10.18.2011

Lolit Solis versus Lito Camo


Galit na galit si Lolit Solis kay Lito Camo sa pag-akusa sa kaniya na siya ang naglabas ng retrato ng "anak" daw ni Manny Pacquiao kay Kat Ordonez.


Ano kaya ang gagawin niya pag nakita niya si Lito Camo ?

May mga tumatawag sa akin at nagtatanong kung puwede raw ba na ibigay nila kay Lito Camo ang telephone number ko dahil gusto niya na mag-explain.
Isang malakas na “hindi!” ang sagot ko dahil hindi ko pinangarap na makausap ang isang tao na mapag-imbento ng balita?
Bago ako kausapin ni Lito, kausapin muna niya ang kanyang sarili at tanungin kung bakit gumawa siya ng gulo na lalong nagpalaki sa isyu ng diumano’y pagiging ninong ni Manny Pacquiao sa anak ng isang Kat Ordonez.
May hinala ako na gustong ilihis ni Lito ang isyu dahil siya ang nasa litrato ng binyag ng bagets. Naghahanap si Lito ng ibang masisisi dahil afraid siya kay Jinkee Pacquiao. Pero kung kaya ni Lito na mag-imbento ng kuwento at magsangkot ng mga inosenteng tao, capable siya na magpakita ng mukha kay Jinkee. 

No comments: