2.10.2009

BETH TAMAYO-not separated from the husband?

beth tamayo

According to rumors, BETH TAMAYO and husband did not really part ways. They merely moved to Canada because of business problems.


May nagbalita sa aking super reliable at credible source na hindi totoong hiwalay na ang aktres na si Beth Tamayo sa asawa niyang si Mr. Johnny Wong. Ang totoo raw, nasa Canada lang ang mag-asawa para pansamantalang manirahan doon dahil nagkaroon ng problema sa negosyo ang asawa nito.

Mismong mga kaibigang negosyante raw ng mag-asawa ang nagkuwento ng tungkol sa biyahe nila sa Canada.

May mga naiwan umanong utang sa ilang kaibigan ang asawa ni Beth at malamang na umabot sa korte.

Almost a month ago nang lumabas ang kuwento na hiwalay na ang aktres na nag-alsa balutan sa tinitirhan nilang condominium ng asawa dahil sa hindi naipaliwanag na dahilan. Walang kinakausap na taga-showbiz si Beth kaya walang nakakaalam. Pero ang mga kaibigan nilang negosyante ngayon ang umano’y may alam kung nasaan sila.

Bukas ang pahinang ito sa anumang mensahe o paliwanag ng kampo ng mag-asawa.


source

No comments: