Jo-Ann Maglipon, the editor-in chief of PEP may have apologized to Richard Gutierrez et al but she was not coerced to retract what was published despite the threat of a suit by Annabelle Rama.
Nag-apologize ang PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon para kay Richard Gutierrez, Michael Flores at Jeffrey Quizon dahil ang mga pangalan nila ang nabanggit sa article na lumabas sa PEP pero na-pull out kaagaad.
Nag-apologize si Mama Jo-ann dahil na-upload kaagad ang article nang hindi pa kumpleto ang kanilang imbestigasyon.
Nag-apologize siya at inamin niya na may mga loopholes sa kuwento pero hindi satisfied si Annabelle Rama.
Hindi natutuwa si Bisaya sa apology at sa presscon na ipinatawag ni Jo-Ann dahil hindi raw nito inabswelto si Richard.
Hindi raw sinabi ni Jo-Ann na hindi totoong nangyari ang insidente na tinutukan ng baril ni Richard si Michael.
Gusto ni Bisaya na linisin ni Mama Jo-Ann ang name ni Richard pero hindi binawi ni Mama Jo-Ann ang kuwento na inilabas ng PEP noong linggo dahil wala raw siyang alam sa nangyari. Bakit daw niya babawiin ang kuwento na hindi naman niya na-witness?
Imbes na matapos ang isyu, lalo pa itong lumaki. Ang dinig ko, itutuloy ni Bisaya ang planong pagdedemanda sa writer ng PEP para magkaalaman kung saan nanggaling ang kuwento na tinutukan ni Richard ng baril si Michael.
Should this happen, the publicity that Annabelle Rama gets from PEP for her talents will be reduced to the extent of the PEP's coverage of fans.