1.12.2009

KC Concepcion hindi alam kung nasaan ang ama?


For someone who's been annoucing that they are close, how come that Gabby Concepcion and KC Concepcion did not communicate or see each other during the holidays ? Hanubayan? Kaya nga ba hindi ako naniniwala sa mga press release na mga reconciliation. Dahil kung talagang mahal ng isa ang anak o ang anak ang ama, ano ba namang maggreet ng Happy Holidays at mangumusta.

This is Lolit Solis story:

Wala pa yatang communication ang mag-amang Gabby at KC Concepcion dahil siney nito sa presscon ng When I Met U na hindi niya alam kung naririto sa Pilipinas ang kanyang ama.

Nagpunta si Gabby sa US noong December dahil gusto ni Mommy Baby Concepcion na magkakasama ang buong pamilya sa Pasko at Bagong Taon.

Malungkot si Mommy Baby dahil sa pagkamatay ni Daddy Rolly noong September 2008. Ang magkasama ang kanilang pamilya ang Christmas wish ni Mommy Baby na bumalik din sa Amerika dahil sa kanyang petition.

Mismong si Gabby ang nagkuwento sa akin tungkol sa kanilang family reunion noong December nang magkita kami sa event ni Mang Erning Lim ng Prinsesa Papaya.

No comments: