3.13.2009

KC Concepcion and Piolo Pascual in Paris




For KC Concepcion, it is work and leisure going to Pars with Piolo Pascual. They have atarted shooting the eleserye, Lovers in Paris. KC Concepcion is going to meet up with her friends who she met while studying in Paris years back.



Umalis agad ng Pilipinas si KC Concepcion matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN/Star Cinema Productions para sa three-week shooting ng kauna-unahang teleserye na gagawin niya sa Kapamilya network, ang remake ng top-rating Koreanovela noon na Lovers in Paris. Kasama ni KC na lumipad patungong Paris ang magiging leading man niya sa teleserye na si Piolo Pascual.



Pero bago umalis si KC, nagkaroon muna ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na mainterbyu ang dalagang ito ni Megastar Sharon Cuneta.



Matatandaang sa Paris nagtapos ng kanyang kolehiyo si KC. May plano ba siyang ipasyal sa pinasukan niyang paaralan si Piolo?



"Opo, siguro po. Pero yun nga po, parang wala akong plano. Kasi yung sa akin, I know it's work. Ayoko naman na sabihin sa akin na parang... But I think we have one free day," sagot ni KC.


source

No comments: