10.26.2011

Ano talaga ang problema nina Raymanrt Santiago at Claudine Barreto






Pagkatapos ng magarbong kasal, dalawang taon na halos na nababalitang hiwalay na si Raymanrt Santiago at Claudine Barreto. Pero pinabubulaanan nila ito hanggang kahapon na nag-iiitak si Claudine nang malaman niyang nawithdraw na ang limang milyon nilang joint account ng asawa. 


Ito ang balita.

Maraming question ang naghihintay ng kasagu­tan sa bagong isyu tungkol kay Claudine na tu­ma­bon sa tsismis na hiwalay na sina John Lloyd at Shaina.
Bakit may kasama si Claudine na abogado nang pu­munta siya sa bangko para i-withdraw ang kadatungan? Bakit maingat sa pagsasalita ang legal counsel ni Claudine?


Bakit hindi kasama ni Claudine ang mister na si Raymart Santiago? Bakit umiiyak si Claudine? Sino ang mabilis na nakapag-withdraw ng datung na ginegetlak ni Claudine mula sa bangko?
Hot na hot ang balita na may pinagdaraanan na problema sina Claudine at Raymart dahil nag-trending topic sila sa Internet.
Malakas ang kutob ng mga showbiz observers na malaki ang problema ng mag-asawa dahil sa pag-iyak ni Claudine sa TV. Nakadagdag sa isyu ang balita na inilipat nina Claudine at Raymart sa pangalan ng mga anak nila ang kanilang properties.

No comments: