

Willie Revillame has everything, luxury cars, vacation houses, a yacht and houses.

He refused to compare himself with Manny Pacquiao.

This is from the interview with Kris Aquino in their new program, Showbiz News Ngayon.


"
Mahirap i-compare ang money ko kay Manny kasi ang pera ni Manny ay million dollars 'yan," Willie explained. "Ako kasi, akala lang mayaman ako kasi mahilig lang akong bumili ng kotseng mamahalin. Pero lahat ng ito pinag-iipunan ko para makabili."

In Kris Aquino’s exclusive interview with Willie for Showbiz News Ngayon, the host relates how he started in the business with nothing at all.

He shared that his mother had a difficult life and his father used to be a district engineer in Nueva Ecija.

With unwed parents, Willie grew up independently living with relatives when his mom and dad had families of their own.

"Hindi kasal ang nanay at tatay ko e, so illegitimate ako…'yung wala, 'yung pamilya ko. Hanggang ngayon wala pa rin. Meron na nito (yaman) pero wala pa rin (lahat). Namatay ang tatay ko hindi niya ako nakitang masaya. 'Yung nanay ko medyo siya 'yung sinusuwerte ngayon, pero wala pa rin 'yung pamilyang buo. If you'll notice, ako lang parati at sila laging wala."

Willie recalled when was new in showbiz, he had to ask financial help from celebrities, citing Sharon Cuneta, Aga Muhlach and Bong Revilla to name only a few.

He even revealed how the Megastar once gave him a check and told him not to pay for the amount because he is a good man.

SHARON CUNETA-NO SHOW IN JINGGOY ESTRADA'S BIRTHDAY PARTY


SHARON CUNETA did not attend the birthday party of Jinggoy Estrada. Was it because Gabby Concepcion came and danced with Jackie Ejercito? And i thought they are already friends?

Na-miss ng mga bisita ang presence ni Gretchen Barretto na invited noong isang taon at pinag-usapan dahil may eksena sila ng kanyang Papa Tonyboy Cojuangco na talagang pinagpistahan ng mga reporters at photographers.

Nakunan din ng Startalk si Gabby Concepcion na nakikipagsayaw kay Jackie Ejercito. Naaliw ang mga bisita kay Gabby dahil sooooooo graceful ang pagsayaw nito. Graceful talaga si Gabby kaya nga nakarelasyon siya noon ni Grace Ibuna ‘no!

Inabangan ng mga reporters ang pagdating ni Sharon Cuneta dahil hoping sila na makunan ng litrato at mainterbyu na magkasama ang Megastar at si Gabby. Umuwi sila na bigo dahil walang Sharon na lumitaw.

2.20.2009

JOEY MARQUEZ, HAPPY FOR ALMA MORENO



When asked what he felt on his ex-wife ALMA MORENO's marriage to a mayor in the South, JOEY MARQUEZ expressed that he's happy for her.



As in the case of wives left out of the latest goings-on in her mate’s life, Joey Marquez was among the last to know about his ex-wife Alma Moreno’s reported marriage to a Muslim royalty.

“I just read about it in the papers and then I called Ness (for Vanessa Lacsamana, Alma’s real name),” Joey told Funfare. “She confirmed it. And I told her, ‘I’m happy for you! Very good.’”

According to sketchy reports, Alma, who is in her early ’50s, became the second wife of the 43-year-old mayor of a Mindanao town at civil rites held in Cebu last Jan. 25. As a Councilor of Parañaque City, Alma would often cross paths with the mayor during the conventions of local officials.

If she did get married, it is her second, the first having been to Joey by whom she has four children, aside from two others, Mark Anthony Fernandez (by the late Rudy Fernandez) and Vandolph (by Dolphy). The marriage was annulled a few years ago when Joey finished his (third) term as Mayor of Parañaque City.

“I have no time for love,” Alma often said (easier said than done, it turned out, even if she was openly dating a few other guys including actor Gerald Madrid who helped campaign for her in the 2007 elections.

Keema Reeves, Poor Again?




Boy Abunda came to the defense of his talent Keanna Reeves who is rumored to have gone back to her former profession just so she can meet payments for her condo.



Maraming mga isyu sa mga stars ang nabibigyan ng linaw sa show, tulad ng sinasabing paghihikahos ni Keanna Reeves na nagtulak sa kanya para raw balikan ang pagiging escort girl niya.

“Hindi ako naniniwala dito. Marami siyang ari-arian na pwedeng ipagbili kung gugustuhin niya. Meron din siyang apat na stalls na bawat isa ay nagneneto ng kulang sa isang libo araw-araw. Pwede na siyang mabuhay ng komportable. Meron din siyang boyfriend, mahihiya siya rito na balikan ang dating trabaho.

“Marunong dumiskarte si Keanna, ito ang maipupuri ko sa kanya. Ipinagpalit niya ang premyo niyang bahay sa Pinoy Big Brother sa isang condo unit, magdaragdag lamang siya ng tatlong milyon. Pero nahirapan siyang bayaran ito kaya kinausap niya ang may-ari na pumayag na i-waive niya ang interest at hulugan na lamang yung principal amount. Yung utang niya ay pinayagan muli ng may-ari ng condo na bayaran na lamang niya ng kanyang serbisyo, ieendorso niya ito at lalabas siya sa mga ispesyal na okasyon ng kumpanya ng may-ari.

“Keanna has learned her lessons, hindi kasi siya naging maingat nung kasikatan niya but she has been humbled by the experience. Ito ang maganda sa kanya, marunong siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali,” pagtatanggol ni Boy sa kanyang alaga.

Will Ai-Ai delas Alas and Ruffa Gutierrez's show beat SIS in rating?

So many ABS-CbN shows had come and go during the mid-morning time slot like Talk TV, Morning with Kris and Korina, Today with Kris, yung tambalan nina Roderick Paulate at Amy Perez, Homeboy ni Boy Abunda at ang Boy and Kris but Sis of GMA7 is still going strong in its eight year this coming August.

Sa darating na Agosto ay magwa-walong taon na sa ere ang longest-running mid-morning show ng GMA 7 na SiS ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kasama si Carmina Villaroel.

At sa almost eight years ng SiS, iba’t ibang programa na ang kanilang nakatapat sa ABS-CBN tulad ng Talk TV, Morning with Kris and Korina, Today with Kris, yung tambalan nina Roderick Paulate at Amy Perez, Homeboy ni Boy Abunda at ang Boy and Kris.

Noong nakaraang Pebrero 16, isang bagong programa ang hinandog ng Dos, ang Ruffa & Ai na sina Ruffa Gutierrez at AiAi de las Alas naman ang mga hosts. Bagong putahe, bagong format at bagong set of hosts.

Ang tambalan na kaya nina Ruffa at AiAi ang magpapataob kina Janice, Gelli at Carmina in terms of ratings?

“Alam n’yo, we’re not here to compete with anyone,” ani Gelli na siyang pinakabagong celebrity endorser ng Asia Yaosho, isang convenience store na nagbebenta ng mga Filipino products sa Japan.

“Pareho kong kumare at kaibigan sina Ruffa at AiAi at masaya ako para sa kanila. Masaya kami sa ginagawa namin at napapasaya rin namin ang maraming tao sa pamamagitan ng programa namin. Ayaw naming magpa-pressure just because may bagong programa sa kabila. The more the merrier, ’di ba?

2.19.2009

Marian Rivera explained the rating of the Babaeng hinugot sa aking tadyang

Was it really because the viewera did not like the role of Marian Rivera in Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang so that it failed to get a top rating or the publicity to repair her negative image did not work.


ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG. Alam ba ni Marian na kung may nagkakagusto sa role at character niya sa soap nila ni Dingdong ay mayroon ding may ayaw?

"Naiintindihan ko na hindi lahat gusto si Proserfina," sabi niya. "Pero gaya ng sinabi ko, sa next episodes, ipalalabas ang back story ni Proserfina at maiintindihan at mamahalin nila si Proserfina, Malapit na yun."


Kumpara sa Marimar at Dyesebel, hindi ganoon kataas ang rating ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at hindi umayon sa expectations ng iba. Disappointed din ba sila ni Dingdong?


"Gusto ko lang sabihin na kami ni Dingdong at Direk Joyce [Bernal] ay hindi iniisip na dapat number one kami. Ang importante sa amin, nagawa namin nang maayos ang aming trabaho at mahal namin ang aming trabaho. Ang importante sa akin, tinatawag akong Proserfina at nagugustuhan ng iba kung sino si Proserfina.


"Importante rin na napapaligaya namin ang sumusubaybay sa soap namin. At least, nag-try kami ni Dingdong ng ibang character at open ako na hindi namin mapi-please lahat ng tao. Naniniwala ako sa project, matagal pa ang itatakbo ng istorya at sigurado kaming magugustuhan ng tao ang mapapanood nila sa mga next episodes," saad ni Marian.


Tuwang-tuwa si Marian sa na-point out na nakikipagsabayan siya sa paseksihan kina Angelu de Leon at Carlene Aguilar. Sinusunod lang daw niya si Direk Joyce at kung ano ang nasa script, gaya noong face-off nila ni Angelu in their swimsuits.

Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo living-in?





Boy Abunda expressed his disapproval on the rumored live-in arrangement of lovers, Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo.



Sa isang pakikipag-usap kay Boy Abunda mata­pos ang live episode nila ng SNN o Showbiz News Ngayon nung Miyerkules ng gabi, nilinaw nito ang isa sa mga isyu na tinalakay nila ni Kris Aquino sa kani­lang three day old program, ang balitang pagli-live in ng isa niyang alaga na si Mariel Rodriguez sa boy­friend nitong si Zanjoe Marudo.

“Opinyon ko lang ito dahil ayaw kong makialam sa personal niyang buhay. Pero, kung ako ang tata­nungin ayaw ko. At sinabi rin naman ni Mariel na ayaw din niya.

“Ang sinabi ko lamang kay Mariel at ito ay nung nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni Zanjoe ay ayaw ko na parang naghahabol siya kay Zanjoe, salita siya nang salita pero si Zanjoe, walang sinasabi, tahimik lang. Sabi ko kung may dapat magsalita tungkol sa kanilang relasyon, si Zanjoe yun.”

Nina claimed that Nyoy owed her more than a million

Nina and Nyoy were former lovers. Then they split. Nina claimed that Nyoy had borrowed more than a million from her even before they were an item.

Here is her confession from PEP:

"Hindi pa kami item noon," sagot ni Nina. "January 2005...parang I was at the airport with Nyoy, lumapit siya sa akin. And yun, he was borrowing money."

Magkano yung hiniram?

"Six-hundred thousand [pesos]. His mom needs the money daw. Pero siyempre, hindi ko na inalam kung saan gagamitin. Ang pinaka-explanation lang niya, sinabi niya sa akin is they have to come up with the sum of money to invest in some kind of parang stock to get the interest,"


Ilang days bago mo ibinigay yung pera?

"That same day. May pinirmahan agad akong withdrawal slip."

May promise ba si Nyoy kung kailan siya babayaran?


"After a week," sagot ni Nina.

Pero hindi naman daw nagawang bayaran ni Nyoy si Nina nung dumating ang araw na ipinangako nito.


"Naisip ko, sabi ko, bakit nga ba hindi ako nabayaran nung time na yun? Parang naging kami na yata after a week or two weeks. Although, nasingil ko naman yung iba. Ang sabi lang kasi sa akin, 'Kung gusto mo i-invest na lang natin ito sa ganyan para magkaroon ng interest.' Sabi nung mom niya sa akin," kuwento niya.

Ang utang ni Nyoy kay Nina ay nadagdagan pa raw.


"Pakonti-konti actually ang hiram niya sa akin. May 30,000, may 50,000..." Hanggang umabot na raw ito sa P1.4 million.

"Kasi mayroon pang dollars, e."
ung naghiwalay na raw sila ay sinisingil ni Nina si Nyoy.

"Sabi ko sa kanya, 'Paano na pala yung money na hiniram mo sa akin? Sabi ni Nyoy, 'Hindi, sasabihin ko sa mommy ko na bayaran ka na.' Hindi na kami nag-usap. Tapos, I left it all out to my mom. Hindi naman talaga aabot sa demandahan or whatever kung nakiki-cooperate sila sa mom ko, e."

So, siningil ng mommy ni Nina sina Nyoy?

"The mom of Nyoy gave my mom a check. Yung whole amount, pero post-dated. Sabi niya, 'Huwag n'yo munang i-deposit hangga't hindi ko sinasabi.' And then, nung dumating yung pinag-usapang day, pinasok namin, pero walang pondo," kuwento ni Nina.


Year 2007 daw nangyari yun. Noong 2008 ay nagsampa na ng kaso si Nina sa pagtalbog ng tseke na ibinayad sa kanya.

"Basta ang tagal nung process. Tapos, nagkaroon ng agreement na parang monthly na lang nila babayaran."


Who signed the agreement?

"Ako din, 'tsaka yung mommy ko and the mom of Nyoy."

Nagkaroon naman daw ng bayaran at umabot na lang sa P1.1 million ang utang ni Nyoy kay Nina. Pero nang nag-isyu ulit ng tseke ang mommy ni Nyoy ay tumalbog ulit ito.


Ano ang na-feel ni Nina nang mag-isyu ulit sila ng talbog na tseke?


"Na-shock ako. Parang, 'Ha, totoo ba ito?' Kasi alam naman nila na pag nag-bounce ulit yung check nila, e, estafa na talaga yung puwedeng ma-file sa kanila. Wala na kaming magagawa but to file another case."


Sa tingin ba niya ay minahal siya ni Nyoy o ginamit lang siya?


"Hindi ko masasagot. Hindi ko alam, e," naluluhang sagot ni Nina.

Sabi ni Kris, ang pagkakaalam daw ng publiko kaya sila naghiwalay ni Nyoy ay dahil nangaliwa si Nina. Hindi raw naman alam ng publiko na may financial aspect pa lang involved.


Diretsong tanong, did you cheat on Nyoy?

"No!" mabilis na sagot ni Nina.

There was no other guy that came along?


"No! The guy came after we split up."

Why did you split up? Ikaw ba ang nakipag-split?

"A lot of things na lang that is between me and Nyoy," iwas ni Nina.

Malaking factor ba yung pera?

"Siguro."


Ano ang natutunan niya sa naging relasyon nila ni Nyoy?


"Huwag nang magpautang!" natatawang sagot ni Nina.

2.17.2009

Ai-Ai allergic to Gabby Concepcion





Ai-Ai delas alas sneezed a lot during the interview with Gabby Concepcion in her new talk show with Ruffa Gutierrez. Did Gabby think it was intentional?


Ang pagdududa ni Gabby Concepcion na sinadya ni AiAi delas Alas ang pag-hatsing noong Lunes. Hiyang-hiya si AiAi kay Gabby dahil hindi niya napigilan ang sarili na mapa-hatsing ng maraming beses.

ALMA MORENO, MARRIED AGAIN?


There has been denial that Alma Moreno tied the knot again with a politician from Mindanao. But news confirmed that there is indeed a wedding.




Ang denial na nagpakasal si Alma Moreno sa isang pulitiko mula sa Mindanao. Totoo ang balita dahil kinum­pirma ito ng malalapit kay Alma Moreno. Pakakasalan ng lalake si Alma at ito ang pangalawang beses na pag­pa­pakasal ng dating sexy star. Si Joey Marquez ang huling lalake na pinakasalan ni Alma.

2.16.2009

Sam Milby does not care if Anne Curtis has a new love

Sam Milby said that it is not his business if Anne Curtis is seeing a new guy but when asked if thete is a possibility of reconciliation, he said none because she had already moved on. Isn't that contradictory.



Actor-singer Sam Milby finally broke his silence on the issue that his former sweetheart Anne Curtis was seen dating and kissing a guy at a bar in Makati.

In an interview on ABS-CBN’s newest entertainment show “SNN: Showbiz News Ngayon” hosted by Kris Aquino and Boy Abunda, Milby said he has nothing to say about Curtis’ rumored romance with a new guy.

“Honestly it’s not my business. Kung ano ang ginagawa niya sa buhay niya really it’s not my business,” Milby said.

Asked if a reconciliation between him and Curtis would still be possible, the actor replied: “Why would I wait for someone who has already moved on. It's not really fair for myself.”

He added that he is now focused on his career particularly his upcoming concert with fellow pop icons Mark Bautista, Christian Bautista, Erik Santos and Piolo Pascual.

Meanwhile, Curtis just laughed off the issue that she was allegedly spotted kissing unidentified guy while having a good time with some of her showbiz friends.

“Oh my gosh! Nakakatawa naman ‘yon. Now that I have circle (of friends) hindi naman maiiwasan na I will get introduced to other people. And maybe it will even reach a point na I will start dating again,” she ended.

2.15.2009

Gretchen Barreto's Show Axed


Gretchen Barreto's You and Me Against the World was axed despite it's one million prize give-away weekly. What has gone wrong?

Sayang naman at namaalam na ang You & Me Against the World sa ere. Maganda pa naman sana ang concept ng show. In fairness, okay namang host si Gretchen Barretto.

Ganun naman sa TV, ‘di mo alam kung ano ang gusto ng mga manonood. Minsan matagal bago nila matanggap ang isang palabas. Kung maikli ang pisi ng producer, lalo’t blocktimer, bibigay talaga siya. Kung network naman ang nag-produce at hindi naibenta ng husto sa mga advertisers, ‘di rin magtatagal. Eh, si Gretchen gusto pa naman daw mamigay lagi ng P1M weekly.

Oh well, Gretchen, marami pang pagkakataon, pasasaan ba’t makakatagpo ka rin ng isang hit show.

John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo's new Film


You know when a movie is a hit. The producers do not waste time to produce another one with the same love team. John Lloyd's and Sarah Geronimo's movie, A Very Special Love was a blockbuster so that a new movie is going to be shown for the adoring fans of the two entitled "You Changed My Life".

I like both of them.


Ngayon pa lamang ay inaasahan nang dudu­mugin ang sequel ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ang You Changed My Life, kahit maiksi pa lang trailer nito ang napa­panood at isang music video lamang.

In fact, bitin na bitin na ang mga fans, lalo na yung kay Sarah, na ma­kita kung finally ay umayag na itong magkaroon ng kissing scene. Mag-boyfriend na kasi sila ni Lloydie sa movie at hindi naman siguro realistic kung magyayakapan lang sila at maghahawakan ng kamay sa kabuuan ng pelikula.

Pero, hindi lamang ang movie ang ibinibitin ng Star Cinema para mas lalong maging exciting ito kundi maging ang mga eksena ng dalawang major stars. Kaya kahit next week pa ang showing nito, ang excitement ay lalong nada­ragdagan.

Matatandaan na ang A Very Special Love ay walang trailer but only a music video. Kaya naman nasabik ang mga manonood na naging dahilan para panoorin nila ng hindi lamang miminsan ang movie.

Ruffa Gutierrez denied that the guy is her boyfriend


Why do writers have to conclude that there is already something going on with the actress of she is seen in the company of others ?


Ruffa Gutierrez is denying that the man whose arm was wrapped around on her shoulder is not her boyfriend and she hardly knows him. Argh.




Ay hindi naman pala boyfriend ni Ruffa Gutierrez ang nakaakbay sa kanyang lalaki sa photo na nag-circulate sa internet. Hindi nga niya sure kung straight o bading ba ito dahil kasamahan pala ito ni BB Gandanghari na ngayon ay isang certified Binibini (BB) na nagkataong nagpakuha lang ng photo dahil sa kanyang mga kasama.

Naaliw nga raw si Ruffa dahil ang tanging nasabi lang niya sa lalaking nakaakbay sa kanya sa nasabing photo ay ‘what do you do.’

Kuwento ng aktres sa The Buzz kahapon, kasama raw niya that time ang stylist na si Monet Lu at ang kasamahan sa trabahong si Jun Lalin nang lumapit ang nasabing guy pero iba na ang naging kuwento.

Ang objective raw talaga ng trip niya sa Amerika ay para ayusin ang passport ng dalawa niyang anak na sina Venice at Lorin dahil ayaw daw pumirma ng dati niyang asawang si Yilmaz Bektas eh expired na ang passport ng dalawa. Naging ok naman daw ang trip niya dahil nabigyan ng dual citizenship ang dalawa niyang anak.


source

2.14.2009

Mark Fernandez is doing great


One thing that I admired in Rudy Fernandez was when he did not give up on Mark Fernandez when he was still on drugs.

Now, if he could only see Mark Fernandez, he would be very happy that his son is doing great in his career.


Nakakwentuhan din namin si Mark Anthony Fernandez na kapareha ni Heart sa Luna Mystika. Natutuwa ito dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto sa GMA 7 at nakalinya na ang All About Eve kung saan si Iza Calzado naman ang kanyang leading lady. Nakakontrata na siya exclusively sa Siete hanggang 2010.

Pangarap ni Mark Anthony na makakuha ng acting award. Naibahagi niya na minsan na siyang nakaranas ng sobrang depression at minsan ay naisip na ayaw na niyang gumising.

“Naging nominado kasi ako sa pelikulang Mangarap Ka with Claudine Barretto. I was the youngest nominee noon, 16 years old lang at akala ko, matatanggap ko ang Best Actor Award pero naibigay ’yon kay Richard Gomez for Dahas.

Angel Locsin visited by Sam and Piolo in the hospital


Angel Locsin was hospitalized for days becaudr of dengue. Aside from Luis Manzano, she got visited by Sam Milby who came during the night and Piolo Pascual who came in the afternoon.

Isn't she lucky?


Magaling na si Angel Locsin at habang nag­hihintay pa sa proyekto na gagawin sa Dos kasama sina Diether Ocampo at Sam Milby ay abala ito sa shoot ng dalawang komersyal na ni-renew nito, ayon kay Ela Colmenares (nakata­tandang kapatid ng aktres) nang aming dalawin sa magara nilang tahanan.

Mabilis namang gumaling si Angel at mabuti na lang at naagapan ang dumapo sa kanyang dengue. Halos araw-araw ay nasa kanyang tabi si Luis Manzano.

Kwento pa ni Ela, sa hatinggabi dumadalaw sa ospital sina Sam Milby at iba pang sikat na artista. Pero si Piolo Pascual kung dumalaw ay hapon pero hindi nakikilala o pinagkakaguluhan dahil mabilis itong lumakad at nakatabing sa mukha ang kanyang sombrero.

Blind Item no more- Dina Bonnevie to be boycotted by the GROs



In the blind item, the news said that a multi-awarded actress insulted a GRO.
The multi-awarded actress is Dina Bonnevie.

Here is the news:

Nagtatampo kay Dina Bonnevie ang mga GROs (guest relation officers) dahil sa panglalait na ginawa niya sa isang GRO na binastos ng kanyang business partner na Syrian national.

Hurt ang mga GROs sa sinabi ni Dina na bago maghain ng kaso ang GRO, tingnan muna nito ang uri ng kanyang trabaho. Parang hindi raw naranasan ni Dina na gumanap na GRO sa kanyang past movies.

Hindi lamang ang mga GROs ang nasaktan sa panghuhusga na ginawa ni Dina. Hurt din ang mga kababayan natin na nainsulto sa kanyang naging aksyon. Nabawasan ang mga tagahanga ni Dina. Nagbanta sila na iboboykot ang mga TV shows at product endorsements ni Dina.

Blind ITem no more-Gabby Concepcion


A day ago, blind item featured the news about a controversial actor running in 2010.

Now this news:

Ang imbitasyon kay Gabby Concepcion na kumandidato sa eleksyon ng 2010. Sinubukan na noon ni Gabby na pu­masok sa pulitika ngunit natalo siya.


Many actors and actresses run for elective positions and they lost. They are more popular than Gabby Concepcion; to name a few, we have Christopher de Leon, Richard Gomez and Cesar Montano. Even Manny Pacquiao lost in his hometown.

2.13.2009

Blind item no more? Congressman and Actress always together

A day ago, news about a young Congressman is attracted to an actress. This news identified the actress but not the congressman from the South.

Who is your guess?

Meron bang something between Valerie Con­cepcion at isang bagets na Congressman from South? Ang dami kasing nagi-e mail at may nag-react sa feedback tungkol sa kanila na kesyo nakikita raw silang magkasama sa isang resort.

Hmmm, lately ko lang narinig ang issue ha.

May asawa ang sinasabi nilang congressman pero bagets pa.

Blind Item-Multi-awarded Actress Insults a GRO

I've been guessing who this actress can be. What's your guess?

Multi-awarded actress nanglait ng GRO


MANILA, Philippines - Isang guest relation officer ang inalipusta at hinamak umano ng isang multi-awarded actress makaraang ireklamo niya sa pulisya ang isang Syrian national na nangagat sa kanya sa isang bar sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat kahapon, iniimbestigahan ng pulisya ang 38 anyos na Syrian national na si Hissan Sarmini sa loob ng Makati Police Community Precint 9 nang biglang dumating sa presinto ang aktres.

“Galit na galit ang actress at pinagsabihan pa kami nito na dapat munang tingnan ng biktima ang uri ng kanyang trabaho bago siya maghain ng kaso,” sabi ng isang pulis.

Tumanggi ang imbestigador na pangalanan ang aktres. Sinasabing si Hissan ay empleyado ng isang business partner ng aktres.

Sinasabing galit na galit ang aktres nang pumasok sa presinto at pinagalitan ang GRO na si Rica del Rosario. Naunang nagsampa si del Rosario ng kasong physical injury laban kay Hissan.

Sinabihan ng aktres si del Rosario na wala itong karapatang magreklamo dahil binabayaran ito para magserbisyo sa mga kustomer nito sa Wowow Bar sa Barangay Poblacion, Makati City.

Ayon sa ilang empleyado sa presinto, maging ang kanilang desk officer ay pinagalitan din ng aktres.

2.12.2009

Ruffa Gutierrez got a boyfriend?

Is the news about the supposed to be boyfriend of Ruffa Gutierrez, mere publicity to drum up the new program of Ruffa Gutierrez and Ai-Ai delas Alas this coming Monday, February 16, 2009.

Was she in Los Angeles the past weeks?

Here is the news:


Since she broke up with Yilmaz Bektas, Ruffa Gutierrez hasn’t been seen (that is, caught on camera) with a “most probable” date — until three weeks ago, that is.

According to Funfare’s Agent Olca, Ruffa was introduced by a mutual friend to a dashing 6’2" Polish-Persian-American named John Faizad who got so smitten with Ruffa that he followed her to L.A. John, 30, is said to be working in an entertainment- consulting firm. Like Ruffa, he just got out of a seven-year “committed” relationship and is, well, “searching.” During a dinner with friends at Sky Car on Sunset Boulevard in L.A., John was “over-protective” toward Ruffa.

But in an interview with Funfare yesterday for her and Ai-Ai delas Alas’ new daily show on ABS-CBN, Ruffa & Ai (which premieres on Monday, Feb. 16, 10:15 a.m., Ruffa insisted that she is “loveless” (while the divorce case between her and Yilmaz is pending).

2.11.2009

Carla Abellana is Rosalinda

If GMA7 is not influenced by pro-Marian Rivera, the role of Rosalinda is going to be awarded to Carla Abellana.

This early, intrigues between the two are being cooked up.



Nakausap ng isang executive ng GMA 7 si Carla Abellana at itinanggi nitong nag-comment siya ng hindi maganda laban kay Marian Rivera. Ang totoo’y hanga siya sa aktres at sa trade party ng network, nagpakuha pa siya ng litrato kasama ito.

Timing ang paglilinaw ni Carla sa issue dahil may ilang fans si Marian na nagalit sa kanya dahil sa comment niyang “cum laude ako,” nang banggitin na pareho silang graduate ng La Salle. Na-misinterpret lang daw siya.

Middle of this year gagawin ni Carla ang Rosalinda at sasailalim siya ng acting workshop. Pinipili na ang makakapareha niya at walang dapat ikabahala ang naligalig na mga fans nina Marian at Dingdong Dantes dahil hindi raw ang aktor ang ipapareha kay Carla.

JUDY ANN SANTOS MAKIKIPAGSAPALARAN?



I really do not know what kind of title does German Moreno use to attract the readers like this.
Juday makikipagsapalaran sa pagpapakasal kay Ryan


It connotes something like Ryan is a high risk for marriage. sheesh.


Trenta na si Juday. Tatanda na siyang dalaga kapag hindi pa natin siya hina­yaang makasal kay Ryan Agoncillo. Balitang-balita na kasi ang nakatakdang pagpapakasal nila sa taong ito, inuuna lamang nilang tapusin ang kanilang ipinagagawang bahay pero, pagkatapos nito, “Here comes the bride” na!

Intindihin na lamang natin kung pinaka-apektado sa magaganap na kasalan ang mommy ni Juday na si Mommy Carol. Matagal nga naman nitong nakasama ang kanyang anak. Maninibago siya kapag nawala ito. Pero puwede naman niyang dalawin si Juday, hindi naman siguro siya pagbabawalang gawin ito.

Kaya lamang, ngayon pa lamang ay magsanay na siyang wala ang paboritong anak na artista. Susuong na ito sa isang bagong pakikipagsapalaran.

Good luck na lamang sa mga ikakasal.

MARY GRACE POE for Senator


Does Mary Grace Poe-Llamanzares think that her relationship with the deceased Fernando Poe give her the winning streak if she run for Senator in 2010. The news was floated weeks ago but the daughter of Susan Roces Poe is not sure yet.


Today’s headline has to be in question mark because even if other papers have reported “with certainty” that she is running for Senator in the 2010 elections, Mary Grace Poe-Llamanzares is in truth still in the “to be or not to be” stage.

And that’s the question: To be or not to be a candidate?

“I’m not sure yet,” Mary Grace, daughter of Da King and Susan Roces, told Funfare Update. “I was surprised when it came out in a paper that I was running when I haven’t made up my mind yet.”

Without fanfare, Mary Grace has been going around the country, sometimes alone or with the group of Pres. Erap Estrada or that of Sen. Chiz Escudero (who is also a “presidentiable”), meeting with the supporters of her late dad FPJ.

“I’m still trying to get the ‘pulse’,” she said. “Pinupulsuhan ko pa. Maybe I will make a decision middle of this year.”

As it is, Mary Grace said it’s “premature” to comment what party (Danding Cojuangco’s NPC which is grooming Chiz as its standard bearer?) she might run under if and when.

“Basta,” smiled Mary Grace, “I will make a formal announcement once I reach a decision.”

2.10.2009

BERTING LABRA DIED


BERTING LABRA who was a popular character together with FPJ and other action stars died yesterday. He was imprisoned for a number of years together with Eddie Fernandez.
He was released from prison but he never became active in the movie again except for some forgettable roles.


Namatay na kahapon ang beteranong aktor na si Berting Labra sa bahay ng kanyang anak sa Pateros. Matagal na umanong may karamdaman si Berting.

Nagsimula si Berting Labra sa Sampaguita Pictures noong 1953 at nakilala sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr.


Source

BETH TAMAYO-not separated from the husband?

beth tamayo

According to rumors, BETH TAMAYO and husband did not really part ways. They merely moved to Canada because of business problems.


May nagbalita sa aking super reliable at credible source na hindi totoong hiwalay na ang aktres na si Beth Tamayo sa asawa niyang si Mr. Johnny Wong. Ang totoo raw, nasa Canada lang ang mag-asawa para pansamantalang manirahan doon dahil nagkaroon ng problema sa negosyo ang asawa nito.

Mismong mga kaibigang negosyante raw ng mag-asawa ang nagkuwento ng tungkol sa biyahe nila sa Canada.

May mga naiwan umanong utang sa ilang kaibigan ang asawa ni Beth at malamang na umabot sa korte.

Almost a month ago nang lumabas ang kuwento na hiwalay na ang aktres na nag-alsa balutan sa tinitirhan nilang condominium ng asawa dahil sa hindi naipaliwanag na dahilan. Walang kinakausap na taga-showbiz si Beth kaya walang nakakaalam. Pero ang mga kaibigan nilang negosyante ngayon ang umano’y may alam kung nasaan sila.

Bukas ang pahinang ito sa anumang mensahe o paliwanag ng kampo ng mag-asawa.


source

Court of Appeals declared marriage of Kristine Hermosa and Diether Ocampo VOID AB INITIO


The marriage of Kristine Hermosa and Diether Ocampo was declared void ab initio by the Makati City RTC on March 31, 2006.

Court of Appeals agreed with the decision of the lower court.

So does it mean the couple can now move on and marry their current loved ones. Or, they are merely doing this for their careers.



Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang hatol ng mababang hukuman na nagpawalang-bisa sa kasal sa pagitan nina Kristine Hermosa (Kristine Orille, sa tunay na buhay) at Diether Ocampo (Diether Pascual sa tunay na buhay) na isinagawa noong 2004 sa Jaen, Nueva Ecija.

Sa siyam na pahinang desisyon na ipinonente ni Associate Justice Sesinando Villon ng CA 2nd Division, ibinasura nito ang inihaing apela ng Office of the Solicitor General (OSG) na naglalayong mabaligtad ang hatol ng Makati City RTC Branch 136 noong Marso 31, 2006 na nagdeklarang void ang kasal nina Hermosa at Ocampo.

Nabatid sa desisyon na sa simula pa lamang ay itinuturing na ‘void ab initio’ o walang bisa ang kasal nilang dalawa.

Nilinaw ng CA na nakapaghain ng sapat na ebidensiya o documentary and testimonial evidence si Hermosa na nagpapatunay na ang sinasabing kasalan sa pagitan nila ni Ocampo noong Setyembre 21, 2004 sa Jaen, Nueva Ecija, na nakasaad sa kanilang Certificate of Marriage ay isinagawa ng walang kaukulang marriage license o marriage contract.

Sinabi rin ng CA na maging ang selebrasyon ng kasal ng dalawa noong Hulyo 14, 2004 sa tahanan ni Col. Edgardo Divina at V. Luna sa Quezon City ay hindi rin balido dahil sa kawalan ng marriage license.

Kinontra naman ito ng OSG na nagsusulong sa mandato nito na proteksiyunan ang interes ng estado, panatilihin ang sanctity ng kasal para mapagtibay ang pamilya bilang basic unit ng komunidad at matukoy kung may naganap na sabwatan sa pagitan ng dalawang kampo.

Gayunman, nilinaw ng CA na ang kawalan ng pangunahing rekisito sa pagpapakasal ng dalawang indibiduwal ay mahalagang elemento para sa pagpapatibay ng pag-iisang-dibdib.

“The absence of any of the essential or formal requisites shall render the marriage void ab initio...it is a hornbook doctrine that findings of facts of trial courts are entitled to great weight on appeal and should not be disturbed except for strong and valid reasons… (or) unless the trial court has overlooked or ignored some fact or circumstance of sufficient weight or significance, which, if considered, would alter the result of the case,” paliwanag pa ng appellate court.


Source

FAP Awardees Received the Awards after a long delay


The Film Academy of the Philippines (FAP) finally had the chance to give away the coveted Luna Awards to its chosen winners for the year 2007. The sit-down dinner for the guests and the awards night was held last Sunday, February 8, at the Mandarin Oriental Suites, Gateway Mall, Cubao.

FAP director general Leo Martinez told PEP that they had difficulty getting sponsors, which explains the delay of the awarding ceremony for the chosen winners.



Still, the FAP managed to conduct an organized awards night that was highlighted by the giving away of the Luna Awards as well as the miniature gold trophies called Lunettes for the nominees.



Here is the complete list of winners in the 26th Luna Awards:


Best Picture - A Love Story (Star Cinema)

Best Director - Maryo J. de los Reyes (A Love Story)

Best Actor - Paolo Contis (Banal)

Best Actress - Maricel Soriano (Bahay Kubo)

Best Supporting Actor -Dante Rivero (A Love Story)

Best Supporting Actress - Angelica Panganiban (A Love Story)

Best Screenplay - Vanessa R. Valdez (A Love Story)

Best Cinematography - Renato de Vera (Ataul for Rent)

Best Editing - Jess Navarro (Silip)

Source: PEP

Best Production Design - Rodell Cruz (Resiklo)

Best Sound - Ditoy Aguila (Ouija)

Best Musical Score - Carmina Reyes Cuya (Ouija)





Among those who attended the awards night were Paolo Contis, Angelica Panganiban (Best Supporting Actress for A Love Story), Boots Anson-Roa, who was honored with the FPJ Lifetime Achievement Award, and Dante Rivero (Best Supporting Actor for A Love Story). Serving as the hosts of the event were Gina Alajar and Robert Arevalo as well as Lorna Tolentino and Tirso Cruz III.


source: PEP

2.09.2009

Dina Bonnevie does not approve of Kristine for Oyo


If it is true that Oyo was warned by some friends of Deither about his relationship with Kristine Hermosa, does it mean that the couple have not really parted ways?

This is Dina's advice to her son.

"Huwag mong pakialaman ang hindi iyo," this is what actress Dina Bonnevie allegedly told her son, Oyo Boy Sotto, for getting linked to actress Kristine Hermosa.

The award-winning actress revealed in an interview with The Buzz, that Oyo was recently confronted by an alleged friend of Diether Ocampo (Kristine's ex-husband), telling him to leave Kristine alone.

"May nangyari nang gulo eh, may nag-confront na kay Oyo na parang, 'Hoy asawa ng kaibigan ko 'yan.' So iwas na lang, iwas gulo."

Dina however was very clear in saying that she has nothing against Kristine.

"She's a very beautiful person inside and out. Mabait siya. She's very very sweet," described Dina.

But with the recent turn of events, Dina explained that Kristine's complicated situation might bring trouble to her son.

"Sabi ko kay Oyo, 'Baka naman mapatay ka pa. Kung kini-claim nito na asawa siya ng kaibigan niya, ibig sabihin hindi pa sila annulled.'"

Dina also confirmed that Kristine has gone to their house a couple of times to visit Oyo.

"Kristine comes to the house because they're good friends," she shared. "Maybe for a while they were going out, magkaibigan sila. Kaya lang, 'yun nga eh, kung talagang para sa kanya 'di sana libre na siya (Kristine). I think they're married ‘di ba, sila ni Diether?

She also said that she is not against the idea of Oyo being with Kristine, as long as things are in their proper place.

"Siguro kay Oyo naman, ayaw naman niyang makasira ng relasyon kung talagang kasal sila, hindi tama (na maging sila ni Kristine), unless of course annulled siya (Kristine).”

Dina said that her son is very much like her, willing to do anything for love to make a relationship work.

"Pareho kami ni Oyo na like ako, I'm willing to give whatever it takes. If this is what love is, it's okay lets' do it. Kaya lang siguro there are some people, who are not up to it, na parang nagi-guilty if ever it will happen," she said.

Lorna Tolentino back to work


Lorna Tolentino lied low for a while after Rudy Fernandez' death.
Now she's ready to work even her grief is not entirely gone.

She hosted the Luna Awards together with Tirso Cruz III and Robert Arevalo.

This is about her coming projects;

Si Lorna Tolentino—along with Gina Alajar, Tirso Cruz III, and Robert Arevalo—ang nag-host ng 26th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP). Ginanap ang awards night last Sunday, February 8, sa Topaz Room ng Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City.



Nakausap ng PEP si Lorna pagkatapos ng FAP event. Kapansin-pansin na kahit ngumingiti siya ay may lungkot pa rin ang kanyang mga mata.



Naitanong sa kanya kung kailan siya magsisimulang mag-taping ng unang teleserye niyang gagawin sa ABS-CBN pagkatapos niyang lumipat from GMA-7 late last year.



"Siguro next month, kasi February na ngayon," sagot ni Lorna. "Medyo na-delay nga dahil hindi pa makabuo ng cast. Noong una kasi, sina Christopher de Leon at Gabby Concepcion daw ang makakasama ko. Pero kakatapos lang daw ni Boyet sa Kahit Isang Saglit. Kaya ngayon daw, si John Estrada na ang makakasama namin ni Gabby. Sa iba yatang project inilagay si Boyet."



Totoo bang kasama rin sa cast si Angelica Panganiban, na nanalong Best Supporting Actress sa Luna Awards para sa A Love Story?



"Hindi ko pa alam ang iba pang members ng cast, sina Gabby at John pa lang ang alam ko," sabi ni Lorna. "Pero maganda kung makakasama ko nga siya, mahusay na aktres si Angelica. Hayan nga at siya ang nanalong Best Supporting Actress. Wala pa rin yata kaming title at hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ang story ng teleserye namin. I think inaayos pa nilang mabuti ang script."



Ayon sa manager ni Lorna na si Lolit Solis nang makausap ng entertainment press, hindi pa raw handa ang aktres na magtrabaho kaya hindi pa nito masabi kung kailan siya magsisimulang mag-taping. Tinanggihan din daw ni Lorna na mag-host ng isang morning show ng ABS-CBN, kung saan makakasama niya sana sina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas.



"Hindi naman [sa hindi pa handa], ani Lorna. "Kaya lang that time na magkausap kami ni Nanay Lolit, wala pa ngang nabubuong cast. Ngayon pa lang nila sinabi na si John na nga ang isa ko pang makakasama.



"Yung talk show naman, noon ko pa sinabi na ayoko na ng showbiz talk show. At saka gusto ko, isa-isa muna. Yung teleserye na muna ang uunahin ko kasi may movie rin akong gagawin sa Star Cinema. Siguro, kung hindi March, sa April ako magsisimulang magtrabaho. Marami pa rin naman akong inaasikaso ngayon."



Natapos na ba ang ipinagagawa niyang mausoleum ng yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez sa Heritage Park?



"Hindi pa. Siguro ilang buwan pa, tapos na 'yon," sabi ni Lorna. "Yun kasing granite stones na gagamitin, in-order pa nila. May ilan din akong ipinabago habang hinihintay yung granite stones kaya hindi pa natatapos."



Kumusta naman ang itinatayo nilang Rudy Fernandez Cancer Foundation?



"Naayos na namin ang mga papers na kailangan para sa Security Exchange Commission (SEC), naayos na rin namin ang bank accounts nito at maisa-submit na rin namin ito sa kanila."



Siya ba mismo ang mamamahala sa foundation?



"Yes, pero marami kami rito. Kasama ko rin sina Senator Jinggoy [Estrada] at Senator Bong [Revilla], at iba pang kasama na alam ang pagpapatakbo ng isang foundation. Kapag naayos ito, magsisimula na kaming tumanggap ng mga taong ilalapit sa amin para matulungan ng foundation."



Nabanggit ng PEP kay Lorna ang kalagayan ng kaibigan nilang si Phillip Salvador, na nasangkot sa magkasunod na mga isyu—ang pananakit niya sa bus driver at ang estafa case nito sa businesswoman na si Cristina Decena.



"Nakakalungkot nga ang nangyayari. Sana nga ay maayos na 'yon. Kung anuman ang mangyayari, tiyak namang hindi siya pababayaan ng mga kaibigan namin," pahayag ni Lorna.

MARIAN RIVERA-gusto ang Rosalinda


The role of Rosalinda is already assigned to the daughter of Rey "PJ" Abellana.
Bakit hihingin pa ni Marian Rivera, thru her fans. Isn't she satisfied with her current teleserye or she is just insecure that Kapuso is scouting for new talents.



May lambing ang mga fans ni Marian Rivera sa management ng Kapuso. Puwede ba raw na ibigay kay Marian ang pagbibida sa Rosalinda dahil bagay sa kanya ang role na pinasikat noon ni Thalia?

Kasisimula pa lang ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Siguradong magkakaroon ng bagong project si Marian kapag natapos na ang project nila ni Dingdong Dantes.

Ang tanong, si Dingdong pa rin kaya ang makakapareha ni Marian? Napakaaga pa para pag-usapan ang next project ni Marian kaya ang payo ko sa kanyang mga fans, i-enjoy n’yo muna ang panonood sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.


Sus.

2.08.2009

Martin Nievera has a new girl friend



First, the concert of the ex-couple, MARTIN NIEVERA AND POPS FERNANDEZ was said to be successful. Second, Jomari is not jealous about the NOW VOWS of the two. Part of the show, he said.

But probably, the reason why, he's not insecure at all is because, Martin is rumored to have a new love. This must be the millionaire daughter of a former wife of a rich prince.

Here is the story about the former love team, reel and real lives.


Successful ang unang venture ng actor-turned concert producer na si Jomari Yllana sa pama­ma­gitan ng reunion pre-Valentine concert ng ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera, ang Missing You na ginanap sa Araneta Coliseum nung Biyernes (Feb. 6) ng gabi at dinirek ni Rowell San­tiago. Punum-puno ang Big Dome, isang patunay na hindi pa rin talaga nawawala ang hatak ng dating mag-asawa.

Dahil sa malaking tagumpay ng Missing You, napag-alaman namin na magkakaroon umano ng repeat concert sa susunod na buwan. Iikot din ang Missing You concert sa Amerika at sa ibang bansa sa taong ito.

Kahit si Jomari ang producer, ibinigay niya ang gabing ‘yon sa dating mag-asawa at sa kanilang mga anak na sina Robin at Ram. Practically, the concert was a family affair dahil walang ibang guest artists kundi ang dalawang anak nina Pops at Martin na parehong talented tulad ng kanilang mga magulang.

Parehong maganda ang boses nina Robin at Ram. Mahilig sa gitara si Robin at mahilig namang mag-drawing si Ram na kailangang magbawas sa kanyang timbang. Mas malalaki pa ang katawan nina Robin at Ram kumpara sa kanilang amang si Martin.

Mahigit limang taon din ang binilang bago muling nagkasama sina Pops at Martin sa isang major concert. Nung sila’y mag-asawa pa, taun-taon ay me­ron silang Valentine concert together at isa na itong yearly event hanggang sa ito’y maputol nang sila’y magkahiwalay.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay at pagkaka­roon ng kani-kanyang buhay, naroon pa rin ang magic at chemistry ng tambalan nina Pops at Martin sa entablado.

Napakaganda pa ring panoorin sina Pops at Martin na ‘naglalandian’ sa stage. Kinakagat pa rin ng audience ang kanilang biruan na animo’y hindi pa rin sila hiwalay. Sinuman ang manood sa kanila ay nakakaramdam ng panghihinayang kung bakit sila nagkahiwalay at ang iba naman ay patuloy pa ring umaasa na sana, balang araw, magkabalikan pa rin ang (dating) mag-asawa kahit pa may kani-kanya na silang buhay ngayon at may ibang karelasyon.

Kumpirmadong wala na nga sina Martin at si Katrina Ojeda (na ipinalit niya kay Pops) kung kanino siya may isang anak, si Santino. May ibang karelasyon ngayon si Martin, isang non-showbiz lady na nagngangalang Angie at halos kapitbahay lamang umano ni Pops sa Ayala-Alabang. Open naman sa publiko ang three-year-old relationship nina Pops at ex-husband ni Aiko Melendez na si Jomari Yllana
.