3.22.2009

Rosanna Roces proud grandmother of a baby girl




Rosanna Roces had shed her controversial and sexy image. Now she is relishing the moments of being a grandmother to the children of Grace and her other son.

Here is her interview:

Proud lola na naman ang dating sexy star na si Rosanna Roces. Last Saturday, March 21, 8:30 a.m., panibagong blessing na naman ang dumating kay Rosanna nang magsilang ng malusog na baby girl ang anak niya na si Grace Adriano.



Pinangalanang Maja Adriano Amir ang pangatlong apo ni Osang. Isinilang ni Grace ang baby by caesarean section sa Marikina Valley Medical Center. Ang tatay ng baby ay ang bagong kinakasama ni Grace na isang Arabo, si Filly Amir.



Sa interview ng The Buzz kay Osang na ipinalabas kahapon, March 22, tuwang-tuwa ibinalita ng aktres ang pagkakaroon niya ng unang babaeng apo.



"Ang sarap ng feeling! Parang nagsilang ako ulit. Lahat ng hiniling ko natupad na!" sambit ni Osang.



Hiniling niya ba alaga ito?



"Oo... na safe delivery... baby girl... normal, walang sakit, walang kahit anong diperensiya. Caesarean siya (Grace) ngayon. Suhi yung bata. Nagpupustahan nga kami ng ama ng bata. Sabi niya kasi kakulay niya. E, before kasi ng ultrasound, sabi ko, hindi... P500, sabi ko kakulay ko 'yan, kamukha ko 'yan. Pero tingin ko parang Arabyano yung mata, na Chinese, German yung balat!" bulalas ni Osang.



Dating boyfriend ni Grace si Jolo Revilla. At naging anak nila si Budoy. Taong 2007 nang maging magkarelasyon sina Grace at Filly. Ang pamilya raw ni Filly ay nagmamay-ari ng isang hotel sa Saudi Arabia.



Tinanong si Osang kung binigyan niya ba ng advice si Grace bago ito umibig ulit at pumasok sa panibagong relasyon. Ano ba ang plano nina Grace at Filly?



"Hindi, you cannot tell when and where to fall in love. E, na-in love, e. Nanghingi naman ng permiso sa akin yung lalaki. Pero okay naman sa kanya na i-dedicate kay Lord yung baby. Because sa kanila yata walang binyag."



Ayon pa kay Osang, nakikita raw niyang maligayang-maligaya ngayon si Grace sa relasyon nito with Filly.



"Sobra. Peaceful. Yun ang importante, masaya at tahimik."



Ano naman ang masasabi niya tungkol kay Filly?



"Beautiful person inside and out. Beautiful soul."

No comments: