3.14.2009

Kristine Hermosa Visited Oyo Sotto


Amidst the denial, Kristine Hermosa whose marriage to Diether Ocampo has already been annulled is rumored to have visited Oyo Sotto.

Sila na ba talaga?


Tsismis din kaya yung sinasabing pagdalaw ni Kristine Hermosa sa set ng Midnight DJ ng TV5 ni Oyo Sotto? Nag-uumugong ang balitang silang dalawa na. Pero ngayon lamang, kung sakali, talagang puwedeng-puwede nang magkarelasyon ang dalawa. Walang sabit si Kristine. Napawalang bisa na ang kasal nila ni Diether Ocampo. Ang balita ko, maganda naman daw nilang dalawa tinanggap ang balitang ito. Katunayan, matagal na silang naka-move on.

Well and good. Sana lamang yung ibang mga couples na may balak magpakasal din, isipin muna ng maraming beses kung ano ang papasukin nila. Matagal na proseso ang pagpapawalang-bisa ng kasal. Hindi lahat ay kasing suwerte nina Kristine at Diether na na-annul agad. Marami ang inaabot ng maraming taon at malaking halaga bago ma-annul.

No comments: