10.24.2011

John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao split na?




Selos daw ang dahilan ng paghihiwalay ni John Lloyd Cruz at Shain Magdayao. Pero totoo bang split na sila?

Ito ang balita.

Ang balita tungkol sa paghihiwalay nina John Lloyd Cruzat Shaina Magdayao ang big news kahapon pero hindi pa kinukumpirma ng magkabilang kampo ang katotohanan sa isyu.
Ang tsismis, selos ang dahilan ng paghihiwalay nina John Lloyd at Shaina.
Ewan ko lang kung may kinalaman ang pagte-text ni Shaina kay Ruffa Gutierrez sa paghihiwalay nila ni John Lloyd.
Si Ruffa ang nag-confirm sa Paparazzi noong Linggo na tinawagan siya ni John Lloyd sa kanyang cell phone noong October 18 para mag-apologize.



Humingi raw ng paumanhin si John Lloyd dahil sa inasal ni Shaina na ginamit ang cell phone ng boyfriend nang mag-text kay Ruffa.
Ang balita ko, hindi lamang si John Lloyd ang nag-sorry kay Ruffa. Nag-apologize rin sa aktres ang kapatid ni John Lloyd.
Nagpaliwanag si Ruffa tungkol sa ginawa sa kanya ni Shaina para malaman ng mga tao na wala siyang kasalanan o ginagawang masama.

No comments: