10.09.2011

KC Concepcion, hiwaly na kay Piolo?



Talaga yatang wala ng pag-asang magkatuluyan si KC Concepcion at Piolo Pascual. Pahiwatig niya bago siya umalis patungong Europa ay gusto niyang mag-isip. Wala siyang pakialam kung alam ni Piolo o hindi ang kaniyang pag-alis.

Ito ang balita:

Kahapon ay hindi nakapag-host si KC Concepcion sa programang The Buzz dahil umalis siya noong Miyerkules ng gabi papuntang Europe. Marami na naman ang naglabasang balita kamakailan na hiwalay na talaga sina KC at Piolo Pascual.
Nakagugulat ang mga pahayag na ibinigay ng dalaga tungkol sa isyu bago siya umalis. “Kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko, sa dami-dami nang nangyari at nangyayari, siguro kailangan ko lang mag-isip talaga, para lang mahanap ko lang ’yung sarili ko ulit.
“Siyempre comfort zone ko ’yung Europe, tamang-tama na nandoon ’yung childhood friends ko. Maganda rin na makasama ko ’yung matagal ko nang kaibigan at makapunta ulit sa lugar na makapagpapasaya sa akin. Meron ding mga events na mangyayari, may wedding ’yung isa kong kaibigan. Gusto nila ng side trip sa Paris, gusto nilang makaikot sa lugar na ’di masyadong alam ng turista.

No comments: