10.20.2011

Nora, titigil na ng paniniggarilyo


Natutuwa si German Moreno at nangako si Ate Guy na hihinto ng manigarilyo.



Mukhang nakabuti ‘yung ginawang pagpuna kay Nora Aunor na lumabas sa cover ng isang babasahin na may hawak siyang sigarilyo. Dahil marahil pinag-usapan at sinabing masamang impluwensiya sa marami kung kaya biglang nagising ang Superstar at sinabing ititigil na ang kanyang bisyo.
Aba, maganda ito! Sana lang ay mapangatawanan niya ito. Hindi ako naninigarilyo pero alam kong mahirap itong itigil pero kapag nagawa niya ay siya ang unang-unang makikinabang.
Good luck Guy!

No comments: