10.18.2011

Jinkee apektado ng larawan ng love child daw ni Manny



Tahimik lang si Jinkee Pacquiao pero masyado siyang apektado sa balita at larawan ng binyag ng sinasabing anak ni Manny Pacquioa kay Kat Ordonez.

Kahit hindi aminin ni Jinkee Pacquiao at kahit nag­bigay na ng pahayag ang ina ng batang sinasabing anak ng Pambansang Kamao, nagdulot ito masamang epekto sa Pacquiao marriage. Kung hindi ay bakit hindi sasama ng Las Vegas si Jinkee hindi lamang para panoorin ang laban ni Manny kundi para suportahan doon ito.


Totoo rin kaya ang paghahamon nito na ipa-DNA ang batang bininyagan para malaman ang totoo kung anak nga ito ni Manny?
Ako, ang masasabi ko kay Jinkee ay cool lang siya. Siya ang asawa kaya huwag niyang bigyan ng dahilan si Manny na ipagwalang bahala ito. Saka siya pumiyok kapag naramdaman niyang may pagbabago na sa relasyon nila. Pero puwede niyang kausapin ang asawa niya, silang dalawa lamang at huwag na niyang ipagmakaingay pa ito.
Pero balitang ang mga kaibigan niyang tulad ni Dra. Vicki Belo ang dumaramay ngayon kay Jinkee.

No comments: