3.14.2009

Fans of Marian Rivera Reacted on the negative news about their diol


The fans of Marian Rivera believe that their idol never backslide to being Taray queen.

Here is the story of German Moreno.

Napakaraming nag-react sa inilabas kong item tungkol sa pagiging uncooperative na naman diu­mano ni Marian Rivera sa mga gustong magpakuha ng larawan sa kanya. Sabi ng mga kumausap sa akin, old issue na raw ito, bakit binubuhay ko pa? At naibigay na raw ng aktres ang kanyang side tungkol dito.

Ganun! Sabi ng nagkuwento, recent happening ito. Oh well...

Sabi ng mga fans ni Marian, hindi raw kakikitaan ng ganitong masamang pag-uugali ang kanilang idolo. Laging may panahon ito para sa kanila. Ang mga ganitong balita ay gawain lamang ng mga gusto siyang pabagsakin at iluklok sa posisyon niya ang kanila namang iniidolo.

Hindi naman daw sila tututol na pintasan ang mga trabaho ni Marian, kung ‘yun ang opinyon nila pero ang ayaw lang nila ay yung pine-personal ito. Sila ang unang papalag kapag nakitaan ang idolo nila ng masamang ugali. Hindi raw sila papayag, hahanap na lang daw sila ng ibang iidolohin
.

No comments: