2.19.2009

Marian Rivera explained the rating of the Babaeng hinugot sa aking tadyang

Was it really because the viewera did not like the role of Marian Rivera in Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang so that it failed to get a top rating or the publicity to repair her negative image did not work.


ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG. Alam ba ni Marian na kung may nagkakagusto sa role at character niya sa soap nila ni Dingdong ay mayroon ding may ayaw?

"Naiintindihan ko na hindi lahat gusto si Proserfina," sabi niya. "Pero gaya ng sinabi ko, sa next episodes, ipalalabas ang back story ni Proserfina at maiintindihan at mamahalin nila si Proserfina, Malapit na yun."


Kumpara sa Marimar at Dyesebel, hindi ganoon kataas ang rating ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at hindi umayon sa expectations ng iba. Disappointed din ba sila ni Dingdong?


"Gusto ko lang sabihin na kami ni Dingdong at Direk Joyce [Bernal] ay hindi iniisip na dapat number one kami. Ang importante sa amin, nagawa namin nang maayos ang aming trabaho at mahal namin ang aming trabaho. Ang importante sa akin, tinatawag akong Proserfina at nagugustuhan ng iba kung sino si Proserfina.


"Importante rin na napapaligaya namin ang sumusubaybay sa soap namin. At least, nag-try kami ni Dingdong ng ibang character at open ako na hindi namin mapi-please lahat ng tao. Naniniwala ako sa project, matagal pa ang itatakbo ng istorya at sigurado kaming magugustuhan ng tao ang mapapanood nila sa mga next episodes," saad ni Marian.


Tuwang-tuwa si Marian sa na-point out na nakikipagsabayan siya sa paseksihan kina Angelu de Leon at Carlene Aguilar. Sinusunod lang daw niya si Direk Joyce at kung ano ang nasa script, gaya noong face-off nila ni Angelu in their swimsuits.

No comments: