After the press conference of Wilma Galvante, JC De Vera's manager, Annabelle Rama called for an emergency press conference to refute the statements made by the SVP for Entertainment, Wilma Galvante.
Here is the story from PEP.
Nag-aapoy sa galit si Annabelle Rama sa emergency presscon na ipinatawag niya noong Huwebes, March 5, sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City. Mabilis na nagpatawag si Annabelle ng presscon nang malaman niya ang presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa apat na bagong programa ng Kapuso network noong araw ring iyon.
Inakusahan ni Annabelle si Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment ng GMA-7, ng paggamit sa resources ng Kapuso para sa sariling kapakanan daw nito.
"Ginagamit ni Wilma ang pera nila [GMA-] para sa kapakanan niya. Dapat malaman sa taas 'yan dahil hindi ginagawa sa ABS 'yan, nina Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], at saka nila Cory [Vidanes] at saka Deo [Endrinal]. Kapag nagpa-presscon sina Charo, project ni Ruffa [Gutierrez, Annabelle's daughter] ang pinag-uusapan, hindi yung personal nila," matalim na pahayag ni Annabelle.
Sa puntong ito, ipinatawag ni Annabelle sa labas ng restaurant ang kanyang alaga na si JC de Vera, na walang kaalam-alam tungkol sa emergency presscon.
"JC, kagabi [March 5], magkasama tayong dalawa kagabi," sabi ni Annabelle sa kanyang alaga. "Wala kang alam na may presscon tayo ngayong araw na ito. Emergency presscon kasi may nag-text sa akin, magpapa-presscon daw si Wilma tungkol sa 'yo.
"Pero kuno-kuno, ginagamit niya ang apat na shows kunwari. Kaya ako nagpa-presscon ngayon, galing ang mga reporter sa kabila. Yung mga sinasabi ni Wilma, sasagutin mo. Yung hindi mo kayang sagutin, sabihin mo sa akin, ako ang sasagot.
"Ayoko sanang magpa-presscon, pero siya [Wilma] ang nag-umpisa na naman. So, sasagutin namin lahat 'yan. Ayokong maging bad shot si JC. Sa mata ng tao, mukha siyang kontrabido. Ayoko ng ganoon. Kailangan, sasagutin ang lahat 'yan, yung mga sinasabi sa kabila."
JC'S CONTRACT WITH GMA-7. Ibinigay ni Annabelle ang kanyang bersiyon tungkol sa renewal of contract ni JC sa kanyang home network, ang GMA-7. (Click here to read related story.)
Aniya, "Ika-clarify ko lang ha... Ang sabi ng lawyer sa akin, kapag si JC hindi ipinapakita yung ipinapa-receive sa kanya, hindi valid 'yon. Kailangan sasabihin sa kanya kung ano yung pinapipirmahan. Kasi ang sabi sa akin ng mama ni JC, wala silang natanggap na received ng kontrata na nakalagay. Basta ang sabi lang daw, may ide-deliver lang diyan.
"Unlike yung akin, ipina-receive sa akin, sa opisina ko. Nakalagay dun sa kopya ko na renewal ni JC. Kaya sabi ko, hindi ko pipirmahan 'yan. Ang pinapirma ko, yung secretary ko, pero ako, hindi pumirma.
"As of now, walang renewal [ng contract ni JC] na nangyayari," diin ni Annabelle. "Kung ipagpipilit man ni Wilma sa utak niya na 2010 pa si JC sa GMA, puwes paninindigan ko rin sa kanya na hindi valid yung kontrata na sinasabi niyang renewal.
"Mahal namin ang GMA, lalo na ako. Matagal na ang anak ko diyan. Si JC, alam ko mahal niya ang GMA dahil matagal na siya nagwo-work. Pero itong style ni Wilma para mag-renew, nangha-harrass siya. Dinadaan-daan niya sa lawyer, hindi pwede ang ganoon sa akin. Kung gusto niya ng lawyer, maglu-lawyer din ako, pero wala akong pakialam sa kanya. Magdemanda siya!
"Ayoko ng ganitong klase ng gulo," aniya. "Ganoon sa GMA... Kasi si Angel [Locsin], ganoon din ang ginawa nila kay Angel. Pilitan din, e. Ikinulong din si...dun sa kuwarto niya [Wilma]. Kung anu-ano pinagsasabi niya, kawawa sa kanya si Angel.
"Eto, imbes na magpakabait siya sa akin, bola-bolahin niya ako, tutal madali akong mabola, hindi niya ginawa sa akin. Tinakot niya ako pati si JC," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.
JC'S MEETING WITH ANNABELLE. Muli ring ikinuwento ni Annabelle ang aniya'y naganap na "meeting" ni JC kay Ms. Wilma.
"In-explain ko na 'yan dati sa presscon ko," sabi ni Annabelle. "Tinawagan ko yung alalay ni JC sa story conference. Sabi ko sa PA, 'Nasaan na si JC?' after ng storycon. Nasa aabot ng isang oras, 'Nasaan si JC?'
"Nasa kuwarto ni Wilma, hinila ni Lilybeth [Rasonable, AVP for Drama], saka ni Avin [Marivin Arayata, VP for Entertainment TV]...a, ni Redgie [Magno, senior program manager]. Doon ako nagagalit. Bakit ipinipilit si JC na ipasok sa loob ng kuwarto? Kung ano ang nangyari sa loob ng kuwarto ni Wilma, huwag na nating pag-usapan 'yon kasi tapos na 'yon.
"Ang akin lang, huwag niyang ipipilit ang kontrata na renewal ni JC, automatic kasi pumirma na raw si JC. Hindi pumirma si JC tungkol sa kontrata. Pumirma siya dahil akala niya script. Walang explanation sa delivery. Hindi kami dapat pinipilit ng ganyan. Kasi kapag na-harass ka, at idadaan sa lawyer, lalo kang magagalit, di ba? Dapat idaan sa magandang usapan, hindi sa harassment.
"Ayoko ng ginaganito ako," sabi ni Annabelle. "Puro pananakot. Puro lawyer. Actually, yung sulat kay JC, hindi ko ibinigay sa kanya ang sulat ng lawyer ng GMA. Ibinigay ko sa lawyer ko. Pero yung sulat para kay JC 'yon. Yung sulat ni JC na 'yon, parang yung kay Heart na kapag hindi siya nag-renew, idedemanda siya tsutsutsu.
"Pero yung sulat na 'yon, gawa-gawa lang ni Wilma 'yon. Yung laywer, kakuntsaba niya. Hindi alam 'yon ni Atty. Gozon kasi tinawagan ko yung anak ni Attorney, si Annette [Gozon-Abrogar] na may demanda raw kay JC, shocked na naman siya. Bakit daw ganoon ang nangyayari palagi. Na palaging sulat na galing sa lawyer. Wala pa raw pasabi. Yun lang!"
Tatlong projects ni JC ang tinanggihan ni Annabelle—Obra, Ngayon at Kailanman, at Rosalinda. Paano kung maging frozen delight na si JC dahil sa 2010 pa ang contract expiration?
"Kung 'yon ang plano niya, well, ngayon pa lang, sabihin ko sa kanya, yung mga pangarap niya, kanya na lang 'yon! Ako, papayag na frozen delight ang alaga ko? No way! Basta ako, eksaktong March 14, kapag hindi pa nagkasundo sa project ni JC, nasa kabilang istasyon na kami. Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa inyong lahat, March 14, kapag wala pa siyang ibibigay na project kay JC kasi ipo-frozen delight niya, puwes, mag-aalsa-balutan na ako-March 14!"
No comments:
Post a Comment