2.20.2009

Will Ai-Ai delas Alas and Ruffa Gutierrez's show beat SIS in rating?

So many ABS-CbN shows had come and go during the mid-morning time slot like Talk TV, Morning with Kris and Korina, Today with Kris, yung tambalan nina Roderick Paulate at Amy Perez, Homeboy ni Boy Abunda at ang Boy and Kris but Sis of GMA7 is still going strong in its eight year this coming August.

Sa darating na Agosto ay magwa-walong taon na sa ere ang longest-running mid-morning show ng GMA 7 na SiS ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kasama si Carmina Villaroel.

At sa almost eight years ng SiS, iba’t ibang programa na ang kanilang nakatapat sa ABS-CBN tulad ng Talk TV, Morning with Kris and Korina, Today with Kris, yung tambalan nina Roderick Paulate at Amy Perez, Homeboy ni Boy Abunda at ang Boy and Kris.

Noong nakaraang Pebrero 16, isang bagong programa ang hinandog ng Dos, ang Ruffa & Ai na sina Ruffa Gutierrez at AiAi de las Alas naman ang mga hosts. Bagong putahe, bagong format at bagong set of hosts.

Ang tambalan na kaya nina Ruffa at AiAi ang magpapataob kina Janice, Gelli at Carmina in terms of ratings?

“Alam n’yo, we’re not here to compete with anyone,” ani Gelli na siyang pinakabagong celebrity endorser ng Asia Yaosho, isang convenience store na nagbebenta ng mga Filipino products sa Japan.

“Pareho kong kumare at kaibigan sina Ruffa at AiAi at masaya ako para sa kanila. Masaya kami sa ginagawa namin at napapasaya rin namin ang maraming tao sa pamamagitan ng programa namin. Ayaw naming magpa-pressure just because may bagong programa sa kabila. The more the merrier, ’di ba?

No comments: