10.04.2011

Nora Aunor isinugod sa ospital

Kung bakit isinugod sa ospital si Nora Aunor ay di malaman pa ang dahilan.

Ito ang balita:  
Isinugod umano sa ospital ang Superstar na si Nora Aunor nitong Martes, ayon sa kanyang matalik na kaibigan at manager na si German “Kuya Germs" Moreno.
Sa kanyang radio program na "Walang Siyesta" sa dzBB radio nitong hapon ng Martes, sinabi ni Kuya Germs na posibleng sobrang pagod sa trabaho ang dahilan ng pagkakasakit ng batikang aktres.
Bukod sa sobrang pagod, hinihinala ni Kuya Germs na maaaring nakaapekto rin sa kalusugan ni Aunor ang pabago-bagong panahon sa Pilipinas.
Bagaman, inabisuhan umano si Ate Guy na magpahingan, hindi nabanggit ni Kuya Germs kung saan ospital dinala ang kaibigan at kung pinayagan na itong lumabas ng pagamutan.
Matagal nang namamalagi sa Amerika si Ate Guy at dumating siya sa Pilipinas noong Agosto para gumawa ng ilang proyekto.

No comments: