2.27.2009

ANGEL LOCSIN AS THE UP SCHOLAR WHO WENT CUCKOO


Angel Locsin is challenged by her role in Malaalala Mo Kaya as a student in UP who became mentally imbalanced.

As to why a girl of this high intellect lost her marbles is the topic of the story.

Angel Locsin's first Best Actress award was due to her role in one of the episodes of
Maalaala Mo Kaya.



Isa na naman natatanging pagganap ni Angel Locsin ang mapapanood sa isang mapaghamong papel bilang isang UP scholar na naging GRO at hanggang naging baliw sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Matatandaan na sa MMK nagkaroon ng unang best actress award si Angel.

Bago pa nag-taping si Angel ay nag-request siya na mag-immerse sa isang mental institution para pag-aralan ng todo ang kanyang role. Nag-interview din siya ng mga specialists tungkol sa kalagayan ng mga dinalaw niya.

“Natakot ako na gam­panan ang role ng isang baliw, pero nang mabasa ko ang script grabeng naintriga ako sa character ni Nympha.

“Bakit siya human­tong sa ganong kalaga­yan?

“Imagine, isang UP scholar na nabaliw!

Naiisip ko tuloy kung ano ang matinding dahi­lan para ang isang tao ay mabaliw, kahirapan ba, matinding trahedya?

“Kaya nag-immerse ako para maintindihan ko ang pinangga­galingan nila!”

No comments: