10.10.2011

Jinkee Pacquiao papasok na sa showbiz





Hindi na mapipigilan ang asawa ng Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao na si Jinkee. Kinuha siya para maghost ng sarili niyang programa na pinag-iisipan pa ang tema. 


Ito ang balita:


Susundan na rin ni Jinkee Pacquiao ang yapak ng kanyang asawang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagsabak sa mundo ng showbiz, ayon sa ulat ni Aubrey Carampel para sa “24 Oras" noong Biyernes.

Tulad ni PacMan na host ng “Manny Many Prizes," nakatanggap na rin umano si Jinkee ng offer upang mag-host ng sariling TV show.

Kasalakuyan pang pinag-uusapan ang magiging tema ng kanyang show pero kung si Jinkee ang tatanungin, nais niyang may kinalaman ito sa public service.

Buo naman ang suporta ng Pambansang Kamao sa pagsabak ni Jinkee sa showbiz. Sa katunayan, si Pacquiao ang unang kinausap sa pagkakaroon ng sariling show ng kanyang maybahay.

No comments: