3.10.2009

Claudine Barreto's daughter almost kidnapped


Sabina is the aropted daughter of Raymart Santiago ang Claudine Barreto. She was almost kidnapped from her school.

This is the story from PEP.

Mismong si Raymart Santiago ang nagkumpirma sa insidenteng naganap kahapon, Marso 9. Muntik na raw madagit ng masamang elemento ang kanilang anak ni Claudine Barretto na si Sabina.



Sa kuwento ni Nelson Canlas ng GMA News sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nakausap daw niya si Raymart sa pamamagitan ng telepono. Ayon sa aktor, nasa eskwelahan si Sabina kahapon, March 9, nang makatanggap ng tawag ang yaya nito mula sa isang babaeng nagpapanggap. Mayroon daw dumating na package mula sa U.S. para kay Sabina na dapat ma-pick up.



Alisto rin daw ang yaya kaya't sinabi nitong kailangan munang makausap ang secretary nina Raymart at Claudine dahil hindi siya makakapagdesisyon. Muli raw tumawag ang babae sa school ni Sabina at sinabi nitong nakausap na raw niya ang sekretarya. Sa puntong ito, na-trace daw ang tawag at agad naaksyunan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang panloloko. Nasa kustodiya na raw ng NBI ang suspek.



Hindi na nagbigay ng anumang detalye ang aktor kung sino ang naturang babae at kung ano ang tunay na motibo nito. Ang mahalaga raw ay hindi nakuha ang kanyang anak.



In shock pa rin daw ang mag-iina ni Raymart. Hindi raw sila makapaniwala na mangyayari ito. Pero giit ng aktor, handa niyang ipaglaban ang kanyang pamilya. Handa rin daw siyang harapin ang sinumang nasa likod ng attempted kidnapping.



Nakikiusap din ang mag-asawa na sana'y maging istrikto ang batas tungkol sa mga usaping ito.



Matatandaang noong June 2007 naging legal na anak ni Raymart si Sabina. Nauna na itong in-adopt ni Claudine, pero single pa ang aktres noon. Sa ikatlong kaarawan ni Sabina na-file ang adoption papers para magamit na niya ang apelyidong Santiago.



May isa pang anak sina Raymart at Claudine, si Santino.



Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang PEP sa kampo ng suspek upang kunin ang kanyang panig tungkol sa kasong ito.

No comments: