Days ago, after GMA7 and Wilma Galvante settled the case of Heart Evangelista without the presence of Annabelle Rama, her manager, the latter released a statement that only the crazy takes her seriously and she labeled Galvante as one.
Galvante who could no longer take the below the belt tirades of the feisty manager of JC de Vera also called a press conference to explain the allegations made by Rama.
PEP has the story.
Hindi pa humuhupa ang alitang nangyayari sa pagitan ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante at ni Annabelle Rama, ang ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez at ang manager nina Heart Evangelista at JC de Vera.
Kaninang tanghali, March 5, ay nagkaroon ng back-to-back presscon ang magkabilang kampo; nauna ang kay Ms. Wilma kasama ang lady executives ng Kapuso network sa 17th floor ng GMA Network Center, at sumunod naman ang kay Annabelle sa Max's restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.
Dahil nauna ang GMA-7 presscon sa Annabelle presscon, ang nangyari, naging sagot lahat sa mga sinabi ni Ms. Wilma ang mga inilabas ni Annabelle sa presscon niya.
Tungkol sana sa mga bagong shows ng GMA-7 ang pag-uusapan sa press con na ipinatawag ng Corporate Communication ng Kapuso network. Magtatapos na ang Luna Mystika, magsisimula na ang All About Eve; kasisimula pa lang ng Dapat Ka Bang Mahalin? sa hapon at ang Totoy Bato sa gabi; at nakahanda na rin ang Zorro.
Ngunit dahil na rin sa nangyayaring hidwaan nila ni Annabelle, naging open at inviting si Ms. Galvante na puwede raw siyang tanungin kahit ano.
Iba naman ang naging pananaw rito ni Annabelle sa two-in-one presscon na ibinigay niya-isa para iharap na si JC sa press at ikalawa para ipakilala ang bagong alaga niya, ang dating Star Magic artist na si Carla Humphries.
"Ginagamit ni Wilma ang pera ng GMA para magpa-presscon siya. Alam kaya ito nina Gozon?" ang unang salvo ni Annabelle kay Ms. Wilma.
Si JC, ang nangyari sa story conference ng Obra, at ang kontrata niya sa GMA-7 ang naging sentro ng usapan sa simula ng presscon ni Ms. Wilma.
WILMA: Story conference ito para sa Obra na magre-relaunch. Sa 7th floor Concept Room ginawa ang story conference na adjacent sa kuwarto ko. Bago magkaroon ng story conference, napag-usapan na ang lahat, plantsado na ang role ng bawa't isa. Ang daming prosesong pinagdaanan ng script ng isang show kaya, more or less, alam na ng lahat ng mga artista ang mga papel nila.
ANNABELLE: Ang pagkakamali ko bilang manager, hindi ako nakarating sa story conference na 'yan. Kasi ang pagkakaalam ko, Obra rin 'yan. Nag-Obra na si JC ng one month, nag-rate naman. Siya lang ang bida. Iniba nila.
WILMA: Working title na lang ang Obra, pero ilalabas ito bilang SRO Cinema Serye, walong weekly continuing episodes at lahat bida. Si JC pa rin ang bida. Si Marvin [Agustin] ang kontrabida. Now, I'm quoting here sa mga sinabi ni Annabelle nang nalaman niya ang lahat: 'Bakit nandiyan na naman si Marvin? Masasapawan siya [JC] ng acting ni Marvin. Bakit nandiyan na naman si Bianca [King]? Dito naiyak si JC at hindi ko pa rin ito alam. Alam n'yo naman ang seventh floor, cubicles and cubicles 'yan, maraming tao. Nakakahiya na may makakita kay JC na umiiyak kaya ipinasok siya sa kuwarto ko.
ANNABELLE: Basahin n'yo ang script, bida-bidahan lang si JC, pero si Marvin ang bida-kontrabida. Nung umayaw na ako, 'tsaka sa akin ipinadala ang script. Inuulit ko, ayokong maging magka-love team sina JC at Marvin! Lahat na lang ng huling shows ni JC, nandoon si Marvin. Sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, sa Lalola... Ayaw talaga ni JC, hindi siya happy. Sabi ko sa kanya, kung hindi siya happy, alisin ko siya.
Dito sa puntong ito, si JC na ang pinagsalita kung ano talaga ang nangyari.
JC: Hindi naman po siguro kabawasan sa pagkatao ko kung maiyak man ako. Pressured lang po talaga ako noon. At sinasabi ko nga, hindi na mahalaga kung ano ang nangyari sa loob, ang mahalaga kung ano ang mangyayari pagkatapos.
Pinilit pa rin si JC ng entertainment press kung ano ang totoong nangyari: naiyak ba siya dahil ayaw niya ang script or naiyak siya dahil pinull out siya ng kanyang manager.
JC: Both.
WILMA: Ang sabi sa akin ni JC, 'Pasensiya na po kayo, nahihiya po ako sa mga nangyayari.' Habang nag-uusap kami, dumating ang text ni Annabelle sa akin dahil nalaman na niya yatang nasa kuwarto ko si JC. Ang text sa akin ni Annabelle masasakit: 'Traydor ka! Sinisira mo ako sa mga alaga ko!'
I head the production, walang bawal doon. I can talk to any talent. Sa akin, pwedeng ayusin ang lahat. At hindi ko hinarass si JC, siya ang ipinasok sa kuwarto ko. Baka puwede pa kasing pag-usapan. Pero kapag hindi na nakayanan, ibibigay na sa legal. Masipag ang legal department ng GMA, lahat binibigyan ng pansin.
ANNABELLE: Totoo yun, tineks ko siya [Ms. Wilma]. Kaibigan ko siya. Ang kaibigan ko, buong-puso, pero tinatraydor niya ako. Nung pumirma si Heart [Evangelista], nandoon kayong lahat sa 17th floor. Puro papuri ang sinabi sa akin ni Wilma. Pero kinausap niya ang ama ni Heart, sabi niya huwag siyang magtitiwala sa akin. Pagtatraydor yun, di ba?
WILMA: At ang sinasabi niyang puwede niyang i-pull out si JC, hindi talaga pwede yun, may kontrata siya. Ine-expect niya [Annabelle] na mag-e-expire ang contract ni JC sa March 31, which is true. But I will read this clause in his contract: "Talent hereby grants GMA the exclusive and irrevocable option to renew the contract for period of one more year, under the same terms and conditions. The agreement deemed renewed upon service by GMA of a written notice of renewal to the talent prior to the expiration of this contract." This was served January 13, this was signed by JC. Ang kontrata is between GMA and the talent, ang kontrata is between GMA and the talent, assisted by the manager, Annabelle Rama.
Dito, si JC ang sumagot.
JC: Ang notice po, hindi ko pa pinipirmahan. Nasa bahay lang po. Ang pinirmahan ko po, acknowledgement receipt nung envelope kung saan nakalagay ang renewal notice.
On Annabelle's side, hindi niya pa rin daw pinipirmahan ang kopya niya.
ANNABELLE: Magkakaalaman lahat sa Martes, kasi March 14 ang expiration ng kontrata niya. Basta sa Martes, may press conference na naman.
(May tinawagan ang PEP [Philippine Entertainment Portal] sa GMA-7 para klaruhin kung acknowledgement receipt lang ba ang napirmahan ni JC o ang mismong notice of renewal. Ang naging sagot sa amin, bago pa ito ipadala sa bahay ni JC, pirmado na raw ito ng aktor at may dalawang kopya; ang original na ipinadala sa kanya na naka-envelope at ang kopya ng GMA-7.)
WILMA: Binigyan namin si JC ng Obra, hindi niya tinanggap. Tapos ang in-offer namin, another Sine Novela, ang Ngayon At Kailanman, hindi rin tinanggap. Hindi basta-basta pwedeng tumanggi ang talent, lalo na kung maganda naman ang inu-offer. All shows, may schedule of production. Kung tumanggi siya, he will have to wait for the next role, but the show will proceed.
Dito nagsalita si Ms. Wilma that conflict is not in the nature of GMA.
WILMA: Ang nangyayari kasi, it is being reduced to bickering na. It has become personal. Kaya mula ngayon, we will go by the contract and ultimately, the network should prevail. Hindi na kami papayag na bastus-bastusin, pati si FLG [Attorney Felipe L. Gozon] nadadawit.
Hindi rin daw totoong hindi alam ni FLG ang mga nangyayari.
WILMA: Ako pa nga ang pinagalitan niya. "Kayo kasi, e, pinapayagan n'yo. Ngayon, inaabuso kayo. You should defend yourself, but don't go down to her level."
ANNABELLE: Hindi alam ni Gozon 'yan. Kausap ko ang anak niya sa States. Sinabi ko nga itong bagong problema, ang sagot sa akin, "Bakit may ganyan na na naman?"
WILMA: Sabi niya [Annabelle], ang pumatol sa kaniya sira-ulo, hindi naman ako sira-ulo. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko dahil it is not just me, it's the network.
ANNABELLE: Talagang luka-luka siya! Ang taas niya, ang baba ko pero pinapatulan niya ako!
WILMA: I'm telling you, hindi kami mabibili. The whole department, hindi mabibili ang integridad namin.
ANNABELLE: Inuulit ko, hindi naman ako tanga na mang-aaway na lang ng walang dahilan. Hinahamon niya ba talaga ako? Sige, magkalabasan ng baho! Kupitera siya! Nang pumirma si Richard ng another contract, ini-expect niya 10 percent ang magiging commission niya. Ang ibinigay ko sa kanya, five thousand dollars kasi aalis siya. Ayaw niya yata. Sige, isulat n'yong lahat 'yan, yung mga hindi natatakot! Kaya kong panindigan 'yan. Binigyan ko ng five thousand dollars, may alahas pa, may bag pa! Kulang pa ba yun?
Dahil napakatapang ng inilabas ni Ms. Annabelle laban kay Ms. Wilma, isinulat pa rin namin ito ngunit minabuti naming hingan agad ng reaction si Ms. Wilma.
WILMA: She always do that, she bribes. That doesn't mean tinatanggap ko ang mga ibinibigay niya. Sabihin ko ngayon maglabas siya ng ebidensiya, siyempre ang sasabihin niya wala. Noon pa, hindi pa sikat ang dalawa [Richard and Raymond], palagi akong sinasabihan niyan na tanggapin ko na raw ang ten percent commission. Kaya raw 30 percent ang sinisingil niya, 20 sa kanya, 10 percent kinukomisyon niya sa iba. Sinasabihan niya ako na tanggapin ko ito kasi suwelduhan lang ako, but I always say no. Ngayon, iniisip niya na just because I don't accept hers, sa iba ang tinatanggap ko; like kina Manay Lolit [Solis] kaya nagkakaroon ng trabaho ang mga alaga nila.
ANNABELLE: Naku, huwag niya akong hamunin, lalo ngayon mainit ang ulo ko! Marami pa akong pwedeng ilabas sa kanya. Baka sugurin ko siya ngayon sa seventh floor, sampal-sampalin ko pa siya!
May ruling na ngayon na wala nang makakadiretso sa 7th floor ng GMA Network Center na walang prior appointment, pagsisisiwalat ni Ms. Wilma. Bagamat matagal na ang ruling na ito, naging lax daw ang GMA-7 na pwede ngang mabisita ang kahit na sinong production managers.
Dagdag ni Lolit Solis, na tumulong mag-facilitate ng presscon ng GMA-7 lady executives, hindi raw kasi talagang naging mahigpit ang GMA-7 sa pagpapatupad nito unlike sa ABS-CBN, na wala talagang nakakaakyat sa mga kuwarto ng mga production unit managers (PUM) nang basta-basta.
Puwede bang dumiretso si Annabelle sa mga Gozon?
WILMA: Kung may appointment siya.
ANNABELLE: Naku, kapitbahay ko sila Gozon sa Forbes Park! Almost every night nandoon ako. Kung pagbabawalan ako sa GMA, di sa bahay nila ako didiretso!
Meanwhile, walang makasagot o makaisip man lang kung paano ito magtatapos.
WILMA: We will go by the contract.
ANNABELLE: Sige, hinahamon ko sila, i-release nilang lahat ang alaga ko!
No comments:
Post a Comment