1.12.2009

Hayden Kho and Vicki Belo back together again


After the melodrama caused by the break-up, the two love birds are back to each others' arms.Gaano kaya magtatagal? Don't call him ex-boyfriend anymore.

Isang very close kay Dra. Vicki Belo ang nag-confirm sa amin na nakipagbalikan ang famous lady doctor sa kanyang young and controversial (ex) boyfriend na si Dr. Hayden Kho. Alam naman kasi ng marami kung gaano kamahal ni Dra. Belo ang kanyang kasintahan sa kabila ng mga pagkakamali nito. Na-touched marahil si Dra. Belo sa mga ipinakita ni Hayden na pinagsisihan umano nito ang kanyang ginawang pagtataksil.

Ang observation naman ng marami, hindi marahil ma-afford ni Hayden na mawala sa kanya si Dra. Belo sa rami niyang pakinabang na nakukuha sa kanyang super-yaman at napaka-popular na doctor-businesswoman-girlfriend.

Kung hindi nga naman kay Dra. Belo, baka hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam o nakakakilala kung sino si Dr. Hayden Kho. Ang feeling tuloy ng marami, ginagamit lamang ni Hayden si Dra. Belo para lamang makilala siya at makuha niya ang gusto niya.

Samantala, hindi itinatago ni Manay Lolit (kulit) Solis ang kanyang galit o tampo kay Hayden dahil sa pagsisinungaling nito sa hindi pagsipot sa live guesting sa Startalk nung nakaraang linggo. Sinabi umano ni Hayden na hindi siya makakarating sa Startalk dahil magtutungo siya ng Marinduque pero nabuking ni Manay Lolit na hindi pala ito totoo.

Super close si Manay Lolit kay Dra. Belo at natitiyak namin na gagawa ang huli ng paraan na pagbatiin niya (Dra. Belo) ang dalawang controversial figures na sina Manay Lolit at Hayden na parehong malapit sa kanyang puso. Siyempre, hindi hahayaan ni Dra. Belo na magkagalit ang dalawang tao na kapwa mahal sa kanya.

No comments: