3.06.2009

Annabelle Rama fumes and curses


Annabelle Rama lived up to her fesity image of a manager but does she have to hulr invectives to people who helped her talents which include her children?

This is the story from PEP.



Ano ang masasabi ni Annabelle Rama sa advisory ng GMA management sa admin at security nila na walang paaakyatin sa 7th floor ng GMA-7—kung saan nag-o-opisina ang top bosses ng network—kung walang prior appointment.



"Wala akong pakialam!" sagot niya. "I don't need them. Kung gusto ko, kay Gozon, sa Forbes Park. Kapitbahay ko lang si Gozon. Nandoon ako almost every day. Barkada ko ang asawa no'n at mga anak niya.



"Kung gusto ko puntahan si Jimmy Duavit, nandoon lang si Duavit sa Greenmeadows. I can go there any time if I want to. Hindi ko kailangan pumunta sa Channel 7 para kausapin ang mga demonyo diyan! Okay lang."



Totoo bang nagbibigay siya ng regalo para makahingi siya ng kapalit?



"Ang dami ko niregaluhan. Bago ako nag-showbiz, hindi ako artista, never akong humingi ng kapalit. Crispina Belen, Chit Ramos... Hindi na ako artista, nagpunta kayo sa Amerika... Hindi ko kailangan na isusulat n'yo ako. Lahat ng pumupunta sa akin na press sa Amerika, kaibigan ko. Ni singko, walang kapalit. Kapag ako nagbigay, galing sa puso ko 'yan. Hindi kailangan ng may kapalit dahil sikat ang mga alaga ko. Kung ayaw niya [Wilma] sa mga alaga ko, bitawan na niya!"



Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Ms. Wilma na sa story conference ng isang TV show, iniipit niya ito para maipasok ang kanyang mga alaga?



"Totoo 'yan," pagkumpirma niya. "Sa mga shows ni Richard. Bakit? Bawal ba? Anak ko ang bida, hindi ko maipapasok ang mga alaga ko? Inaamin ko, sa mga shows ni Richard, talagang ipinatatanggal ko ang mga alaga niya [Wilma]. Alaga niya 'yon, e, bakit siya kikita? Dapat ako ang kumita, ako ang nanay, e! Bakit di siya kumita sa mga alaga niya? Kung totoo 'yon, hindi ko idinedenay 'yon. Totoo 'yon. Okey?"



Hindi raw totoo na nangongomisyon si Ms. Wilma. Ano ang masasabi niya rito?



"Walang magnanakaw na aamin. Tanga ba siya na aamin siya? Siya ang taga-casting, aamin siya? Ang kapal ng mukha niya!"



Sa lahat ng managers, siya lang ang nagrereklamo, nang-aaway, ar nanggugulo?



"Uulitin ko ulit, hindi ako tanga na mang-aaway na walang dahilan. Kaya ako maraming kaaway, marami akong alaga. Inaapakan niya [Wilma] mga alaga ko, inaapi-api niya. Kung hindi nakialam si Annette Gozon, hindi sisikat si JC, saka si Ehra [Madriga]. Ang nakialam kina JC, Ehra, pati kay Michelle [Madrigal], si Annette. Hindi si Wilma Galvante.



"Hindi siya nagbigay ng project kay JC kaya wala akong pakialam. Kasi bibigyan ko siya ng suhol, maski anong klase ng suhol, hindi niya bibigyan ng project 'yan? Mamatay man! Holy Week ngayon, hindi ako magsisinungaling.



"Ang kapal ng mukha niya ng ngasasabi ng ganyan! Ang kapal kamo ng mukha niya! Demonyita! She's really number one devil woman! Ang kapal ng mukha niya! Huwag niya ako hamunin, baka sugurin ko siya sa GMA ngayon! Mainit ang ulo ko.



"Yung pangit na puro retoke! Sabihin mo sa kanya, huwag siya paretoke ng mukha niya! Pangit talaga siya! Wala siyang pag-asang gumanda! Kaya naiinggit siya sa akin, maganda kasi ako!



"Gusto niya ng insultuhan? Hindi ako aatras! Demandahan, hindi ako aatras! Insultuhan, hindi ako aatraz! Magharapan kami! One-on-one kami! Hindi ko siya uurungan! Susuntukin ko ang ulo niyang fake!"



CALAYAN ISSUE. "Hindi lang naman ako palagi niya [Wilma] kinukuwartahan, e. Pati si [Manny] Calayan din. Sabi niya sa akin, 'Si Jewel Mische, ibibigay ko kay Calayan para magkaroon naman ng billboard. Libre ba, 'Day, libre? Para magkaroon ng billboard yung bata.' Okey...



"Pumunta ako kay Calayan... 'Annabelle, okay lang ba sa 'yo na may billboard si Jewel Mische? Wala akong pakialam, bigyan mo. Bakit? Tatlong daan [libo] lang naman ang bayad, e. 'Akala ko, libre,' sabi ni Wilma. Saan napunta yung tatlong daan na 'yon? Sabi niya, libre daw kay Calayan. Ibinulsa na naman niya ang pera ng mga talent ng StarStuck! Walang kaalam-alam sila Gozon. Puro na lang siya kupit! Kupitera siya! Magdemanda siya, wala akong pakialam! Kupitera talaga siya! Mangungupit talaga siya!



"Sino ang matapang na magsulat, magsulat ha! Hindi ako natatakot. Kung ano ang sinasabi ko, paninindigan ko. Kung natatakot kayong magsulat, matatanggal kayo sa GMA, wala akong pakialam! Basta ako, lahat ng sinasabi ko, isulat n'yo, haharapin ko at paninindigan ko ang sinabi ko!



"Katotohanan, ha? Kaya ko binibigyan si Wilma, kasi nakakatuwa siya dati kasi para siyang angel magsalita. Di ba, hindi makabasag ng plato? Tapos nakita ko, demonyita pala siya! Kapag talikod ko, sinasaksak ako sa talikuran ko! Sinisiraan ako sa ibang kausap niya tungkol sa akin."



TALENT PROSPECTS. "Isa pang galit ako sa kanya, yung nagpapahawak sa akin si Princess Violago. 'Naku, 'Day, drug addict 'yan, sira-ulo niyan!' Ngayon ha, aaminin ko sa inyo ha, isulat n'yo, wala ako pakialam, okay? Tumawag sa akin ang nanay ni Princess. Hawakan ko raw ang anak niya kasi matigas ang ulo. Baka sa akin daw, kung ako magma-manage, titino ang anak niya. Gusto ko naman kasi kabarkda siya nina Raymond. 'Mommy, she's okay, she looks like Japanese.'



"Si Wilma, kasi akala ko, kaibigan ko si Wilma. 'Wilma, sabi ko, 'Pinahahawakan sa akin si Princess Violago. Tumawag sa akin ang nanay niya.' Sabi ni Wilma, 'Day, huwag mong hawakan 'yan. Tatlong beses nang nagtanan na 'yan, 'Day. Sira ang pangalan niyan saka nag-addict-addict na 'yan,' sabi sa akin.



"E, di tinanggihan ko na yung nanay. Alam mo kung saan si Princess Violago ngayon? E, di nasa kanya [Wilma]! Akala ko, sira-ulo? Ano ba 'yan? Di ba, traydor?



"Sunshine Dizon... 'Huwag mo hawakan 'yan, 'Day, sira-ulo 'yan. Laging nambibitin ng mga taping 'yan. Mapapahamak ka diyan.' Nasaan si Sunshine? Nasa kanya rin! 'Yan ang sinasabi ko na example. Di ka ba magagalit?



"Baka sampal-sampalin ko pa siya! Mabuti may respeto pa ako sa kanya, e. Hindi ko pa siya sinusugod! Kilala niya ako kapag galit, nanunugod ako. Pero may konti akong respeto sa pagmumukha niya. 'Yan ang pagtatraydor niya sa akin.



"At kay Heart. Sinabi niya sa tatay ni Heart Evangelista na, 'Huwag kang magtitiwala diyan kay Annabelle. Huwag magtitiwala ang anak mo kay Annabelle kasi marami siyang kaaway.' Noong pumirma si Heart ng kontrata sa GMA, kayo witness kayo, kayo nasa 17th floor, puring-puri pa siya sa akin. O ngayon, after noong presscon, kinausap niya ang tatay ni Heart, 'Huwag mo pagtitiwalaan si Annabelle. Marami 'yang kaaway sa GMA.' Matutuwa ba kayo sa ganoon?



"Ako, deep in my heart, ang pakikipagkaibigan ko sa kanya hanggang langit. Tapos pagtalikod ko, sinisiraan pala niya ako, sa mga tatay ng aking mga talent!



"Marami pa akong ilalabas. Uunti-untiiin ko! Sa next presscon ulit, ilalabas ko ang pinakabaho niya! Maraming-marami. Ilalabas ko. Subukan niya lang ako. Huwag siya tumigil. Ilabas ko lahat 'yan!" banta ni Annabelle.


No comments: