10.13.2011

Sharon Cuneta Dinamayan ang Anak na Nagdadalamhating si KC Concepcio




Kawawa naman si KC Concepcion. Napilitang pumunta sa Europe para mag-isip at ngayon ay mapipilitan na namang makita si Piolo dahil sa kanilang trabaho. Kaya come to the rescue and mother niyang si Sharon Cuneta.


Dapat lang talagang damayan ni Sharon Cuneta ang kanyang panganay na dalaga ngayong may malaking problema ito sa puso. She was there to give her and Piolo Pascual her blessing nang ihayag nila ang pagkakaroon nila ng relasyon.
Ngayong ipinalalagay ng lahat na hindi sini­ser­­yoso ng aktor ang kanyang anak, kailangan na siguro niyang mamagitan, if only to assure her na sasamahan nila si KC sa paglutas ng kanyang problema. ’Yun lang naman ang puwede niyang gawin kahit siguro kating-kati na siyang komprontahin si PJ ngayon pero hindi siya puwedeng makialam kay KC.

No comments: