3.12.2009

Former Beauty Queen Maria Isabel Lopez complains of shabby treatment




Ma. Isabel Lopez, a Binibining Pilpinas title holder and a popular bold star during the 80's complains of the shabby treatment she received during the coronation night of the Binibining Pilipinas 2009.

Here is the story from Lolit Solis:




Mama Salve, nagkausap kami kahapon ni Maria Isabel Lopez at nagsumbong ito na nakatikim siya ng pagmamaltrato nang pumunta siya sa coronation night ng Bb. Pilipinas contest sa Araneta Coliseum noong Sabado.

Mahaba ang kuwento ni Isabel pero ang bottom line, naghahanap siya ng hustisya dahil sa kahihiyan na inabot niya.

Pilit daw siyang pinaalis sa upuan. May nagtaray raw na bakit siya naroroon eh hindi naman siya invited?

Ang sey ni Isabel, hindi siya invited pero may ticket siya courtesy of Gloria Diaz. Upset na upset si Isabel habang nagsusumbong sa akin at dahil narinig ko na ang kanyang side, gusto ko namang malaman ang panig ng organizer ng pageant night, partikular na si Mama Stella Marquez de Araneta.

Hindi na yata alam ng generation ngayon na naging title-holder noon si Isabel. Siya ang nag-uwi noon ng Bb. Pilipinas-Universe title at kontrobersyal ang pagkakapanalo niya porke dati siyang sexy model.

No comments: