1.12.2009

Katrina Halili on her affair with HAYDEN KHO


Dr. Vicki Belo must have really loved HAYDEN KHO when he shed crocodile ?tears to ask for her forgiveness.

This story of Katrina Halili shows that Dr. Hayden Kho will go out of his way to explain his infidelities to the girls he is romantically linked.

And myabe the reason why Hayden Kho admitted his affair with Kat rina was because he thought that Katrina talked about it with Dr. Vicki Belo.

This is from GMA7.

THE AFFAIR. Kailan sila unang nagkakilala ni Dr. Hayden Kho, ilang buwan sila tumagal at kailan ito natapos?

"2007 pa noong rehearsal para sa Celebrity Duets [kung saan kasali si Hayden sa first season]. Pinagpares kami sa isang kanta, tapos naging makulit na siya," pagsisiwalat ni Katrina.

"Alam n'yo, hopeless romantic ako, e. Nakakatawa nga, nagpupunta pa kami ni Omar kung saan-saan, naglolokohan kami, baka sa mga pinupuntahan namin makakita ako ng love ko. Tapos ‘eto siya [Hayden], dumating sa buhay ko na wala akong boyfriend.

"Alam mo naman sa pag-ibig, tanga lahat, bulag. Ang tingin ko sa kanya noon, little boy lost. Kinukulit-kulit ako sa text; ako naman napaniwala."

Sinundot namin ang explanation ni Katrina na alam niya namang sina Dr. Vicki at Hayden noon, bakit niya pa pinasok?

"Aaminin ko po tanga kasi ako sa pag-ibig," sagot niya. "Pero sana maintindihan ng lahat na iba ang kuwento sa akin ni Hayden noong panahon na yun. Ang masama pa, hindi lang naman ako noong panahon na kami, ang dami niyang babae!"

"Pupunta ako sa bahay niya, may hinahatid siyang Brazilian. Aalis ako at hahabulin niya ako mag-e-explain, kaibigan niya lang ito.

"Papunta siya sa akin, sasabihin niya may dinaanan lang muna siya. Iba pa, tatanungin ko bakit siya nagpunta doon, kasi daw friend niya ito at kinu-comfort niya.

"May nakakita sa kanya at isa pa, idinenay niya. May isa pa siyang nilalandi noon na nung tinanong ko mismo yung babae kung sila, oo daw.

"Ako ang unang lumayo," sabi ni Katrina. "Ako ang nagsabing, ‘Tama na, mali itong ginagawa natin.' Ako ang nag-correct ng kamalian ko."

THE REVELATION. Apat na buwan lang daw sila naging mag-on ni Hayden at ito ay noong 2007. Pumutok ang balita dulo ng 2008, mahigit isang taon na silang wala.

"Kaya ako nasaktan, bakit ako lang ang binulgar niya? Bakit yung sa amin ang pinag-usapan niya?" himutok ni Katrina.

Noong interbyuhin daw ni Lhar Santiago si Hayden, tinawagan niya muna si Katrina. Ang nakatanggap ng tawag, si Omar.

"Ang unang tanong sa amin, nagkuwento raw ba si Katrina," pagdurugtong ni Omar sa kuwento. "Ang sabi ko hindi, pero nag-usap na sina Dra. Vicki at Katrina, at umamin na si Katrina."

Tapos, nag-sorry raw si Hayden sa kanila, pero hindi pa nila alam kung bakit. Saka na lang nalaman kung bakit nang biglang ibinulgar ni Hayden ang sa kanila ni Katrina.

"Hindi naman ako ang pinakahuli," sabi ni Katrina. "Hindi naman ako ang nahuli, ako pa nga ang umamin kay Dra. Vicki nang tinanong na ako, bakit ako ang sinisi?"

Totoong nag-usap daw sila ni Dra. Vicki nang masinsinan, pero wala raw naging confrontation na naganap. Alam na ni Katrina na kahit ang meeting ay para sa Belo endorsement, nang pinalabas na sa kuwarto si Omar para sila na lang ang matira, naramdaman ni Katrina na si Hayden ang pag-uusapan nila
.

No comments: