1.11.2009

Angel Locsin tanggap ni Governor Vi


Whoever sez that Angel Locsin is out does not know that she will star another teleserye with Sam Milby and she has a new movie, Love ME Again with Piolo Pascual.

Besides, she is accepted by Governor Vilma Santos and Edu Manzano, the parents of her boyfriend, Luis Manzano.

Sa kabila na iniintriga si Angel Locsin na lumam­lam ang career nito magmula nang lisanin ang kanyang dating home studio (GMA 7), mukhang hindi naman ito ang nangyayari sa kasintahan ni Luis Manzano dahil bukod sa malapit nang ipalabas ang first movie niya sa bakuran ng Star Cinema, ang Love Me Again na pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual, may sisimulan itong bagong teleserye sa ABS-CBN na pagtatambalan naman nila ng ex-boyfriend ni Anne Curtis na si Sam Milby.

Samantala, secured si Luis sa pagmamahal ng kanyang kasintahan kahit sino ang makatambal nito. Balitang may mga steamy love scenes si Angel sa movie nila ni Piolo na Love Me Again pero hindi nababahala ang panganay ng ex-couple na sina Gov. Vilma Santos at OMB chair Edu Manzano. Bukod sa may tiwala si Luis sa kanyang gf, may tiwala rin siya sa mga nakakatambal nito dahil mga kaibigan at kasamahan niya ang mga ito sa ASAP ’08 at sa bakuran ng Kapamilya network.

Parehong tanggap nina Gov. Vi at Edu si Angel bilang kasintahan ni Luis.

No comments: