3.31.2009

Ruffa Gutierrez defended Richard from unsavory article

It is but expected that Ruffa Gutierrez defends Richard from unsavory article but in so doing, the case got worse. Many people were not able to read the news which was
pulled out by PEP, immediately.


Kaugnay ng artikulong lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 29, ukol kay Richard Gutierrez at Michael Flores, dinepensahan ni Ruffa ang nakababatang kapatid sa interview nito sa Showbiz News Ngayon (SNN).



Sa panayam na ipinalabas kagabi, na maaring naganap bago mai-post ng PEP ang liham mula sa editor-in-chief nito na si Jo-Ann Q. Maglipon, hayagang sinabi ng ate ni Richard, "Bago nila isulat ang mga fabricated stories na kuwentong barbero sa iba't ibang tao, dapat alamin muna nila kung sino ang source nila, kung puwedeng pagkatiwalaan ang source nila, kung may nangyari ba talagang ganung insidente.



"What my mom and what Chard really want is a public apology because there was really no incident that happened. A lot of witnesses can attest to that. And sa mga ganitong mga bagay, you know, we will use legal action kasi sinisira nila ang reputasyon at kredibilidad ng kapatid ko at puros na pawang imbento.



"Hindi na po naka-post 'yon, tinanggal na nila agad dahil alam nilang puwede silang mademanda. Even if wala na sa PEP ngayon, the damage has been done. Napakasama ng mga comments tungkol sa kapatid ko. My brother was so stressed since yesterday, umiiyak sa mommy ko. At kami nabahala na puro imbento talaga.



"Ang ganitong katinding intriga involving a gun, which my brother doesn't even have, he doesn't even carry, they could have called anyone to verify. Pero hindi nila ginawa, nilagay lang nila doon. Naninira sila ng puri ng ibang tao and talagang galit kami ang we're very disappointed."



Inamin ni Ruffa na nagbigay naman ng paliwanag ang PEP, ngunit kailangan din umano ng publiko ng paumanhin dahil sa pagkakasulat ng artikulo.



"Nag-explain sa amin but I think the public also deserve an explanation. PEP, sana po gumawa po kayo ng hakbang kung sino talaga ang involved dito. Dapat alamin niyo muna kung ano ang totoo bago niyo ito isulat especially kapag involved ang mga ganitong bagay. We will investigate kung paano nangyari ito."



ANNABELLE RAMA'S REACTION. Samantala, sa column ng publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin sa Abante Tonite ngayon, March 31, binanggit niya na bagamat inilathala na ang statement ng PEP sa mismong website, hindi pa rin sigurado kahapon ang ina at manager ni Richard na si Annabelle Rama kung magsasampa sila ng legal na aksyon laban sa nagsulat ng artikulo.



Ayon kay Annabelle, "Nag-usap na kami ni Jo-Ann. Kinausap ko na si Chard at ang pamilya ko. Alam ko na wala ngang alam si Jo-Ann sa pagkaka-publish no'n, pero ang gusto naming malaman, e, kung bakit nagsulat ng ganoon 'yong writer nila.



"Dapat ilabas ng writer na 'yon ang reliable source niya dahil wala silang patunay na totoo 'yon. Imbento ang artikulong 'yon at maraming nadamay.



"Pati si Michael Flores na nananahimik at nagsasabing mabait ang anak ko noong makatrabaho niya sa Kamandag at gusto pa uli niyang makatrabaho sa Zorro, e, nagawan ng kuwento."



Ganito rin ang naging damdammin ng mismong kolumnista sa kanyang text message sa PEP ukol sa statement nito.



"Tita, maraming hindi happy sa lumabas kasi hindi naman klinir na walang gulong nangyari at wala talagang katotohanan yun, lalo na yung tutukan ng baril. Hindi ko pa nabasa pero I will also read it later. Salamat po," sabi ni Jun.



MICHAEL FLORES AND DIREK MARK REYES. Sa parehong kolumn, inilathala din ang mga nagging pahayag nina Michael Flores, dating T.G.I.S. mainstay, at director Mark Reyes, na siyang nagdiwang ng kanyang kaarawan noong gabi ng March 28.



Sa pakikipag-usap ng PEP kay Michael, pinabulaanan na niya na may nangyaring kaguluhan matapos ang birthday party ng direktor ng Zorro. Kaya naman nagulat ito na naka-upload na pala ang istorya.



Paglilinaw pa nito, "Walang nangyaring kahit ano. Nagbatian pa kami ni Richard. Wala kaming problema. Nakatrabaho ko na si Richard sa Kamandag at mabait siya. Okay sa akin 'yong tao.



"Gusto ko ngang makatrabaho uli si Richard. Gusto ko ngang makasama sa Zorro."



Ganito rin ang naging pahayag ni Direk Mark at sinabi pa na nagbatian pa noong gabing iyon sina Michael at Richard. Aniya, "Walang problema sa mga bisita ko lalo na kina Richard at Michael."

No comments: