7.01.2011

Hindi ba nila kilala si Kris Aquino?


Gimik o Totoo?
Ang mga artista kahindi kapanipaniwala ay ikukuwento para lang mapag-usapan. Ito maniniwala ba kayo? 


KAALIW si Kris Aquino. Milyonarya, naputulan ng linya ng Smart. Hindi raw kasi humabol sa cut-off date ng singilan ang pag-clear ng kanyang tseke. Matuk n’yo ‘yon?
Bakit kasi hindi na lang i-cash para walang istorbong nangyayari sa kanya. Ewan lang natin kung hindi ‘to chika lang ni Kris. Kapatid ng Presidente at mayaman naman bakit puputulan agad? May konsiderasyon ‘yan siyempre, at hindi naman tatakbuhan ni Tetay ang utang n’ya.
‘Yun ngang pagkakahuli ng driver ng Queen of all Media, duda rin tayo e. Maniniwala ba kayong huhulihin ito ng barangay traffic enforcer sa salang obstruction at illegal parking?
Ilang beses na naming sinubukang mag-park do’n sa gilid ng ABS-CBN na kinahulihan ng driver ng sis ni PNoy, wala namang sumisita sa amin. Kung meron man, nagpapaalala lang at ituturo kayo sa tamang paradahan.

No comments: