1.13.2009

More Actresses involved with Hayden Kho?

Lolit Solis herself was surprised that many more names of movie stars and beauty queens came up as the secret of the controversial boy friend of the doctor of the stars are unraveled.

Lolit Solis wrote:

Tiyak na magugulo ang showbiz ’pag ginusto ng isang actress na banggitin ang mga pangalan ng artista at celebrity na naka-fling ng isang very controversial celebrity.

Nagulat ang pinag-kuwentuhan ng actress sa mga pinangalanan nito lalo na’t ang iba sa kanila’y may mga karelasyon ngayon.

Ang nakakaloka, bukod sa kayang magsabay-sabay ng babae ang nasabing controversial celebrity, wala siyang pakialam kung taken ang mga ‘nilalandi.’ Sa dalawang beauty queens (isang foreigner at isang local) kami nagulat at may young actress pa palang involved sa isyu na ikina-shock namin ng husto.


Grabeh. At napatawad pa ha?

Among the girls involved is the current girl friend of John Estrada.

Mag-react kaya si John Estrada pag nalaman niyang kasama raw ang pangalan ng girlfriend niyang si Priscilla Mierreles sa mga maraming celebrity na binabanggit na nakarelasyon ni Hayden Kho?

Bukod sa dating beauty queen, dawit din daw ang young star na sobrang wholesome ang image na. Medyo nagulantang ako sa nabasa kong pangalan sa text ng young actress. Pero hindi naman daw nagka-affair ang dalawa at hanggang fling lang ang nangyari. Ganunpaman, muntik pa rin akong mahulog sa upuan dahil malayo sa kamalayan ko na puwede siyang makipag-flirt kay Dr. Hayden.

Siguradong marami ring masa-shock pag nalaman nila ang pangalan ng young star na ito. Wait na lang natin.

No comments: