7.06.2011

Vicki Belo at Hayden Kho magpapakasal na

Bakit kaya bigla na lang naiipang magpakasal ni Hayden Kho at ni Vicki Belo? Gahil ba kahit may cosmetic surgery, sooner or later, lalabas din ang malaking agwat? 
Ito ang balita:


Isa sa pinakapinag-uusapang relasyon ay ang pagsasama ng celebrity couple na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Sapantaha ng karamihan na hindi na sila magkakabalikan.
Pero ang hiwalayan ay mauuwi pala sa isang pagseseryoso sa kanilang relasyon.


Para kay Vicki, ang lahat ng nakaraan ay napatawad na niya.
“Sabi ko nga kay Hayden, if I had to go through all of that para maging ganito ka na, worth it na rin kasi sobrang nag-mature, sobrang nag-change,” sabi ni Belo.
Hindi inasahan ni Vicki na mapapaaga ang alok na kasal ni Hayden.
Nakuha ni Hayden ang basbas ng ina ni Vicki kahit pa nga raw matindi ang pag-aalinlangan nito sa intensyon niya kay Vicki.
Aminado naman si Vicki na hindi pa kumbinsido ang 2 niyang anak na sina Crystalle at Quark.
“Alam ko naman na they love me and because of the history, they’re just worried about me,” sabi ni Belo.
Patutunayan daw ni Hayden sa lahat na hindi magiging hadlang ang agwat ng kanilang edad.
Si Hayden pa mismo ang humingi ng prenuptial, isang kasunduang magsisiguro sa kayamanan ni Dra. Vicki Belo.
Abangan ang iba pang detalye sa napipintong kasalan at ang buong video ng wedding proposal ni Hayden Kho kay Vicki Belo sa Amerika ngayong Linggo sa Rated K.

No comments: