7.23.2011

Mga Dahilan bakit hindi nakarating si Nora Aunor


Maraming hindi naniniwala na walang balak umuwi si Nora Aunor. Katunayan umattend pa ito ng despidida para sa pag-alis niya.
May mga dahilang binanggit si Alfie Lorenzo at isa na rito ay tugkol kay John Rendez.


Ito ang artikulo:

Si Suzette Ranillo raw ang nag-aayos ng mga pro­jects for Nora Aunor -- meaning, siya ang tumatayong manager ni Ate Guy sa Pilipinas na dapat eh siyang nag-aayos ng lahat ng dapat ayusin.

Eh bakit sa last minute ay umatras si Ate Guy kung ayos na ang lahat?


Mismong sa bibig ni Ate guy galing ang confirmation ng pagdating niya sa Pilipinas nu’ng Huwebes.

Kumpirmado ‘yun dahil may video interview pang ipi­nalabas na kuha sa despedida party for Ate Guy.

Eh bakit nga at the last minute na ihahakbang na lang ni Ate Guy ang mga paa niya papasok sa PAL flight na ‘yun nu’ng Miyerkules ng gabi ay pinakansela ni Ate Guy ang trip niya? Anong nalaman niya at the last minute?


Remember ‘yung text sa akin ni Ate Guy na nakikiusap sa akin na kausapin ko si ER Ejercito for her contract na pipir­mahan? Finorward ko ang mga text sa akin ni Ate Guy kay ER, pero dinedma ako, ganoon din pala si Ricky F. Lo na wala ring natamong sagot sa text niya kay ER.


Baka raw may kontratang ipinakita si Suzette kay Ate Guy na ‘di naman nagustuhan ang contents like P1.5M lang ang ba­yad sa movie na gagawin niya. Masyadong mura para sa kategorya ni Ate Guy.


Meaning, mas mahal pa ang TF ni Juday kesa sa one and only superstar? Unfair nga naman, so it’s a no!


Mababaw ang ginawang dahilan na may Filipino affair pa raw palang dadaluhan si Ate Guy sa Agosto 8?

Ano ‘yung affair na ‘yun, nakalimutan ni Ate Guy at naalala lang niya nu’ng papasakay na sa eroplano?
Ano ako, born yesterday lang? Naman!

Siyempre when you do your schedules alam mo what comes first. Sunud-sunod ‘yan siyempre accordingly. Kaya hindi accepted ang mababaw na dahilang ‘yun! There’s something deeper than that.


May nagparating naman sa akin na hindi pa raw kasi nagbayad ng IRS (BIR ng Amerika) niya si Ate Guy mula sa mga kita niya sa mga shows niya sa Amerika. Malaki raw ‘yun. Eh bakit naman sa last minute pa makakalkal ‘yun? ‘Pag may flight ka naman hindi mo kailangang ipakita ang BIR clearance mo when you check-in sa counter ng plane na sasakyan mo? Debah naman Donita?


Hindi kaya the negotiation fell off? Oh baka walang tiket si John Rendez kaya ‘di nakasakay sa plane kaya wah na rin fly ang Ate Guy niyo? Hindi naman makapagbigay ng disenteng explanations ‘yang Albert Sunga na ‘yan eh!

No comments: