7.12.2011

Blind Item- Sino kaya ito?


Mahuhulaan ba ninyo kung sino  ang actress-tv host na ito? 
GAANO katotoo na bumili ng limang mamahaling relo ang isang actress-tv host na iba-ibang design? Almost P2 million daw ang isa. Umaabot ito ng almost P10 million.
Wala namang problema dahil malaki talaga ang kinikita ng actress tv-host sa kanyang mga ini-endorse at mga teevee shows. Kayang-kaya niya talagang bumili ng mga expensive na relo.
Pero, mainit lang talaga ang mata sa actress-teevee host dahil sa pagkakataong ito, isa siya sa dapat manguna sa pagtitipid at tumulong sa tao sa sunud-sunod na kalamidad na dumarating.
Kesa nga namang magpabongga sa limang relo na binili niya, sana nga lang ay naghinay-hinay siya dahil nakaaapekto raw ito sa posisyon ng pamilya niya.
Tsuk!

No comments: