7.04.2011



Hindi ba ang tunay na dahilan ay dahil hindi sila on speaking terms ni James Yap. Sanhi ba ito ng pagpapalutang na kung sino ang girl friend ng dati niyang asawa na lumalabas naman ay walang katotohanan?
MULING nagbalik sa morning show ang Queen of all Media na si Kris Aquino via “Kris TV” na mapapanood sa ABS-CBN 2 mula Lunes hanggang Biyernes, kung saan ang magiging paksa ng kanyang bagong morning show ay tungkol sa mga sikat na celebrities, musika at relasyon. Knowing Kris, siguradong halos lahat ng paksa ay mauungkat niya. As in, open topic pag siya ang nag-interview.



Isa sa katanungan ng bayan ay kung iimbitahin ba naman ni Kris ang kanyang dating dyowang si James Yap, lalo pa ngayon na on speaking terms na rin naman silang dalawa.
Ayon sa kampo ni Kris, hindi raw niya iimbitahan si James na mag-guest sa Kris TV. Isa sa dahilan na binigay kasi ni Kris kung bakit hindi nag-prosper ang marriage nila ni James ay sa dahilang naging open ang buhay mag-asawa nila sa publiko. Ngayon na hiwalay na sila ay nagbalik sa buhay pribado niya si James at ito ang ginagalang ni Kris sa dating asawa.

No comments: