3.21.2009

Kuh Ledesma defended herself from accusations


Lately the daughter of the cook of the Ledesma Family who died of burns had beein issuing statements about Kuh Ledesma's refusal to help financially the famiy of the deceased.

Here is her side:


Isa-isang sinagot ng singer ang mga akusasyon ni Julie nang makapanyam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya lumipad papuntang U.S. para sa series of shows ng Divas 4 Divas.



Kuwento ni Kuh, "Ang carelessness ay hindi sa Hacienda Ysabella. May nagluluto na kasi nun ng chicken barbecue, pinaalis niya [Eliza], siya ang umako ng trabaho. Si Manang Eliza kasi, mahal na mahal namin 'yan, napakasipag na tao niyan. Nakakita siya ng alcohol na hindi dapat ginagamit sa pagluluto, binuhos niya, pumutok at pumunta sa katawan niya.



"Si Manang strong siya, kaya lang she's 70-plus. Nagkaroon siya ng kumplikasyon, hindi na siya umigi, hindi na nag-rejuvenate yung skin niya. Two months na siya sa PGH [Philippine General Hospital], nasa special section ng burn section ng PGH."



Ayon kay Kuh, hindi sila nagkulang ng anumang tulong na maipagkakaloob nila kay Manang Eliza.



"Right after the accident, kotse ko pa ang ginamit, dinala siya sa pinakamalapit na ospital sa Cavite. Sinabi sa amin, 'Huwag dito, sa PGH ninyo siya itakbo dahil ang PGH ang magaling sa burns. Right that day, dinala namin siya dun, di namin pinabayaan si Manang, mahal na mahal namin siya.



"Lahat, pati lapida kami ang gumastos. Wala kaming pagkukulang. Kung ano ang gustong kainin ni Manang, ibinibigay namin sa kanya kasi talagang nahirapan siya," saad ni Kuh.



Ikinuwento rin ng Pop Diva na pumunta sa kanya si Julie at nanghihingi sa kanya ng pera. Ayon kay Kuh, hindi na niya responsibilidad ang anumang hinihingi ng mga anak ni Manang Eliza, lalo't hindi naman niya tinalikuran ang kanilang cook nang mangyari ang nasabing aksidente.



"Hindi, dapat bang tuluy-tuloy yun? Feeling kasi namin, nakatulong na kami. Pumunta nga si Julie sa amin, nanghihingi siya ng pera, tinanong ko siya kung magkano ang kailangan niya. Tapos may sinabi siyang negosyo daw na ipapatayo. Sabi ko, pag-usapan namin 'yan, maghintay lang nang kaunti kasi kagagastos lang at saka magpa-Pasko. What I wanted sana is to give something to them nung Pasko, pero nauna na siya. I don't know who gave her the idea.



"Ako, ayokong magsalita na masasaktan pa si Julie, kasi hindi ako ganung klase ng tao. Pinagpe-pray ko sa Panginoon, Lord, huwag Ninyo akong pabayaan na magkaroon ng resentment kay Julie kasi gusto ko mahalin siya. I'm a true Christian, I'm a serious Christian. In fact, sa Bible, love your neighbor.



"Mahal ko si Julie kaya lang masakit lang na bakit kailangang magsinungaling pa para lang siraan ako, tama ba yun? Dapat ba na dumukot ako sa bulsa ko at sabihing, 'Julie, heto na, huwag ka na lang magsalita.' Parang tinatakot kami, tinatakot ako na sisiraan ako. Sabi ko nga, imbestigahan nila, with all the proofs that they needed from the day na nangyari yun, may binili kaming gamot, tumulong kami.



"Hinihiling ko lang sa lawyer niya na huwag bigyan ng masamang advice si Julie because mali. Tumutulong kami. Pag sinabi ng judge yun ang ibigay ko, yun ang ibibigay ko."



Para kay Kuh, dapat nagpakumbaba ang taong humihingi ng tulong at hindi sa paraang nananakot.



"Dapat naman pag humihingi tayo ng tulong, nagpapakumbaba tayo, hindi sa paraang pangit. Yun ang leksyon ng buhay natin. Ang tao naman I think matulungin, lalo na ang mga artista. Sensitive ang artists sa pangangailangan ng tao, hindi lang sa mahirap pero sa lahat ng nangangailangan. Pero huwag sa paraang sisiraan ka. Ako, naghihintay lang ako, hihintayin ko yung tamang paraan, yung tamang way."



Magka-counter charge ba siya?



"Hindi ako magka-counter demanda. But ginawa nilang legal, then I will have my lawyer to be with me. Lawyer to lawyer na lang."



Sa pagtatapos ng interview kay Kuh, natitiyak niyang wala siyang masamang relasyon sa sinumang nagtatrabaho sa Hacienda Isabella.



"Lahat ng tao sa Hacienda Isabella na nagtatrabaho dun, nagpapasalamt kasi nabibigyan sila ng trabaho kasi sa Cavite , ang kinikita nila 1,000 to 2,000 at sa amin, mayron silang 13th month pay. Nag-uumpisa pa lang naman kami, di naman kami araw-araw na nagnengosyo diyan. But we're doing very well. Mababait ang mga tao dun."

No comments: